KABANATA II

1462 Words
I've been struggling in sleep! Sa lahat sobra para akong nasu-suffocate hindi ako makahinga! Para makatulog ako ng maayos kailangan ko ng uminom ng sleeping pills or mag pakalango sa alak. My life turns upside down. Masarap na ang tulog ko sa mga oras na ito ng biglang may kumalabog sa pinto. Nagising na ang diwa ko ngunit tulog parin ang katawan ko dahil sa gamot na tinurok sa akin ni Manang Pasing. "Nakakainis! Nag usap tayo na sasamahan mo ako mag shopping sa boutique pero asan ka? Nandito ka sa kwarto mo tulog na tulog!" Galit na sigaw ni Celine sa akin. "Ma'am Celine. Pasensya na po at nakatulog si Sir Lucio. Nag wawala na naman po kasi siya kanina kaya tinurukan ko siya ng pampakalma at pampatulog," "Urrrghhh! Nakakainis! Bakit ba hindi niya pa din matanggap na patay na si Gianna! She killed herself!" Sigaw ni Celine. Para akong nagkaroon ng lakas sa narinig ko. Iminulat ko ang mga mata ko at tumayo ako sa pagkakahiga ko. "Hindi pa patay si Gianna! Sa totoo lang ikaw ang dapat sisihin sa lahat ng nangyari sa aming dalawa! Kung bakit siya nawala bigla at lahat lahat! Lumayas kana dito sa pamamahay ko at wag na wag ka ng babalik dito! Tapos na tayo!" Yumakap bigla ng mahigpit sa akin si Celine. "Sorry na, Hindi na ako magagalit sayo basta wag lang tayo mag hiwalay na dalawa," "Bitawan mo ako! Alam mo nasusuka ako kapag nakikita kita. Sa pagkatao mo! Nakakasuka! Sana hindi nalang kita binalikan, Sana hindi nalang ako nagpakatanga ulit sayo! Oo Mahal na Mahal kita noon kaya pinakasalan ko si Gianna para pag selosin ka pero habang tumatagal ang panahon mas lalo kong naiintindihan na si Gianna na ang Mahal ko! Hahanapin ko siya sa buong mundo hindi ako mapapagod na hanapin siya para magkasama na kami ulit na dalawa!" "Patay na si Gianna! Mahirap bang intindihin yun? P-A-T-A-Y na siya! Wag kang tanga Lucio!" "Hindi na ako maniniwala sa demonyong katulad mo! Hindi na ako mag papauto sa mga sinasabi mo!" "Ok! Mag pakakuba ka kakahanap sa namatay mong asawa! Baka gusto mong mag sama na kayong dalawa sa impyerno?" sambit niya habang may binubunot sa bag niya. "Sige! Tutal patay naman na si Gianna diba? Bakit hindi mo na rin ako patayin para magkasama na kaming dalawa?" "Sige! Pero hindi muna kita papatayin ngayon. Hindi ko dudungisan ng dugo ang mga palad ko." Lumapit ako sa kanya at nakipag agawan ako ng baril. "Akin na! Akin na yang baril na yan at ako na ang gagawa!" Sigaw ko sa kanya. "Hindi pwede!" Nag agawan kaming dalawa ng baril niya hanggang sa nakalabit ko ang trigger niya. Napaluhod sa harap ko si Celine habang nakatulala sa akin. Hinawakan ko ang tagiliran ko at nakakita ako ng maraming dugo. "Lucio!" Sigaw ni Manang Pasing. Biglang umikot ang mundo ko at sumubsob ako sa sahig. Nakatingin ako sa kanilang dalawa habang nag pa-panic sila sa akin. Ngumiti ako sa kanila habang papapikit ang mga mata ko. (Switching Scenes) EMILY'S POV Nagluluto na ako ng hapunan naming maganak. Hindi niyo naitatanong pero bumuti ang lagay ng pamilya ko simula ng kinasal kami ng Ultimate Crush ko si Angelo. Akalain niyo nagbunga ang kalandian ko at ito na nga si Jacob ang anim na taong gulang naming anak. Akala ko wala na talagang pag-asa sa aming dalawa ngunit na-work out namin ang relationship namin. From f**k buddy to real relationship and now husband and wife. Sinuportahan ko ang pag didirektor niya and now he is really successful! Sobrang dami na niyang palabas na na-direct nabigyan siya ng spotlight. Pitong taon na ang nakalipas simula noong nakilala siya bilang isang magaling na direktor. Habang nagluluto ako ng hapunan ay biglang lumapit sa akin si Jacob. Dala-dala niya ang cellphone ko at inabot sa akin. "Mommy! Phone!" Patakbo niyang sambit sa akin. Kinuha ko agad ang cellphone ko at sinagot ang tawag. "Hello?" "Emily! Emily! Si Alma to! Sinugod sa hospital si Sir Lucio! Madaming dugo ang nawala sa kanya! Dalian mo!" Natatarantang sambit ni Alma sa akin Hindi na ako nakapag salita pa at agad kong kinuha ang susi ng kotse ko at pinatay ang stove. Dinala ko si Jacob sa bahay nila Mama para sila muna ang mag alaga sa kanya dahil may emergency ako. "Anak, Doon ka muna kila Lala aah? May emergency si Mama sa work," "Ok po." Nag madali kaming sumakay sa kotse at umalis ng bahay. Napapaiyak ako sa kaba kung anong nangyari kay Lucio. Bakit siya sinugod sa hospital at bakit siya sugatan? Habang nag mamaneho ako ay tinawagan ko si Angelo. Agad niyang sinagot ang tawag ko. "Hon! Nasa ospital daw si Lucio. Dalian mong pumunta doon!" sambit ko sa kanya. "Ma? Anong nangyari kay Tito-ninong?" "Wala naman anak," "Eeh? Bakit niyo po tinawag si Daddy tapos punta sa hospital? Diba place yan ng mga sick people? tanong niya sa akin. "Yes baby. Nag pacheck up lang si Tito-ninong kaya ganun," "Aah ok po." Nang makarating kami ni Jacob sa bahay nila Mama ay agad ko siyang ibinaba sa kotse at pinasok sa loob. "Ma!" "Anong meron? Bakit nag mamadali ka?" "Si Lucio nasa hospital. Sayo muna si Jacob aah babalikan ko nalang bukas. No junk food Ma aah." sambit ko sa kanya sabay alis. Sumakay ako muli sa kotse ko at nag madali na akong umalis. Pumunta ako sa C.A hospital kung saan dinala si Lucio nila Manang. Pag dating ko sa hospital ay patakbo akong pumunta sa E.R. Nakita ko si Celine at Manang na umiiyak sa gilid. Agad kong nilapitan si Manang. "Manang! Anong nangyari?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. "Na-na-na-," Utal na sambit ni Manang. "Nabaril ko si Lucio," sabat ni Celine. "Ano! Binaril mo si Lucio?" Galit kong sambit sa kanya. "It was an accident! Ok?" "Lumayas ka dito! Kahit kailan wala kang ginawang tama! Mamatay tao ka!" Galit na sambit ko sabay sampal sa kanya. Napalakas ng sobra ang sampal ko kay Celine kaya napahawak siya sa pisngi niya. Nanlisik ang mata ni Celine na nakatingin sa akin at bigla niya akong sinugod. Hinablot niya ang buhok ko at nag kanda balyahan kaming dalawa sa labas ng Emergency Room. Hindi ako nag patinag sa kanya kaya habang sinasabunutan niya ako ay sinasapak ko siya. "Stop it! Stop it! Masakit na!" Sigaw ni Celine sa akin. "Hindi! Kulang pa yan sa mga ginawa mo sa kanila ni Gianna! Sana ikaw nalang ang nasa pwesto ni Lucio at Hindi Siya! Mamatay kana!" Sigaw ko habang patuloy siyang sinasapak. Hindi ko alam kung saan nakakuha ng lakas ang Bruhang ito at naibabawan niya ako. Para kaming mga UFC boxer sa ginawa namin. Naglabasan na ang mga doctor at pasyente sa kalapit na kwarto. "Tigil na! Tigil!" Pangmamakaawa ni Manang Pasing sa amin. Duguan na ang ilong ni Celine dahil mas nakarami ako ng bugbog sa akin. Ngunit duguan na din ako dahil sa mahahabang kuko ni Celine na kumakalmot sa akin. "Mamatay kana! Mamatay kana Celine!" Galit kong sambit sa kanya. "Mamatay ka din Emily! Peste ka rin sa buhay ko!" Galit na sambit ni Celine sa akin. Habang nagsasakitan kami ni Celine ay may biglang pumito sa aming dalawa. Dumating ang tatlong guard para Paghiwalayin kaming dalawa ni Celine ngunit hirap sila sa amin dahil habang naglalayo kaming dalawa ay mas lalo kaming nagsasakitan na dalawa. "b***h!" Sigaw ko. "b***h ka din! Pokpok! Habang wala sa piling mo si Angelo nasa akin siya," pang aasar niya sa akin. "Wala akong pake! b***h ka!" Galit na sambit ko sa kanya. "Ano? Wala kang alam noh? Nakakaawa ka!" Napahiwalay na kami ng mga guard ngunit kumalas ako sa nakahawak sa akin at sinugod ko si Celine. Dumoble ang galit ko sa kanya dahil sa narinig ko! Habang nakasabunot ako sa kanya ay may yumakap sa akin. "Stop na Hon! Bitawan mo na si Celine," sambit ni Angelo habang yakap-yakap ako. "Ikaw pa! Hintayin mong makauwi tayong dalawa at pati tayo mag tutuos!" Galit na sigaw ko kay Angelo. "Please Hon. Madami ng tao ang nakatingin sa inyong dalawa. Hayaan na natin na ang batas ang humawak kay Celine." Binitawan ko ang buhok ni Celine at kinalas ko ang pagkakayakap ni Angelo sa akin tsaka umupo ako sa bench. "Tingnan niyo ang bag ng babaeng yan! May baril yan!" Sigaw ko sa mga guard. Agad na kinuha ng mga guard ang bag ni Celine at nakita nila ang baril na sinasabi ko. Sinamahan nila si Celine papalayo si Celine at dinala sa malapit na pulisya. Masama ang tingin ni Celine sa akin habang papaalis sila hindi din ako nagpatinag sa kanya kaya tinitigan ko din siya habang nakataas ang gitnang daliri ko sa kanang kamay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD