Chapter 3: New World

3116 Words
Sumalang na sa stage si Mikan, mga tao kanina pa napapalingon at tila may hinahanap. Ilang saglit lang nakita na nila si Enan at madaming nagtuturo sa kanya. “Good evening, I know everyone is excited like I am but for now settle down and let me sing you all a song that I composed” sabi ng dalaga. Pagkaupo ni Enan sakto naman nagsimula na kumanta si Mikan. “CR lang ako” sabi ni Enan. “Kararating mo lang ha” sabi ni Shan. “Shhhh wag nga kayo maingay at nakikinig ako” sabi ni Clarisse. “Pare sumasakit tiyan ko, Greg hatid mo na ako sa amin, my waterbag broke” sabi ni Enan. “Greg subukan mo lang, Shan ikarate mo chop mo yan pag tumayo” banta ni Clarisse. “Oo nga naman pare nandito ka na e. Just get it done para tapos na” sabi ni Shan. “Parang ang dali isipin kasi pero kinakabahan talaga ako” sabi ng binata. “Enan, hi” may bumating babae sa malayo kaya lahat sila napatingin. Nagulat sila pagkat kinunan pa ng litrato si Enan kaya ang binata kumaway saglit sabay niyuko ang kanyang ulo. “Bakit ka naman ganyan, wag kang snob” sabi ni Jason. “Di ko alam kung ginagago lang nila ako e” bulong ng binata. “Didikit ako sa idol ko, s**t ang daming pumapansin sa iyo dito idol” sabi ni Greg. “Madami ba? Ano sa tingin mo pansin talaga o parang natutuwa sila kasi nakakakita sila ng freakshow?” tanong ni Enan. “Nakangiti, ang gaganda at…gwapong maganda” sabi ni Greg kaya biglang natawa si Enan. “Universal s*x symbol ka na pre tulad ng sinabi mo. All genders nagnanasa na sa iyo o” biro ni Tommy. “Walanghiya kayo, s**t CR ata talaga ako’ sabi ni Enan. “Will you just stay calm. Makinig naman kayo sa bagong kanta niya o” sabi ni Clarisse. “Mukhang mayaman karamihan pare, delikado ako dito” sabi ni Enan. “Alam mo bro it seems that pinapansin ka talaga, why don’t you waive at them naman. Maybe its different here” sabi ni Shan. Kinawayan ni Enan yung mga pumapansin sa kanya, may mga babaeng nagbungisngisan at tila kinikilig kaya napataas kilay ni Clarisse. “Mga antipatika” bulong niya sabay dinikitan si Enan. “Idol, look at this” sabi ni Greg sabay pinakita tablet niya. “Fan page ni Mikan yan ah” sabi ni Clarisse. “Oo pero tignan mo ang dami nagpopost ng photo comment o at all good comments at parang natutuwa sila na nakita ka. s**t idol, artistahin ka na talaga o” sabi ni Greg. “Oh my God, oo nga no” sabi ni Clarisse kaya napapangiti na yung binata. “Siguro its her fault, lumaki yung hype pero what if I don’t deliver later e di mapapahiya siya tapos malalait ako ng husto” sabi ni Enan. “Tsk, yan ka nanaman e. Enan naman e, kumalma ka lang nga. I know you will do fine. Ano ba kakantahin niyo mamaya?” tanong ni Clarisse. “Gangnam” sabi ni Enan kaya muntikan nang mabilaukan si Shan. “Say what?” tanong niya kaya natawa si Enan. “Biro lang pero basta, di ko alam kung makakayanan ko kumanta. Parang ang dami kong alaga sa tiyan ko. Para akong naiihi na hindi na natatae na ewan ko ba” sabi ng binata. Matapos ang dalawang kanta ni Mikan napangiti ang dalaga pagkat umiingay na sa crowd at panay tingin nila sa direksyon ni Enan. “One more song or do you want to finally meet him?” tanong ng dalaga. “Enan!” sigaw ng isang babae at bigla nalang pinagsisigaw ng lahat ng tao ang pangalan niya. Tumayo si Mikan sabay huminga ng malalim, “Okay then, ladies and gentlemen, like I promised let us all welcome to the stage…Enan!” sigaw niya kaya nagpalakpakan at sigawan na ang lahat ng tao. Tumindi yung ingay sa loob ng bar, pati si Clarisse nagsisigaw sa tuwa nang tumayo na ang kanyang kaibigan. “Oh my God, grabe na to” sabi ni Greg. “Kaya nga e, can you believe this?” tanong ni Shan. “Take a video! Take a video” sabi ni Clarisse kaya lahat sila naglabasan ng cellphone para kunan ang pagpunta ni Enan sa stage. Pagkatabi niya kay Mikan nagpalakpakan ang lahat ng tao kaya si Enan halos di na maalis ngiti sa mukha niya. Kinuha ni Mikan ang kanyang gitara sabay nauna nang naupo, si Enan naman biglang nagtanggal ng shirt kaya nagulat si Clarisse. “What the hell is he doing?” tanong niya pero nagtilian ang sobrang daming babae. Nakasando naman si Enan, maski si Mikan nagulat pero pinatong ng binata ang shirt niya sa mga hita ng dalaga pagkat maiksi talaga ang suot nitong dress. “Awwwww” bigkas ng madami, si Mikan napatingin sa malayo sabay namula ang kanyang mga pisngi habang si Clarisse napangiti nalang. “s**t idol moves” bulong ni Greg. “Ready?” tanong ni Mikan. “I think so…lets do this” bulong ng binata. Nanahimik na ang lahat ng tao, nagsimulang mag gitara si Mikan kaya medyo gulat ang karamihan pagkat may tonong malungkot ang kanyang ginigitara. Pagkanta ni Enan sobrang daming mga babaeng kinilig at nagtilian sa kanyang magandang boses pero agad sila kumalma para pakinggan ang kanyang kanta. Bakit di ko maamin sa iyo Ang tunay na awitin ng loob ko. Di ko nais mabuhay pa Kung wala sa piling mo Ngunit di ko pa rin maamin sa iyo. Di malaman ang sasabihin pag kaharap ka Ngunit nililingon naman pag dumaraan na. O, ang laking pagkakamali kung di niya malalaman Kaya sa awitin kong ito ipadarama Walang kumibo at lahat natangay ng ganda ng boses niya. Damang dama ng lahat ang mga emosyon ng kanta kaya karamihan sa kanila natutulala. Sumabay na si Mikan kaya lalo nabilib ang lahat nang maayos na nag blend ang kanilang mga boses. “Lala lala, lala lala lala aaahhh” birit ni Enan. “Sa awitin kong ito ipadarama” sabay nilang birit. At kung ako’y lumipas at limot na, Ang awitin kong ito’y alaala pa. Awitin ng damdamin ko sa iyo maiiwan “Sa pagbulong ng hangin ng nakaraan birit ni Enan. “Sa pagbulong ng hangin ng nakaraan” birit ni Mikan sa mas mataas na boses. “Sa pagbulong ng hanging ng nakaraan” tuloy ni Enan sa mas mataas pang boses na agad pinasundan ni Mikan sa mas mataas pang boses. “Lala lala, lala lala aahh, sa awing ito ipadarama” sabay nila kinanta. Lahat nagtayuan at pinapalakpakan sila ng husto kaya sina Enan at Mikan tumayo at nagbow pero ang dalaga tinuro ang binata kaya lalo nagpalakpakan ang mga tao. “Let me tell you we just met a while ago and believe me we didn’t even practice that song” sabi ni Mikan. “So enjoy your drinks and the band, I will be back for the second set” sabi ng dalaga at sabay na sila ni Enan bumaba ng stage. Kababa palang nila bigla sila dinagsa ng mga tao para magpakuha ng litrato. Sinuot ni Enan shirt niya, nalito ang binata pagkat ang daming tao na gustong makipagkamayan sa kanya. Halos limang minuto sila nakikipag litrato sa mga tao, nang makawala sila nagtungo sila sa lamesa ng kanyang mga kaibigan kung saan nakiupo si Mikan. “Enan ang galing mo” sabi ni Clarisse. “Ah miss Mikan, eto pala mga kaibigan ko. Si Shan yung boyfriend ni Clarisse, tapos this is Jason, Tommy and Greg” pakilala ni Enan. “Hello, you can just call me Mikan” sabi ng dalaga. “Oh my God as in tama ka, nagblend talaga boses niyo” sabi ni Clarisse. “Did it really blend? Di ko kasi marinig sa stage” sabi ni Mikan. “Here here nagvideo kami, pero suot mo nalang itong earphones” sabi ni Clarisse. Pinakinggan at pinanood ni Mikan yung video sabay napangiti siya ng husto. “I knew it” bulong niya. “Hay salamat tapos na” sabi ni Enan. “Uy maraming salamat talaga ha. Its just a like dream come true for me so thank you talaga, sana in the future I really can work with you” sabi ni Mikan. “Aalis ka na?” tanong ni Clarisse. “Syempre kailangan niya magpahinga pa” sabi ni Enan. “Ay oo pala” sagot ng dalaga. “Not really, I can stay for a while” sagot ni Mikan. “Order anything you want, sige lang kaclose ko may ari nitong bar” banat ni Enan kaya nagtawanan silang lahat. “Hi Enan” bati ng isang babae sa malayo kaya ang binata kumaway sabay kumindat kaya umariba sa bungisngis sina Mikan at Clarisse. “Enan mahiya ka naman” sabi ni Clarisse. “Bakit? Alam mo naman bihira ako lumabas ng gabi, mga fans ko ngayon lang ako masisilayan ng gabi..” “Di na ako magtataka pag madaming tao magpunta dito para masilayan ang tunay na artistahin” sabi ni Enan. “Grabe nakakahiya ka, sorry Mikan ha. Ganyan talaga magbiro yan” sabi ni Clarisse. “Its actually funny, di ko alam bakit pero natatawa ako” sabi ni Mikan. “At nakita niyo ba yon ha? Nagtanggal lang ako ng shirt e halos sasabog na ang girls at semi girls sa kilig. Tutuloy ko sana pero baka ayaw na nila magising mamaya e” “So sapat na yon para magkaroon sila ng good night sleep. O diba? After nila mangggaling dito sa bar diretso na uwi para matulog para panaginipan ako. At least nakatulong pa ako sa kaligtasan nila. Kesa na gumala pa sila at least now may rason sila umuwi agad para panaginipan ang nag iisang tunay na artistahin” banat ni Enan. “O tulad nung isa don o, nagsimula nang managinip. Di na nakaantay makauwi” hirit niya. “Siraulo lasing ata yon” sabi ni Greg kaya laugh trip sila. “Oh come on, he is sleeping and already dreaming of me….kinda creepy kasi he..siguro nahihiya pa yung girls magsimula” sabi ni Enan kaya napaubo na si Mikan sa tindi ng tawa. “Alam mo mali yung kinanta ko e, dapat kinantahan ko sila ng lullabye. Oh well” hirit ni Enan kaya bigla siya napalo ni Mikan sa braso. “Uy tumigil ka na baka di siya makakanta mamaya” sabi ni Clarisse. “Actually I am having fun” sabi ni Mikan. Isang oras lumipas nagpaalam na si Mikan, “I hope you can stay for the second set” sabi niya. “We will” sabi ni Clarisse. “Any song you would like to hear?” tanong ng dalaga. “Kahit ano na, dedicate one for me” pacute ni Clarisse. Pagtunton ni Mikan sa stage biglang nagsigawan ang tao. “Enan..Enan..Enan!” kaya hinawakan ng dalaga yung microphone sabay ngumiti. “Sorry guys, kahit gusto ko din sana pero like I said we just met and he just dropped by to say hi actually” sabi ni Mikan. Di parin tumigil ang mga tao kaya napatingin si Mikan sa lamesa nina Enan. “Okay peeps, calm down…maybe if we ask him nicely” sabi niya kaya lahat napatingin sa direksyon ng binata. “Enan sige na” bulong ni Clarisse. “Idol go for gold o. ang dami mong fans. This is it idol, this is your moment to shine” sabi ni Greg. “Oh my God..hindi ako makahinga” bulong ni Enan. “Please Enan, one more song…one more song!” sigaw ng lahat kaya ang binata napangiti at dahan dahan tumayo. Biglang lumabas yung bandang kaalis at sumalang sa stage din kaya lalong nagwala ang mga tao. “Grabe Enan, pati yung banda o naka ready para sa iyo” sabi ni Clarisse. “Go my friend, minsan lang ito kaya what do you have to lose?” sabi ni Shan. Nagtungo na si Enan sa stage kaya nagsigawan talaga ang lahat ng tao. Nagpulong sila kasama yung banda, “So what do you want to sing?” tanong ni Mikan. “I really have no idea” sabi ni Enan. “Tol, wag ka naman na magpaiyak” biro nung drummer kaya natawa ang binata. Humarap na sina Mikan at Enan pero ang binata halatang kinakabahan. “Hey loosen up, let us just have fun” sabi ng dalaga. “Easy for you to say” sagot ng binata. “Sabi mo alam mo yung kanta so it’s a happy song so come on, just let loose. Sa ingay nila kahit pumiyok tayo o magkamali ayos lang” biro ni Mikan kaya natawa si Enan. Huminga ng malalim si Enan, nagsimulang tumogtog yung banda kaya lalong nagwala yung crowd nang marinig nila na “Buttercup” yung kakatantahin nung dalawa. “Come on Enan, shake it, get to the groove” bulong ni Mikan na nagsimula nang mag pa sway sway. “Why do you build me up” unang birit ni Enan at agad nang nagtilian ang mga babae sa crowd. Unang dalawang linya medyo nahihiya pa siya pero habang nakikita nagsasayawan na ang mga tao tumaas ang kumpyansya niya at bumigay narin at medyo napapasayaw konti. “I will be over at ten you told me time and again but you’re late, I want around and then” kanta ni Mikan. “Ba dah dah” birit ni Enan kaya napahiyaw ang mag tao sa ganda ng entrada niya. “I went to the door, I cant take anymore, it’s not you. You let me down again” pacute na kanta ni Mikan. “Hey hey hey” singit ni Enan sabay tinuloy na ni Mikan yung kanta at nagkaharap na sila at nagngitian sabay kinanta yung chorus ng sabay. Di maumayaw yung mga tao sa ganda ng salitan nila at blending ng boses. Lahat ng tao sa crowd sumasayaw kaya todo birit na yung dalawa sa stage. Nang matapos yung kanta biglang hinawakan ni Mikan kamay ni Enan at sabay sila nag bow. Maski yung banda na tumogtog para sa kanila pumalakpak kaya si Enan medyo naluluha. “This feels so good” bulong niya. “I am having so much fun, ano isa pa” sabi ni Mikan. “Isa pa! Isa pa!” sigaw ng crowd kaya nagpaunlak pa ang binata ng isang duet kasama si Mikan. Nang matapos yung set puno ng pawis si Enan bumalik sa kanilang lamesa kasama si Mikan. “Oh my God pare kakaiba ka. Parang ang tagal niyo nang magkakilala” sabi ni Shan. “Oo nga, grabe as in, as in parang ang tagal niyo nang magka duet” sabi ni Clarisse. “Was it really that good?” tanong ni Enan. “Just look at the crowd, grabe standing room nalang o. Pati ata yung mga nasa labas naintriga” sabi ni Greg. May dalawang waiter ang biglang nagdala pa ng drinks at pulutan kaya nagulat silang lahat. Paglingon nila nakayato na yung may ari ng bar sa likuran nila kaya napatayo si Mikan. “Guy this is sir Bobby, he owns this place” sabi ni Mikan. “Hello, the place is so lively. Please everything you drank and ate are on the house” sabi ni Bobby. “Salamat sir” sabi ni Enan na tumayo at nakipagkamayan sa kanya. “You two click so is there a way that you two can do this regularly?” tanong ni Bobby kaya nagulat silang lahat. “Huh?” bigkas ni Enan. “I don’t mind at all, its up to Enan” sabi ni Mikan. “What do you mean?” tanong ni Enan. “Perform here regularly. Magiging prangka na ako ha, madaming tao nagpunta dito ngayon kaya good for business ka” biro ni Bobby kaya natawa ang binata. “Sir e nag aaral pa kasi ako e” sabi ni Enan. “Oh sad to hear that” sabi ni Bobby. “How about weekends?” tanong ni Mikan. “Oo nga tapos malapit na Christmas break so pwede siguro special sets lang habang bakasyon” sabi ni Bobby. “Ah..eh..i am not really a singer” sabi ni Enan. “Oh come on, don’t be so humble” pacute ni Mikan. “You two really blend well, so think about it. Here is my card, call me or Mikan if you have decided” sabi ni Bobby sabay umalis na. Napaupo ang binata at pinagmasdan yung card, “Seryoso ba yon?” tanong niya. “Oo kaya, so pag isipan mo. Tama sinabi niya bakasyon niyo na ata soon so kahit during vacation mo lang” sabi ni Mikan. “I think this will be good for you Enan” sabi ni Clarisse. “Oo nga, kailangan mo ito pare. Nakita namin ang saya saya mo kanina habang kumakanta” sabi ni Greg. “I have to agree with them, you really need this my friend” sabi ni Shan. “Pero guys hindi ko alam ang ganito” sabi ni Enan. “I can guide you and are you kidding me? First set natin and you did great. What more if we had practice and more songs in our arsenal” sabi ni Mikan. “Ewan ko talaga e, parang di ko gabay itong mundo na ito” sabi ng binata. “I think we are friends already right? Are we?” tanong ni Mikan. “Oo naman” sagot ng binata. “Okay, as my new friend I will guide you and don’t make it such a big deal. Let us just have fun, remember what I told you a while ago about me realizing stuff and me being a robot?” “Well now you have ignited something in me that wants to change. I told you it was all because of you so I think I can still learn a lot from you” pacute ni Mikan. “Wow the singer learning from the non singer” sabi ni Enan. “Say yes” sabi ni Mikan. Napatingin ang binata sa kanyang mga barkada, napalingon siya sa buong paligid kaya agad siya napangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD