Magmula ng naabutan ko na nasa loob ng opisina ni Senyorito Simon ang dating kasintahan ay mas madalas pa lalo ang pagpunta-punta namin ni Santino sa kanyang kompanya. Hindi ako papayag na magsama silang dalawa. Kung kailangan ay bakuran ko ang buong paligid ng kumpanya ay gagawin ko masiguro ko lang na hindi na makapasok dito si Senyorita Daphne. Sa labas lang naman kami ng opisina ni Senyorito Simon. Waring guwardiya na tagabantay ang papel naming dalawa ni Santino. Noong una ay nagtataka ang asawa ko kung bakit kami narito. Lagi pa siyang nagagalit at sa tuwing may pagkakataon ay tinataboy kami palabas ng kanyang kompanya. Ngunit nagsawa na siya sigurong nagtatanong at nagagalit sa amin ng anak niya. Kaya hinayaan niya na lang ako sa gusto kong gawin. Kagaya naman ng nakasanayan ay

