Episode 8

1043 Words
"Sir, pwede mo ba akong ibili ng inihaw na manok? Iyong nakapwesto sa gilid ng daan tuwing hapon mamayang pag-uwi mo galing sa trabaho? Gustong-gusto ko kasing kumain ng inihaw na manok. Maibibili mo ba ako?" tanong ko kay Senyorito Simon ng makita siyang naghahanda na para pumasok sa trabaho ngayong umaga. Ewan ko kung bakit naghabilin pa ako kay Senyorito pero bigla na lamang kasing bumuka ang bibig ko at kusang nagsalita ng makita siyang patungo na sa malaking pintuan at palabas na ng bahay para pumasok na sa kanyang opisina. Mula kagabi ay gustong-gusto ko nang kumain ng manok. Pero ang gusto ko ay inihaw na nanggaling mismo sa mga nag iihaw ng manok na matatagpuan sa gilid ng daan. Basta doon ko gustong manggaling ang gusto kong kainin. Kapag hindi nagmula roon ay hindi na bale. Ayokong kumain ng ibang luto ng manok. Basta naramdaman ko na lang na 'yun ang gusto kong kainin. Nangangasim at naglalaway ako kapag nakikita ko sa imahinasyon ko ang manok na dahan-dahang iniikot sa ibabaw ng nagbabagang uling upang maihaw ng husto. Tila naaamoy ko rin ang atsarang gawa sa papaya na kadalasan ay pa give away ng mga nagtitinda dahil 'yun daw ang masarap na panghimagas pagkatapos kumain ng inihaw ng manok. Nanubig ang king bagang at lalo akong nagutom. Hindi ko alam kung narinig ba ni Senyorito ang inihabilin ko sa kanya. Tulad naman kasi ng normal na araw ay hindi man niya naman ako pinapansin o kahit nilingon man lang. Pero may bago pa ba sa bagay na 'yun? Dalawa lang kami dito sa bahay ngunit hindi man lang kami naguusap. Mayroon na nga kaming kasama sa bahay. Mismong si Senyora Loreta na ang nag-hire para may tagapaglinis na dito sa bahay at ng sa ganun rin ay maalagaan ko ng husto ang aking sarili dahil sa pagbubuntis ko. Stay-out ang aming kasambahay, magsisimula ng alas-otso ng umaga at uuwi ng ala-singko ng hapon. Kaya naman pagdating sa gabi ay wala na akong nakakausap. Gusto ko sanang gumamit ng cellphone ngunit maging ang wifi password ay hindi ko naman lamang alam kung ano. Ayoko namang magtanong kay Senyorito Simon at baka ma stress lang ako kapag ako ay kanyang sininghalan at pagsabihan ng kung anu-anong mga masamang salita. At isa pa, iniiwasan ko na awayin niya ko sa harap ng aming bagong kasambahay. Ayoko rin naman malaman ng ibang tao kung paano niya ko tratuhin bilang asawa o bilang tao. Ayoko rin naman magload ng magload dahil baka agad maubos ang pera na hawak ko at hanapin niya ang ibinibigay niyang allowance para sa mga gastusin dito sa bahay at paratangan na naman ako ng mukhang pera o kaya ay naman ay mangungupit ng pera na hindi naman sa akin. Nagbuntong-hininga na lamang ako. Paano kaya ang pakiramdam ng naglilihi ka tapos may asawang tagabili ng mga gusto mong pagkain? Iyong tipong gigisingin mo siya sa gitna ng hatinggabi para lamang mag hanap ng bukas na tindahan dahil nagugutom ka at may nais kang pagkain na gustong-gusto mong kainin. Sa tuwing may nais kasi akong pagkain ay ako ang lumalabas para bumili sa palengke. Ayoko rin naman na mag-utos dahil kaya ko namang gawin at isa pa hindi ako sanay na mag-utos lalo pa at para ko ng Nanay si Manang Lorna para utusan ko. Si Manang Lorna ay ang kasambahay namin. Masipag at pulido magtrabaho sa mga gawaing-bahay. Nakita ko sa galaw niya na sanay na sanay na siyang kumilos kahit pa napakalaki nitong buong bahay. Idagdag pa ang malawak na bakuran sa labas. Halata sa kulubot na kamay ni Manang Lorna ang kasipagan niya. Pati sa pananalita ay magalang si Manang. Ilang beses kong pinapaalala na 'wag niya na akong tawaging "Ma'am Karen" at "Karen" na lang. Halos thirty-years na raw siyang namamasukan bilang kasambahay kaya naman sanay na sanay na siya sa anumang dapat gawin. Ayon pa sa kanya, gusto na raw siyang patigilin ng mga anak at apo niya sa pamamasukan ngunit siya lamang ang ayaw tumigil. Hangga't kaya raw ng katawan ni Manang Lorna ay mamasukan siya kahit pa kaya na siyang buhayin ta pakainin mga anak. Nakuwento ko na rin ang tungkol sa kalagayan ng Nanay ko kay Manang Lorna. Bigla tuloy nakong nawalan nang sasabihin ng magkomento siyang napakaswerte ko raw at nakapag-asawa ako ng mayaman na binata at sinusuportahan ang pagpapagamot sa ospital ni Nanay. Kung alam lamang ni Manang ang tunay kong kalagayan ay baka mas isipin njiyang mas mapalad siya kaysa sa akin. Iiling-iling na lamang ako habang inaalala ang kasalukuyang sitwasyon ng buhay na mayroon ako. Oo at komportable akong magkuwento ng tungkol sa buhay ko pero maliban sa kung paano ako naging asawa ng isang Simon Sto.Domingo. Ganun pa rin ang kalagayan ni Nanay. Walang pagbabago pero hindi ako tumitigil sa pagdarasal na magigising siya isang araw. Napapangiti ako sa tuwing iniisip na apat na buwan na lang ay ipapanganak ko na ang aking unang anak. Napupuno ng galak ang puso ko sa tuwing naririnig ko ang heartbeat nya kapag ako ay nagpapa-checkup sa aking Obygne. Ngunit mas masaya siguro kung kasama ko Senyorito. Hindi ko kasi maiwasang mainggit sa ibang buntis na nagpapacheck-up dahil kasama nila ang kanikanilang mga asawa na panay ang alalay sa tuwing naglalakad, tatayo o uupo man lang sila. Samantalang ako pangitingiti lamang habang nakatingin sa kanila. 'Yung tatay kasi ng anak ko halos hangin lang kami para sa kanya. Hindi nga makuha na kamustahin man lang kahit ang anak man lang niya. Hindi ko pa alam kung ano ang kasarian ng baby ko ngunit kahit lalaki siya o babae ang importante ay malusog sya. Madalas akong tawagan ng Senyora para kamustahin Hindi nya naman ako madalaw muli pagkat malayo rin ang lungsod sa aming probinsya. Naiintindihan ko naman sapagkat matanda na siya at marami na rin ang iniindang masakit sa katawan. Si Senyorito? Ganun pa rin naman. Parang wala lang ako dito sa bahay. Kapag mayroon siyang nais sabihin ay dinadaan niya na lamang sa tawag na hindi pa siya ang gumagawa kundi nag-uutos pa sa kanyang sekretarya. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami ganito. Ngunit umaasa pa rin ako na balang-araw ay matatanggap niya kahit man lang ang magiging anak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD