CHAPTER ONE

1607 Words
"Labyryth, " Nagising ako dahil sa mainit na hininga ang dumampi sa aking batok na nagbigay ng kiliti sa buo kong katawan. Inikot ko ang katawan ko kaya ngayon ay magkaharap na kami ng lalaking ngayon ay nakayakap sa aking baywang . Inilagay ko ang dalawa kong palad sa dalawang pisngi niya. Tinitigan ko ang ang kulay asul niyang mga mata na lagi akong nilulunod sa kawalan. Inalis ko ang isang kamay ko sa pisngi niya at inilipat ito sa kanyang mga labi. Hinaplos ko ang kanyang mapu-pulang labi gamit ang hintuturo ko. "You really like my eyes and lips, do you?" Tumango ako kaya nabuo ang ngisi sa kangyang mga labi at marahang hinaplos ang mga labi ko at saka pinisil ang ilong ko. "Aray!"Angal ko sa ginawa niyang pag pisil sa ilong ko. "Bakit ba lagi mo na lamang pinipisil ang ilong ko? Ang sakit kaya! "Rekalamo ko habang hinihimas ko ang namumula kong ilong. Natigilan ako sa paghimas sa ilong ko ng hawakan niya ang kamay ko na humihimas dito. Tinanggal niya ito at saka hinalikan ang namumula kong ilong. Nag-init ang pisngi ko dahil sa ginawa niya. Pinagdikit ko ang dalawa kong labi upang pigilan ang pagngiti ko. Lagi mo na lang akong pinapakilig, mahal. Gusto ko mang sabihin ngunit---- "Labyryth!" Nakakabinging sigaw ang gumising sa akin. Minulat ko ang mata ko at tumambad sa akin ang kaibigan kong si Sabir. "Labyryth, Makakagalitan na naman tayo ni Wagon!" Halos hindi ko na maipinta ang mukha ng kaibigan ko. Ayaw na ayaw pa naman niya na nakakagalitan siya ni Wagon. Nababawasan daw ang ganda niya. “'Wag kang mag-alala. Akong bahala diyan sa Wagon mo." Tumayo na ako at inihanda ang mga gamit ko. Tinignan ko kung kompleto pa ang mga ito. Kompleto pa naman. "Labyryth! Baka may makarinig sayo!" Napahawak si Sabir sa kanyang buhok na ikinatawa ko. Tumalikod ako sa kanya at ngumiti ng kaunti. Napakasaya talagang biruin itong si Sabir. Subalit nakakaawa rin minsan lalo na kapag binabanggit ni Wagon kung gaano nito kamahal ang kasintahan niyang si Amira. "Ay patawad,"Sabi ko habang pinaglalaruan ang tatlong punyal. Huminga siya ng malalim bago siya muli umimik. "Bilisan mo na kasi Labyryth." Nakapamay-awang na nitong sabi. "Oo na," Ngumisi ako saka humarap sa kanya kasabay ng pagbato ko sa kanya ng tatlong punyal na hawak ko. "Ah! Sumpain ka sana Labyryth!" Tatawa-tawa ako habang tinitignan ang reaksiyon niya. Hindi matutumbasan ng kahit gaano kalaking salapi ang kanyang reaksiyong nakakapagpasaya sa akin. "Patawad, " Muli kong saad. Hindi ko mapigilang matawa. Una kong sinakbat ang aking espada kasunod ay ang kustal na pinaglalagyan ng mga gamit ko. Lumapit ako sa dingding na pinagkakatagsakan ng tatlo kung punyal binunot ko iyon saka inilagay sa tagiliran ko kung saan naruruon ang mga kaluban ng aking punyal. "Halika na Sabir tapos na ako. " " Thank God! Natapos ka na rin. " Nauna na akong lumabas sa bahay na tinulugan namin ni Sabir. Sumunod naman na lumabas ay si Sabir. Pagkalabas na pagkalabas pa lamang namin ay sumalubong na sa amin ang ingay ng kapaligiran. "Humawi kayo sa daan! Magsisimula na ang parada."Sigaw ng isang lalaki. Kaya nagsitabihan kami sa gilid ng daan. Nagsimula na nga ang parada madaming kaharian ang nakidalo sa paggunita ng kaarawan ng lugar na ito. Mga kahariang gustong makasapi ang kahariang namumuno sa lugar na ito. "Wala talagang kasing ganda unang prinsesa ng Familia Riosen. "Napalingon ako sa lalaking kalapit ko na siyang nagsalita. Isa pala ito sa mga kasamahan namin ni Sabir. Nandito na pala sila. Hindi ko iyon na malayan. Muli kong ibinaling ang aking paningin sa parada. Totoo ngang napakaganda ng prinsesa ng mga Riosen. Siguro'y kung isa lamang din akong lalaki ay nagkandarapa na rin ako dito. Muli akong napabaling sa kasamahan kong lalaki na ngayon ay nakatitig pa rin sa prinsesang kanyang binanggit. Muli akong nagbaling sa likod ko para tignan naman kung nandoon ang kaibigan kong si Sabir. Subalit wala siya doon. "Sabir?!" Tawag ko sa pangalan niya. Nasaan na kaya ang babae na iyon? Magsisimula na dapat akong maglakad upang hanapin ang kaibigan ko ng biglang may humawak sa braso ko. Lumingon ako kung sino ang pangahas na humawak sa aking braso. Isa pala sa mga kasamahan namin ang humawak sa akin. "Bakit? " tanong ko sa kanya dahil nakahawak parin siya braso ko. "Si Sabir ba ang hanap mo? " Tanong niya sa akin saka binitawan ang pagkakahawak sa braso ko. Tumango ako bilang sagot sa kanya. " 'Wag mo na muna siyang hanapin. Kasama siya ni Ginoong Wagon. " Sabi niya. "Ganoon ba? Sige--"Naputol ang pag-uusap namin ng kasamahan ko ng biglang umingay ang paligid namin. Pulos tilian ng mga kababaihan. Kaya napatingin ako kung saan ang pinagmumulan ng ingay na iyon. Isang napakakisig na prinsipe ang nagtatapon ng mga kulay pulang rosas na siyang kapares ng kanyang mga kulay pulang mata. Talaga namang nakakamangha ang kanyang kakisigan at ang kanyang pulang mata. "Talagang napakasikat ng ika-tatlong prinsipe ng Suarta Levia hindi lamang sa mga kababaihan ito sikat pati narin sa mga kalalakihang humahanga sa taglay nitong lakas. " Napatingin ako sa nasa unahan kong mga lalaki na nag-uusap tungkol sa prinsipe. Muli akong tumingin sa prinsipe. Talaga namang kahanga-hanga ito at talaga naman hindi di mo mapipigilang hindi hahanga dito. Ngayon ay nasa may harapan na namin ang karo na sinasakyan ng prinsipe. Muling nagsabog ng mga pulang rosas ang prinsipe. Tumingala ako upang sumalo rin ng mga rosas na isinabog ng prisipe. Napangiti ako ng makitang may isang rosas na pabagsak na sa aking posisyon. Subalit nawala ang ngiti kong iyon ng agawin ng isang lalaki ang rosas na dapat ay sasaluhin ko na. Tinignan ko ng masama ang lalaki. Hindi ko makita ang reaksiyon niya dahil taklob ng itim na tela ang bibig niya. Tanging ang asul na mata lamang niya ang nakikita ko. "Akin na ang rosas. "Utos ko sa kanya saka inilahad ko ang kamay upang kuhain ang rosas. Tinignan niya ang rosas at tinaas niya ito hanggang sa tapat ng kanyang mukha. Pinaikot niya ito habang nakatingin dito. Pagkatapos paikot-in ay bumaling muli sa akin ang asul niyang mga mata. "Alipin, " Utas ng lalaki na ikinainis ko. Sino ba siya upang tawagin akong alipin? Baka hindi niya kilala kung sino ang kausap niya. Ako si Labyryth Kelleighn Yveriaz ang---, "Paghinawakan ng isang babae ang rosas na galing sa ikatlong prinsipe ng Suarta Levia hahabol ito dito at magiging alipin. "Sabi niya na parang may binabasa. Tumawa ng kaunti ang lalaki atsaka muling ipinagpatuloy ang pagsasalita. "What a damn silly spell he is using? " Muling tumawa ang lalaki. Nalilito naman akong tuming sa kanya. Ano bang pinagsasabi niya? "Anong ibig mong sabihin? " Nalilito kong tanong sa kanya. "Nasa ilalim ng salamangka ang rosas na ito. " Sagot niya sakin atsaka inilahad ang pulang rosas na kanina lamang ay guatong gusto kong makuha subalit ng marinig ko iyon ay bigla akong nag-alangan. "Oh well, "Saad niya kasabay ng pagbagsak ng pulang rosas sa lupa. "You have chosen the right decision, My Lady. " Saad niya bago ito tumalikod. Bago pa man ito makalayo ay may pabulong pa itong sinabi na hindi nakatakas sa aking pandinig. "Suarta Levia, You're such an idiot. " Tinignan ko makisig na likod ng lalaki habang papaalis. Sino ba ang lalaking iyon? Bakit niya ako niligtas sa mahika ng pulang rosas na iyon? Pinilig ko ang ulo ko at muli na lamang nanood ng parada. Muli na namang may pumukaw ng mga paningin ko. Isang prinsesa na may mahabang umaalon na kulay abong buhok. Talagang napakaganda din nito at talagang nakakatunaw ng puso. Nanliit tuloy ako sa sarili ko. Hindi man nakakapagtaka. Mataas ang posisyon niya samatalang kami ay isang hamak na tao lamang. May napansin lamang akong pamilyar na bagay na suot ng prinsesa ng Kartalya Luevas. Subalit nalimutan ko na kung saan ko iyon nakita. Hindi rin nagtagal ay natapos na ang parada at nagbalik na sa normal ang daloy ng pagdaam ng mga tao. "Labyryth,"Napalingon ako ng marinig ko ang tawag ni Sabir. Nakangiti itong lumapit sa akin. "Tignan mo Labyryth bigay ito sa akin ni Wagon. " Ipinakita niya sa akin ang kuwentas na nagbabago ang kulay kapag tinatamaan ng sikat ng araw. "May pinapagawa na naman sayo sayong mahirap si Wagon . " Naglalakad kong sabi. "Panira ka naman Labyryth. Suportahan mo nalang kaya ako. " Sabi nya na hindi nawawala ang pagtitig sa kuwentas niya. "He already have his mate, Sabir. So Please stop being Dim-witted. "Ayoko namang umaasa 'yong kaibigan ko sa wala diba. Gusto ko lang 'yong nakabubuti sa kanya. "Oo nga Labyryth pero hindi ko kaya."Sabi niya. Hindi na nasundan pa ang pag-uusap namin hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan nagtitipon ang aming pangkat. "Kell," tawag sa akin ni Wagon. "Huwag mo nga akong tawaging 'Kell'. Parang pumapatay." Napatawa naman si Wagon sa naging reaksiyon ko. "Bakit naman? You killed so many people so--, " Hindi ko siya pinatapos kaya "Yes I killed so many people. But What can I do? Assassin ako trabaho kong pumatay ng tao pero hindi ibigsabihin noon ay gusto ko ang ginagawa ko. " Seryoso kong sagot kay Wagon. Hindi sa galit ako sa kanya. Ayaw ko lang ang naging tabas ng dila niya kanina. Alam naman kasi ni Wagon na hindi ko ginusto ang maging isang Assassin. This was just a damn legacy of my familia. Yveriaz Familia is known as the strongest assassin in the whole Lavia Westria. And I am not proud of it. Lavia Westria ang pangalan ng mundong aming ginagalawan. iKnoW_L
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD