Six twenty five pm na ng makarating ako sa plaza. Tinext ko si Osang kung
nasaan ako. Mabilis naman itong nagreply.
From Osang:
Punta ka dito sa booth natin, malapit sa fountain.
To Osang:
Ok!
From Osang:
Tsk!
Napailing na lang ako sa reply niya. Maliwanag na ang plaza. Maraming
mga tao ang naglilibot libot. Sa may bandang kanan ay mga perya at
circus at karamihan ay mga bata. Makataya nga mamaya sa perya, mukhang may makukutong na naman ako. Bwuahahaha. Sa bandang kaiwa naman nakahilera ang mga booth. Maisan fiestival sa bayan ng San Mandurugas.
Ang Kwento ni lolo Isko na kapitbahay namin na kwento lang din daw sa kanya ng lolo ng lolo nya. Ay ewan, basta mga ninuno nila na sumalangit nawa nag kaluluwa, San Manduraga daw ang tawag sa bayan na ito noon. Ngunit sa Pgalipas ng panahon, unti unti ng dinadayo ang lugar na ito ng mga tourista dahil sa angking ganda ng lugar. Dito matatagpuan ang pinakamataas na falls sa lalawigan Palawan.
Bukod pa doon, dito din matatagpuan ang pinakamalaking plantasyon ng
mais na pag-aari nga ng mga amo ni Majinbu na si King Piccolo. Dahil
mahirap lang ang lugar na ito dati, pandurukot at pandurugas ang
kinabubuhay ng mga walang trabaho dito and the rest is history. Di pa nga ako naniniwala sa kanya noong una dahil ang funny nyang
magkwento, labas ang natitirang dalawang ngipin nya na lang sa itaas.
Mukha syang rabbit habang tumatawa. Naniwala lang talaga ko ng ginagawa ko na. Don’t judge the book by it’s cover okay? Paminsan
minsan ko lang naman ginagawa. Mga three times a week. Hihihi.
Di rin nagtagal ay nakita ko na ang booth na sinasabi ni Osang. Hawak hawak nito ang camera at masayang nagvivideo. Osang is a vlogger. Two tears na rin nagvovlog at awa ng diyos, lampas 500k na rin ang subscribers. Ikaw ba naman na sumakay sa kabayo kahit di marunong at ang ending
tumumbling tumbling ka pababa sa bangin, ewan ko na lng kung di ka
magviral. Mabuti na lang di gaanong mataas ang bangin at galos at pilay
lang ang natamo niya.
“Hi sa mga nagagandahang binibini ng lugar kung Saan ay Mandurugas.’’ Nakangisi kong bati.
“Oh nandito na pala ang
Reyna ng San Mandurugas.’’ Pang-aasar ni Kyla, kasamahan namin sa booth.
‘’Naman.” Nakapose ko pang sabi sabay lagay ng kaliwang kamay
sa aking ulo at kunwari may hawak na invisible corona at ang kanang
kamay ay winagayway na parang nasa pagent. Natawa naman sila sa
kalokohan ko.
Napahinto ako ng biglang may humila ng buhok ko. “Ouch Osang, not my shinny hair please.’’ nakapout kong sabi sa kanya.
Tinitigan nya naman ako ng masama. ‘’Bakit ngayon ka lang? Sabi mo
kanina paalis ka na?” Mataray nyang tanong sa akin.
‘’Chill my friend,
ang sungit mo, kaya di ka nagkakaboyfriend eh.’’ Pang aasar ko. Tumikwas naman ang mga kilay ng kasamahan ko.
‘'Isay, baka nakakalimutan mo, wala ka ring Jowa.’' Natatawang sabi naman ni Jules, ang may ari ng booth na ito. Si Jules ay may kayang pamilya. Meron silang maliit na hacienda kung saan maisan ang tanim. Ang kanilang produkto ay dito lang sa lalawigan iniexport. Hindi kagaya ng Maisan ni King Picollo, iniexport hindi lang sa bansa kundi sa karatig bansa tulad ng Thailand, Vietnam, Indonesia at marami pang iba. Bakit ko alam? Nabasa
ko lang sa isang Business magazine sa bahay nila Jules nong minsang pumunta ako doon. Business Insider yata ang name ng magazine na yon.
“Oh, ano ka ngayon." Pang-aasar din ni Osang. Tsk.
“Marami na ba
tayong benta?’’ Pag-iiba ko sa usapan.
