Episode 9

1049 Words
Pasimple pa akong sumilip sa bintana ng hawiin ko ang makapal na kurtina na tumatakip rito. Narito ako sa aking sariling kwarto at matiyagang naghihintay. Mula rito ay tinatanaw ko ang bagong dating na asawa ko. Excited akong salubungin siya para sa inihaw na manok na hinabilin ko sa kanya kaninang umaga. Ngunit maliban sa bag na itim na naglalaman ng kanyang personal laptop ay wala na siyang anuman pa na bitbit. Nawala ang pag-asang inaasam ko. Laglag ang balikat ko sapagkat umasa talaga akong bibilhan niya ako. "Baka naman nakalimutan niya lamang sa loob ng kotse." At muli akong naghintay kung may babalikan ba siya sa kotse kanyang kotse. Ngunit sino ba ang niloloko ko kundi ang sarili ko mismo. Masyado akong umasa na bibilhan niya ako kahit alam ko naman na wala nga siyang pakialam sa akin at kahit pa sa batang pinagbubuntis ko na siya ang ama. Maya-maya ay narinig ko na lamang ang pagbubukas at pagsara ng pintuan ng kanyang kwarto. "Ano pa bang aasahan ko? " nausal ko na wari pang nais kung umiyak. Pinipigilan kong huwag umalpas ang mga luha ko. Aaminin ko, medyo sumama talaga ang loob ko pero ako naman ang may kasalanan. Sana pala ako na ang bumili kaninang maliwanag pa sa daan. Masyado kasi akong umasa. Naiyak ako ang tuluyan, hindi dahil sa tiniis kong gutom sa pag-asang bibilhan niya ako ng inihaw na manok kung hindi dahil sa katotohanan na wala naman talagang siyang pakialam akin at sa batang dinadala ko na anak niya. Pinahid ko ang mga luhang nagsi- alpas sa aking mga mata. Binuksan ko ang aking cabinet at naghanap ng puwedeng isuot bilang pananggalang sa lamig ng hangin ng gabi sa labas ng bahay. Ako na lamang ang lalabas at maghahanap ng inihaw na manok. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob ng aking kwarto. Walang ingay akong naglakad kagaya ng isang magnanakaw na takot mahuli. Maingat ko rin na isinara ang gate upang hindi makalikha ng ingay kahit langitngit man lang. Agad kong isinuot ang balabal sa aking katawan ng maramdaman ang malamig na dapyo ng hangin sa aking balat. Pinandungan ko rin ang aking ulo dahil mahamog na. Ayon kasi sa mga naririnig ko dati sa probinsya ay bawal mahamugan ang isang buntis sa gabi. Nagtanong na lamang ako sa mga guard ng village kung saan kami nakatira kung mayroon silang alam sa malapit na bilihan ng inihaw na manok at magalang naman nilang itinuro sa akin kung saan ang direksyon. Nagtanong pa nga sila kung bakit ako mismo ang naghahanap gayong buntis ako. Nag boluntaryo pa ang isa sa kanila na siya na lamang daw ang bibili ngunit magalang kung tinanggihan sapagkat alam kung nasa trabaho sila. "Mr. Sto Domingo, ayan na po pala ang asawa ninyo." Narinig kong sabi ng isa sa mga guwardiya ng malapit na ako sa gate ng village. Nilingon ko ang kinakausap ng gwardiya. Ganun na lamang ang bumadhang gulat sa mukha ko ng makilala. Si Senyorito Simon na madilim na madilim ang mukha na nakatingin sa akin habang nasa tenga pa ang cellphone na tila may tinatawagan. Anong ginagawa niya rito? Sa pagkakaalam ko ay tulog na siya kaninang tumalilis ako ng bahay. Naglakad siya patungo sa kanyang kotse na hindi ko napansing nakaparada pala sa harapan ng gate ng Village. Binuksan niya ito ang pintuan katabi ng drivers seat. "Sakay." Madiin niyang utos sa akin. Nagmamadali naman akong sumakay na para bang isa akong batang pinapauwi ng Tatay. Nagpasalamat siya sa mga gwardya bago siya sumakay sa sasakyan at mabilis na siyang nag maneho pauwi sa bahay. Tahimik habang tinatahak namin ang daan pauwi ngunit ramdam kong galit siya sa akin. Nakalapat ang kanyang labi. Nakakunot ang noo at salubong ang makapal na kilay. "Hindi mo ba alam na napaka delikadong lumabas sa gabi!? Boba ka ba o sadyang tanga!? " bulyaw niya agad sa akin ng sakto niyang maisara ang pintuan ng bahay ng parehas na kaming makapasok sa loob. Agad naman nangilid ang mga luha ko habang mahigpit ang hawak ko sa plastic na pinaglalagyan ng inihaw na manok na gusto kung kainin. "Bu-mi-li lang naman ako ng inihaw na manok. Gustong-gusto ko kasing kumain talaga nito. Wala ka naman kasing dala kaya ako na ang bumili," utal-utal kong pangangatwiran. "Ano bang meron sa pagkain na 'yan at sa dami ng pagkain dito sa loob ng bahay ay iyan pa talaga ang gusto mo! Baka isipin ng mga taong nakakita sayo diyan sa labas ay ginugutom kita dito sa pamamahay ko!" Madiin niyang singhal sa akin. "Pasensya ka na,Senyorito. Hindi na mauulit." Nakayukong paghingi ko ng paumanhin. Napahawak ako sa tiyan ko dahil talagang gutom na ako. "Hindi ko lang alam kung ano ang drama mo at talagang lumabas ka pa ng bahay ng dis-oras ng gabi para sa isang manok?" Asan ba ang utak mo? Naiwan ba sa probinsya?" Tumingin ako sa kanya kahit nakikita kong pinipigilan niya ng sigawan ako ulit. Bakit ba ko lumabas ng gabi? Hindi ko nga naman naisip na delikado dahil sa nagugutom na talaga ako. "Heto marahil ang pinaglilihian ko. Nagbilin kasi ako sayo pero hindi mo naman ako binilhan," sabi ko na may himig pagtatampo. Taas-baba ang adam's apple niya habang nakikinig sa sinabi ko. Alam kong may nais siyang sabihin ngunit mas pinili na lamang akong iwanan at nagtuloy na siya sa itaas ng bahay. Nag tuloy naman ako sa kusina at doon kumain. Ewan ko pero walang ampat sa pagpatak ng luha ko habang panay ang subo ko ng manok. Naiiyak pa ako sa tuwa dahil sa wakas ay nakabkain na ako ng inihaw na manok o maarin rin na naiiyak ako dahil ni wala naman pakialam sa akin ang asawa ko? "Busog ka na ba anak? Hayaan mo laging kakain ng marami si Mama para maging malusog ka." Haplos-haplos ko pa ang tiyan ko habang kinakausap ko ang batang malapit ko ng ipanganak. "Hayaan mo, sa tuwing may gusto kang kainin. Si Mama na lamang ang bibili. Hinding-hindi na ko magbibilin sa Papa mo kasi lagi namang busy." "Hindi anak, mahal ka ng Papa mo. Abala kasi siyang tao kaya malamang na nakalimutan niya 'yung pinabibili ko kanina." Para akong tanga. Niloloko ko na nga ang sarili ko dinadamay ko pa ang anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD