PROLOGUE
ⓅⓇⓄⓁⓄⒼⓊⒺ
"Ate Labyryth"
Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata. Isang sugatang bata na lalaki ang tumambad sa akin. Puno ng luha ang kanyang mata na patuloy na dumadaloy sa kanyang mga pisngi at ang kanyang sipon ay tumutulo na sa kanyang ilong.
"Ate Labyryth!"Lalong lumakas ang kanyang hagulhol.
Nakaramdam ako ng kirot ng bahagya kong igalaw ang kaliwang braso ko. Kaya idinako ko ang aking mata sa aking kaliwang braso. Papaanong nagkaroon ako ng sugat dito?
"Ah! " napangiwi ako ng maram-
daman ko ang matinding kirot ng subukan kong igalaw ang aking katawan .
Hindi lamang pala ang braso ko ang may sugat pati na rin pala ang iba pang bahagi ng aking katawan.
"Ate Labyryth 'wag mong pilit ang sarili mong gumalaw. " Napabaling ang atensiyon ko sa batang lalaki na basa ang mukha gawa ng kanyang mga luha.
Tinignan ko lamang siya. Hindi lamang pala ako ang sugatan pati na rin ang bata na kasama ko.
Sino nga ba ang batang ito? Bakit kami sugatan? Ano bang nangyari?
Dumako ang paningin ko sa paligid. Nasaan ba ako? Nasaan ba kami?
Muli akong tumingin sa batang lalaki na ngayon ay hindi na umiiyak at nakatitig na lamang sa akin.
"Sino ka? " Tanong ko sa batang lalaki.
Sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay saglit siya natahimik. May pagkalito sa kanyang mukha.
"Ate Labyryth ano bang sinasabi mo? Ikaw ang nagpangalan sa akin. Kaya 'wag mo sabihing hindi mo alam? "Nakakunot-noo niyang tanong sa akin na tila ba hindi makapaniwala na may halong pagkalito.
Ako ang nagpangalan sa kanya? Bakit wala akong maalala? Bakit hindi ko siya kilala?
Pinilit kong alalahanin ang sinabi niya subalit wala talaga akong maalala.
"Pasensya na bata wala akong matandaan. " May lungkot sa kanyang mga mata ng sabihin ko ang mga katagang iyon. Tumungo siya upang itago ang kanyang mukha.
"Ate alam mo ba kung nasaan tayo? "
"Hindi ko alam. 'yan rin ang kanina ko pang katangungan. " Sagot ko sa batang lalaki.
"Kung ganoon ate , Naapektuhan ka nga ng mahika na pinakawalan ng mga Allastrieth. " Kumuyom ang maliliit na kamao ng batang lalaki at muli siyang tumingin sa akin.
Naguluhan ako sa sinabi niya tungkol sa tinutukoy niyang mahika at mga allastrieth.
"Ate po-protektahan kita katulad ng pinangako ko kay kuya Leiden. " Magiting niyang saad.
Tila parang tumigil ang pagtibok ng aking puso. Ang pangalan na iyon!
Hindi ko mawari kung bakit may kung anong kirot akong naramdaman ng marinig ko ang pangalan na iyon.
"Aking Labyryth," Isang pabulong na boses ng isang lalaki at isang imahe ang sumagi sa aking alaala. Subalit, tanging ang asul nitong mata at labi nitong may ngiti lamang ang malinaw sa aking paningin.
After then all I knew there was a tear in my eyes flowing on my cheeks.
Wala akong maalala subalit ano ba itong pighating aking nadarama?
iKnoW_L