‘’Medyo, ito kasing si Osang
sinusungitan ang bumibili.’’ Sumbong ni kayla sa akin. Napatingin naman
ako kay Osang na nakunot ang noo .
‘’Paanong di ko susungitan, bibili
lang daw sila pag binigay ko na yung number ko. Asa naman sila. Mga
mukha nilang naipit na palaka.’’ Aburidong sabi nito na parang may
inaalala kanina. Napatingin ako sa paninda namin. Mais shake, nilaga,
inihaw, popcorn at meron ding CornJuice.
‘’Sige ako ng bahala dito,
maglibot libot na lng muna kayo.’’ At pumwesto na ako sa harap ng
booth.
‘’Thanks Isay! Kanina pa namin gustong mamasyal lao na doon sa
perya at circus.’' Natutuwang sabi ni Jules.
‘'Sige na, enjoy na kayo
doon.’’ Pagtataboy ko sa kanila. Umalis naman agad sila pero nagpaiwan si Osang. “Ayaw mo bang sumama sa kanila?’’ Tanong ko dito.
‘'Mamaya na lang, sabay na tayo.’’ Nagkibit balikat lang ako. Di naman nagtagal ay may bumibili na at karamihan ay nagpapacute.
“Hi Osang, Isay, ang
gaganda naman ng mga tindera dito.
‘’At mukha ka namang ipis na di
nakihi ng isang taon.’' Pabulong na irap ni Osang. Pinandilatan ko sya ng
mata sumenyas na tumahimik na lang. Ngumiti ako sa Mike. Si Mike ay
isa sa mga manliligaw ko noon. Mabait naman ito kaya lang mukhang
dugyot. Kapitbahay ito ni kyla, sabi nya di raw ito naliligo. Isang beses lang itong nankigaw sa akin dahil binasted ko agad. He's not my type.
’'Anong sayo pogi?’' Pwe..Para akong masusuka sa sinabi ko. Namula naman ito at kinamot
ang ulo. May kuto ba ito? Yuck eew lang.
“Ahm, l-limang inihaw Isay.”
Utal na sabi nito.
“Sabayan mo na din ng Milk shake para partner.” Panguuto ko dito.
“S-sige.’' Kakamot kamot na sabI nya. Seriously? May kuto
nga talga ito. Diyos ko! Huwag naman sanag malagyan ang mga paninda namin.
“Balik ka ulit ha?’' Sabi so sa kanya matapos kong ibigay ang order nya.
"Grabe! Buti na kaya mong makipagtitigan doon." Napalingon ako kay Osang na nakaupo sa kaliwang bahagi ng booth. Busy ito sa nilalaro nyang Candy Crush.
"That's the power of Spirit ghorl," Sinulyapan nya lang ako saglit at nagpatuloy na sa paglalaro. Mahigit isang oras na ang nakalipas. Madami dami na din akong benta.
"Oh My Gosh Girl." Tili ng mga kababaihan sa katabi naming booth. May tiningna ito sa unahan. Pati tuloy ako napatingin. Baka mamaya may nagbugbugan na pala dito. Di pa naman mawawala yun tuwing piesta, magkakasayahan, maglalasing tapos magbugbugan. Di ko makita ang tiningnan nila dahil pati ang mga kababaihan na naglalakad ay napapatili at napapahinto.
"Anong meron?" Di ko napanasin na nakatayo na sa tabi ko si Osang. Nagkibit balikat ako.
"Ang gwapo talaga ng anak ni Don Hermano. Nakabalik na pala sya galing Amerika." Nagulat ako na nasa tabi na din namin pala sina Kyla at Jules. Kailan pa ito dumating? May supersayans din ba ito katulad ng mga tauhan ni King Piccolo? Napakunot noo ako, anak ni Don Hermano as in anak ni King Piccolo?
Saktong pagharap ko ay nasa malapit na ito, dalawang booth na lang ang pagitan at sa amin na. Nabitawan ko ang hawak kong sandok ng CornJuice. At madramang nilagay ang kanay kamay sa bibig. Ang mamang pogi na ito? Anak ni Don Hermano? Ang lalaking nagdala sa akin sa hospital? Anong ginagawa nito dito sa booth namin? Sisingilin nya ba ako sa hospital bills kanina? Oh no! Napaisip ako kung magkano ang nakupit kong pera sa mama kanina. 150 pesos. Pisting yawa.