bc

Artistahin : CROSSROADS

book_age16+
85
FOLLOW
1K
READ
adventure
drama
comedy
sweet
humorous
loser
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

Book 3

Modern day beauty and the beast story. Sundan ang kwento ng binatang di nabiyayaan sa panlabas na kaanyuan sa kanyang pagtahak sa landas patungo sa pag-ibig

Due to the success of Dare, my first take on the modern day beauty and the beast theme, i decided to take that them on another spin. This time it will be funnier and more emotional

chap-preview
Free preview
Prologue
“Tol kumusta ka na?” tanong ni Greg sabay haplos sa likod ng kanyang kaibigan. “Ayos lang ako pare” bulong ni Enan. “Pare, you can open up with me. We are friends” sagot ni Greg. “E kung magaibigan tayo bakit ayaw mo maniwala sa sinasabi ko?” tanong ni Enan. “Halata naman na hindi ka okay pare e” sabi ni Greg. “Halata naman palang hindi e bakit ka pa nagtatanong? Akala ko ba magkaibigan tayo? E di dapat alam mo na ano nararamdaman ko. Unless manhid ka” bulong ni Enan. “Tol naman e, I want to hear it from you. Halata na hindi ka okay pero I want you to tell me” drama ni Greg. Huminga ng malalim si Enan sabay tinitigan ang kanyang kaibigan, “Kung sinabi ko totoo sa iyo are you willing to hug me? Will you let me cry on your shoulders? Will you cuddle with me and watch movies about love love love?” landi ni Enan. “Gago naman to e, seryosong usapan na nga ito e” sabi ni Greg. “Okay lang ako pare” sabi ni Enan. “Tara pare inom tayo. Sagot ko pero kung gusto mo mas private sa bahay tayo” sabi ng kanyang kaibigan. “Walanghiya ka tinatakot mo na ako. Alam mo sa mga movies e pag may nabigo sa pag ibig tapos may nagcomfort sa kanila e ending nila naghahalikan sila. So no thank you” sabi ni Enan. “Siraulo ka! Bakit naman kita hahalikan?” sigaw ni Greg. “E ganon naman mga napapanood natin e. May na hurt broken, tapos may eentrada magtatanong are you okay bla bla bla. Tapos mamaya dinner sila or konting drinks, tapos mag oopen up na. Tapos mamaya romantic na sila tapos ayon alam mo na” kwento ni Enan. “Kadiri ka talaga. I am being a friend to you tapos ganyan pa iniisip mo” sabi ni Greg. Sabay kinilabutan yung dalawa kaya agad sila nagtawanan. “Masakit pare. Di ko maipaliwanag pero ang sakit sakit” bulong ni Enan. “Tol okay lang naman kung umiyak ka e. Siguro wala ka pinagsabihan so you can let it out. Dude magkaibigan tayo kaya sige lang” sabi ni Greg. “Ewan ko ba pare, basta ang sakit e. Parang nawalan ako ng isang itlog. Alam ko we don’t feel we have two, pero now parang di ka mapakali kasi alam iisa nalang” kwento ni Enan. Nagpigil ng tawa si Greg, hinaplos nalang niya likod ng kanyang kaibigan. “Alam mo ba yung feeling na yon pare? Di naman natin talaga nararamdaman kung nandon pa yung dalawa e. Actually we don’t even think about that, pero the moment alam mo iisa nalang e parang iba ka na” “Parang yun nalang lagi mo iniisip na iisa nalang. Parang nararamdaman mo na bigla na iisa nalang. Sorry pare pero di ko na alam pano mo ihahambing tong nararamdaman ko e. Pero do you understand what I am feeling?” tanong ni Enan. “Pare boses mo palang nararamdaman na may mabigat kang dinadala, tara inom tayo” alok ni Greg. Sumama si Enan sa kanyang kaibigan, pagpasok nila sa kotse agad nag ayos si Greg. “Ganyan talaga siguro pag maganda, pag may nakita nang iba e don agad sila” sabi niya. Bigla siyang tinignan ng masama ni Enan kaya si Greg umatras konti. “Wag na wag mo siyang pagsasalitaan ng masama” banta ni Enan. “Pare she hurt you” sagot ng kanyang kaibigan. “Wag na wag mo siya pag iisipan ng masama, pag sasalitaan ng masama, naiintindihan mo ba ako?” tanong ng binata. “Oo pre, sorry na” bulong ni Greg. “Pare pag na inlove ka dapat alam mo kasama na ito. Syempre hindi mo idadasal itong sakit pero meron at meron siya. I am hurt, it is my fault, so do not say or think anything bad against her” litanya ni Enan. “Sorry na pre…pero naranasan ko narin siguro yang nararamdaman mo sa lower level…remember Cherry?” sabi ni Greg. “Parang ganon pero tama ka lower level of hurt yon. At yon may K factor involved don” sabi ni Enan. “Anong K factor?” tanong ni Greg. “Katangahan” sagot ng binata kaya natawa nalang si Greg. “Pare what if let us not talk about it? Inom lang tayo tulad ng dati. Promise ko I will never bring up the issue” sabi niya. “Salamat pre, that will help” sabi ni Enan. “Gusto mo tawagan natin si Shan at yung iba?” tanong ni Greg. “Wag na pre, bestfriend ko nga si Shan pero pag nakainom ako baka mabakla ako sa kanya bigla. At least sa iyo kahit lasing ako takot parin ako sa iyo” banat ni Enan. “Pagbibigyan kita, pagbibigyan talaga kita ngayon kasi hurt broken ka. Bwisit” bulong ni Greg kaya natawa si Enan. “Tignan mo yan, napatawa mo ako. Shan cannot do that pare, kaya salamat sa iyo at napapasaya mo na ako” sabi ni Enan. “Syempre pare kaibigan kita e. Gagawin ko lahat para mapasaya ka” sabi ni Greg. “Tumigil ka na! Dapat hindi ka na nagsalita! Bwisit! Parang nagiging emotionally close na tayo. Tigil mo yan baka mamaya pag tamado na tayo makakagawa tayo ng ikakatrauma nating dalawa habang buhay” banat ni Enan kaya tumindi ang tawanan nila. Samantala sa loob ng isang grocery magkatabi sina Shan at Clarisse habang inaantay ang ina ng binata. “Puntahan natin sana si Enan” sabi ng dalaga. “He will be fine, part of like naman talaga ang break ups” sagot ng binata. “Kahit saglit lang, let us just go check on him” sabi ni Clarisse. “May lakad tayo nina mama diba? Enan will be fine do not worry” sabi ni Shan. “Ikaw napaka insensitive mo. They broke up, I am sure he is hurting. He needs us, lalo na ikaw na bestfriend niya” sabi ni Clarisse. “I know him so trust me he will be fine” sabi ni Shan. “Do you? Do you really know him? So insensitive ka lang ganon ba?” tanong ng nobya niya. “Hey, ano problema mo? Bakit ka nagkakaganyan?” tanong ni Shan. “He is in pain, he needs us” sabi ng dalaga. “May lakad nga tayo e diba? Kung gusto mo mag back out tapus unahin siya then go ahead and go to him” sabat ni Shan. “Bakit ganyan ka makapagsalita? Si Enan yon, Enan…Enan! Tandaan mo sino siya” sagot ni Clarisse. “I know who he is, I told you kilala ko siya so will you believe in me. Mas kilala ko siya no. He is my bestfriend so when I say he will be okay, he will be okay” sabi ni Shan. Di na sumagot si Clarisse, tumalikod nalang at hinaplos ang kanyang cellphone. “Hey look, he will be fine. Pagkatapos ng lakad natin sige puntahan natin siya. Is that okay with you?” lambing ni Shan. “Yeah..i guess so…” sabi ng dalaga. “Great” sagot ni Shan sabay tumalikod. “Whatever Shan” bulong ng dalaga sabay nagsimangot. Sa likod ng bahay nina Greg nakatambay ang dalawang binata. “O pare sige na tagay na” sabi ni Greg. “Salamat talaga pare ha, ganito ka pala pag may malungkot kang kaibigan. Ang sarap ng pulutan” banat ni Enan. “To make you feel better pare, pag ako din siguro magiging ganito ka din sa akin” sabi ni Greg. “Pag ikaw na hurt broken pare dadalhin kita sa Davao” sabi ni Enan. “Wow, ipapasyal mo pala ako para makalimutan ko yung sakit huh” sabi ni Greg. “Oo naman, balita ko kasi madaming plantation ng saging don e” sabi ni Enan kaya napatigil sa pag inom si Greg. “Pare wag ka magrereact, I am hurt so you should be nice to me” drama ni Enan kaya napailing nalang si Greg. “Sige pare, pagbibigyan kita talaga. Sana pare wag kang suicidal” sabi niya. “Di ako ganon pare, pero aaminin ko ever since nga nag…yon…e parang wala laman utak ko pre kundi siya” “Kung kailan wala na don ko pa siya lagi iniisip. When I try to stop myself from doing that I feel empty. Ang hirap ipaliwanag pare pero basta ang sakit” sabi ni Enan. “Pare sabi nila kailangan mo pumasok sa acceptance stage bago mawala yang sakit na yan e. Alam ko sariwa pa pero dadating ka din sa acceptance stage na yon. Kaya nga ako nandito para sa iyo para gabayan ka papunta don” sabi ni Greg. “I really want to open up to you. It is really complicated” bulong ni Enan. “Pare alam ko bestfriend mo si Shan pero you can open up to me” sabi ni Greg na palambing. Sumandal si Enan sabay binuksan zipper niya kaya binato siya ng tinidor ng kanyang kaibigan. “You told me I can open up to you” landi ni Enan kaya naghalakhakan yung dalawa. “Alam mo isipin mo nalang na you met someone like her. Artista siya pre tapos ikaw simpleng tao. Naging kayo so dapat maging happy ka parin kahit wala na” sabi ni Greg. “Gago ka naman e, ano yon achievement? Pinaghahanap mo ako ng ikakatuwa ko at the excuse that I don’t have her anymore. Wag ganon pre, it is really complicated but I really got hurt. Siguro kasalanan ko talaga ito. Oo pare kasalanan ko it” sabi ni Enan. “Pare bakit nawala na ata yung artistahin mode mo? Alam mo pag naka artistahin mode ka hindi ka naman mag gaganyan e” sabi ni Greg. “E nasaktan talaga ako e. I can act that I am okay, madali lang yon pero sarili ko lang niloloko ko” “Nagbasa din naman ako, sabi nila mas maganda pag nilalabas mo daw. Isang araw ako nagkulong pare, para akong masisiraan ng bait. Isang araw ako hindi nakatulog kaya nabokya ako sa quizzes ko kinabukasan” “Kahit nga kaharap kita iniisip ko siya, kung mukha mo yung alak e mukha niya yung chaser. Para di masyado matapang” banat ni Enan. Napahalakhak si Greg pero hinaplos niya kamao niya, “Sige lang. Sige lang pare, araw mo ito e” sabi niya. “Pare nainlove talaga ako sa kanya” bulong ni Enan. “Oo pare halata naman kahit di mo sabihin” sagot ni Greg. “Hindi ako nainlove kasi maganda siya, pero it goes beyond that trust me. Sinisisi ko sarili ko pre” sabi ni Enan. “O pare wag ka naman mag self pity bigla” sabi ni Greg. “Hindi mo maiintindihan pare, basta kasalanan ko naman to. Hinukay ko sarili kong libingan” sabi ni Enan. “Pare wag kang ganyan, sinisisi mo nanaman itsura mo e” sabi ni Greg. “Hindi yon, basta mahirap ipaliwanag pare” sabi ni Enan. “Fine, itagay mo nga muna pre” sabi ni Greg kaya uminom ang binata sabay kumain ng pulutan. “Siguro mga gwapo hindi dumadaan sa ganito ano?” tanong ni Greg. “Depende, kung playboy sila hindi siguro. Pero yung mga tunay na nagmahal dadaan at dadaan dito” sabi ni Enan. “Mas okay pa mabugbog ba pre?” tanong ni Greg. “Sinabi mo. Yung sakit don mawawala, yung mga sugat mahihilom. Pag sa pag ibig e para kang nakirambol sa mga higante. Yung sakit nawawala pero pag inisip ko siya bumabalik. Kaya siguro madaming nagpapakamatay kasi di nila nakakayanan yung sakit” “Honestly pare I feel that way. I feel part of me is missing and I will never get it back” sabi ni Enan. “s**t ka pare, wag ka nga ganyan. Di magandang usapan ang ganyan. Hoy Enan umayos ka nga” sabi ni Greg. “Just opening up pre, di ko naman sinasabi gagawin ko. It is the memories that make you hurt some more. The thought that she is gone, the thought that you will never meet someone like her again..” bulong ni Enan. “Di ka naman nagkaganyan nung si Violet pare ah. Naalala ko pa kasi ako ulit yung kasama mo non. This time pare damang dama yung sakit na dala mo kumpara kay Violet” sabi ni Greg. “Walanghiya ka two hurt breaks within a year ka. Idol ka talaga. Pero pare bakit nga ba mas nasaktan ka ngayon?” dagdag niya. “Do not compare them pare, hindi maganda” sabi ni Enan. “Nagtatanong lang ako pare, I was with you when she turned you down. Yeah you got hurt but not like this” sabi ni Greg. “Violet…siguro lets call that the like hurt because it never went beyond that” sabi ni Enan. “Oh I get it, tapos si Cristine yung love hurt because there was love” sabi ni Greg. “Pare, love phase one hurt lang kaya kinakaya ko. Siguro pag love phase two…ayon baka hanggang ngayon nandon pa ako sa aking kwarto” sabi ni Enan. “Ano nanaman yang phase one at phase two?” tanong ni Greg. “Basta pare ganon yon. How I wish pumasok sa phase two” bulong ni Enan. “Siraulo ka talaga! Phase one ganyan ka na, tapos gusto mo pa phase two?” tanong ni Greg. “Trust me pare, lahat hinahangad phase two. Phase one…sadyang mahirap, malungkot pero di maiwasan magmamahal ka parin talaga e” paliwanag ng binata. “Lasing ka na ata pare, di ko maintindihan yang sinasabi mo. Naka tatlong tagay ka palang ah” sabi ni Greg kaya natawa si Enan at napakamot. Tatawa narin sana si Greg pero nakita niya namumuo mga luha ng kanyang kaibigan. “Tang…I miss her pare” sabi ni Enan sabay isang luha ang dumaloy sa kanyang pisngi. “Tagayan kita pare” sabi ni Greg sabay tumingin sa malayo para hayaan maluha ang kanyang kaibigan. “Pag may nakakasalubong akong tisay siya lagi ko naiisip. Nagbabad ako sa TV magdamag nag aantay na makita lang sana mukha niya sa news. Nakatambay ako sa f*******: niya pare at nakatitig lang ako sa mga pictures namin” sabi ni Enan. “Di pa niya inaalis?” tanong ni Greg. “Ewan ko, baka di pa siya nag log in. Bihira naman mag f*******: yon e. Sa tingin mo ba aalisin niya mga yon?” tanong ni Enan. “Ewan ko lang pare, di naman ako love expert pero sana wag sasama loob mo ha…sa tingin ko aalisin niya mga yon” “Syempre pare lets face it, she will move on and will find someone new. Syempre nakakahiya naman kay mister new pag makikita pa niya mga photos niyo doon” sabi ni Greg. “Sabagay…” bulong ni Enan. “E ikaw madami ka din photos niyo sa account mo ha. Buburahin mo din ba?” tanong ni Greg. “Di ko alam, pag nakikita ko sila lalo sumasakit pero kahit na ganon gusto ko parin sila manatili don e” sabi ni Enan. “E pano na kung may miss new ka narin?” tanong ni Greg. “Walang ganon pre” bulong ng binata. “Tol naman wag kang ganyan. Meron at meron kang mahahanap. Wag ka naman ganyan” sabi ni Greg. “Wala pre, di ko makita sarili ko naghahanap ng iba kasi si Cristine parang nakaukit na ata at naka welding dito sa puso ko e. Phase one lang pero ang hirap bitawan” sabi ni Enan. “Alam mo pare makaka move on ka din no. It will take time pero yang sinasabi mong wala ngayon huh babawiin mo din yan pre” sabi ni Greg. “Ewan ko pare, not looking forward to that day yet” sabi ni Enan. “E gago ka pala e. The more ka mahihirapan mag move on. Di ka makakapasok sa acceptance stage pag ganyan ka” sabi ni Greg. “What if I told you simula palang pinasok ko na acceptance stage?” tanong ni Enan. “Gago ka ba? O tama lang ng alak yan?” tanong ni Greg. “Sabi ko sa iyo its complicated e. Ibahin nga natin yung topic” sabi ni Enan. “Sure, ano gusto mo pag usapan? Klase ng saging gusto mo?” tanong ni Greg kaya biglang natawa ng malakas si Enan. “When it comes to banana my friend, you came to the right guy” banat ni Greg kaya tuloy ang tawa ng kanyang kaibigan. Biglang tumigil si Enan sabay nagsimangot. “Lapit na pasko…sana pinalampas muna” bulong niya. “Pre, sa pasko wag naman na saging ibigay mo sa akin” banat ni Greg kaya muling natawa si Enan. Samantala sa loob ng isang kwarto sa isang condo unit pumasok si Jelly at nadatnan si Cristine na nakatunganga habang tinitignan ang kanyang laptop. “May press con ka in two hours” sabi ni Jelly. “Tinatamad ako, sabihin mo may sakit ako” sagot ng dalaga. “Important press con yon e” sabi ni Jelly. “Did you hear what I said? Now go tell them that I am sick! Now!” hiyaw ng dalaga kaya agad lumabas si Jelly at sinara yung pintuan. Naluha bigla si Cristine habang pinagmamasdan ang mga larawan nila ni Enan sa kanyang f*******: account. Tinutok niya ang kanyang daliri sa delete icon, huminga siya ng malalim sabay pinikit ang kanyang mga mata. Nanginig ang kanyang daliri at hindi niya matuloy ang pagpindot kaya minula niya ang kanyang mga mata at agad lumipat sa ibang photo album. Mga larawan nila ng kanyang pamilya ang kanyang pinagmasdan, muli siyang naluha nang nakita niya lahat sila nakangiti. “Sorry Enan” bulong niya sabay hinaplos ang mga mukha ng kanyang mga magulang at kapatid. “Sorry Enan…sorry talaga…”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.9K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

Rewrite The Stars

read
101.5K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.7K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook