Episode 7

1314 Words
Pumasok na ako sa loob ng banyo para maglinis ng aking pagod na katawan. Pakiramdam ko ngalay na ngalay ang mga binti at paa ko sa gayong kung tutuusin ay halos nakaupo lang naman ako maghapon at kumakain. Galing kami sa paboritong restaurant ng Senyora Loreta. Bandang ala-singko ng hapon ay bigla na lang siyang nagyayang lumabas ang mabait na matandang babae dahil gusto niya raw kumain sa labas bilang selebrasyon na malapit na siyang magkaroon ng apo sa tuhod. Ganito pala ang pakiramdam na may taong lubos na nagmamahal sa isang anak na hindi ko pa sinisilang maliban sa akin. "Excuse me, I'll take this call." "You may go, iho." Matapos tanguan ang kanyang Lola ay tumayo na si Senyorito Simon sa lamesa kung saan kami sabay-sabay na kumakain. "Kumain ka ng kumain, Karen. Puro masustansyang pagkain ang mga inorder ko para sayo at para sa apo ko." Nilagyan pa ni Senyora ng pagkain ang aking plato. Halos mapuno na nga ng iba't-ibang putahe ang plato ko. Hindi ko alam kung karne ba ng baboy o karne ng manok o karne ng baka ang nginunguya ko. Hindi naman ako pamilyar sa mga pagkaing nakahain sa lamesa namin. Ngunit panigurado ng mga mamahalin base na rin sa lasa at sa magagarang presentasyon. "Karen iha, wala ka bang pinaglilihian o 'yung bagay na gustong-gusto mong kainin o makita o maamoy?" sunod-sunod na tanong ng Senyora habang naglalagay na rin ng pagkain sa kanyang plato. Saglit akong nag isip. Wala naman akong maalaala na mga ganung bagay. Maliban na lang sa nagsusuka ako kapag naamoy ko 'yung sabon na ginagamit sa kwarto ko. Kaya nga simula noon ay hindi ko na ginamit. Shampoo na lang din ang ginagawa kong panglinis sa aking katawan. Napangiwi tuloy ako ng maalaala ang ka wirduhan ko. Baka kapag nalaman ng ibang tao na shampoo rin ang ginagamit kong pan sabon sa katawan ay pagtawanan nila at ako sabihin na napaka ignorante. Ngunit may kinalaman ba dito ang aking pagbubuntis? Ito ba 'yung tinatawag nilang paglilihi? Ang weird naman pala talaga. "Karen, ngayong nagdadalang-tao ka na. Huwag ka sanang mag pagkagutom. Dalawa na kayong nangangailangan ng sustansya ng pagkain. Tandaan mo, huwag na huwag kang magpapa stress sa kakaisip dahil mararamdaman din ng anak mo kung ano ang nararamdaman mo." Paalala ni Senyora Loreta. "Opo, Lola, tatandaan ko po ang lahat ng mga bilin ninyo," sagot ko naman habang dahan-dahang ngumunguya at nalalasahan ang pagkain. "Akala mo siguro hindi ko napapansin ang malamig na pakikitungo ninyong dalawa isat-isa ni Simon. Matanda na ako para hindi mapansin ang mga baga-bagay sa paligid ko. Papunta pa lang kayo ay pauwi na ako," turan ng Senyora habang nakatingin lamang sa hinihiwa niyang karne. "Ano po, Lola?" tanong ko na wari bang nagkamali lamang ako ng narinig. "Karen, hindi ka mahirap mahalin. Naniniwala ako na matutunan din ni Simon na mahalin ka. Lalo at magkakaroon na kayong dalawa ng anak. Kaya iha, huwag mo sanang susukuan ang apo ko. Alam kong magiging mabuti kang asawa at nanay ng mga magiging anak ninyo." Ginagap pa ng Senyora ang aking kamay para pisilin na waring pinapahatid sa akin na mapanatag ako sa anuman ang aking pag-aalinlangan. "At isa pa iha, huwag mong hahayaang ma-api ka. Hindi na uso ngayon ang pa awa at pamartir na bida. Ang uso ngayon ay mga palabang bida-kontrabida. Kaya naman matuto kang ipagtanggol ang sarili mo at ipaglaban ang karapatan mo. Lalo na ngayon na magkaka-anak ka na. Paano mo ipagtatanggol ang anak mo sa mapanghusgang mundo kung ang mismong sarili mo ay hinahayaan mong apihin ng ibang tao." Payo pa ng Senyora na at tumigil sandali para uminom ng tubig sa baso. "Isa ka ng legal na Sto.Domingo. Kaya naman gusto kong matuto kang lumaban. Akala mo ba hindi nakarating sa akin ang kung paanong pagsalitaan ka ng kung anu-anong masamang paratang sa lugar natin. Hindi masama ang lumaban hanggat alam mo sa sarili mong wala kang ginagawang masama at naniniwala akong mabuti kang tao Karen. Natutuwa ako na sa isang responsable at napakabait na babae ko iiwanan ang aking apong si Simon." Dagdag pa ng Senyora na ipinagpatuloy na ang pagkain. Nangingilid ang luha ko sa aking mga mata. Nakakataba ng puso ang mga sinabi ng Senyora. Nais ko mang itanggi ang kanyang hinala sa amin ng apo nya ay itinikom ko na lamang aking mga labi dahil ayoko na siyang mag-isip pa. Sapat na sa akin ang malaman na naniniwala siya na wala akong ginagawang masama. Matapos akong mag-bihis ay lumabas na ako ng c.r. "Ang akala mo siguro ay ganun mo ako kadaling mapapaniwala at mapapaikot?" napahawak pa ako sa tapat ng aking puso ng nagulat sa boses ni Senyorito na nasa labas na pala ng pinto ng c.r. "A-anong sinasabi mo, Senyorito?" Nagtataka kong tanong. Tumaas pa ang gilid ng kanyang labi habang mataman akong tinitingnan. "Ang galing mo rin namang umarte. Bilib na talaga ko sa talento at katalinuhan mo." "Ha? Ano bang mga sinasabi mo?" nahihiwagaan kong tanong ulit. Hindi ko talaga alam kung ano ang sinasabi niya. "Akala mo siguro ganun ko na lamang tatanggapin na ako ang tatay niyang anak mo? Hindi mo ako maloloko. Hindi ako kasing bait ni Lola Loreta para mauto mo." Para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig sa kanyang mga tinuran. "Senyorito, ano po ba ang sinasabi mo? "Shut Up!" sigaw at pag putol niya sa anumang aking sasabihin. "Hindi ko nga maalala na nagalaw kita nung gabing magkasama tayo sa kwarto tapos ngayon gusto mo akong paniwalain na ako ang tatay ng dinadala mo? Ah, alam ko na, siguro nagpagalaw ka sa kung sinong boyfriend mo o kahit sinong lalaki mo at siguradong mabubuntis ka para nga naman mapaako mo sa akin. Dahil 'yon talaga ang plano mo, ang pikutin ako at ipaako sakin ang-" Pak! Isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi ni Senyorito lumagapak ang kanan kong kamay. Hindi ko nais manakit ngunit sobra naman ang pananalita at pang iinsulto niya sa sa akin bilang babae. Na tahimik siya at marahil ay nabigla. "Marahil ay wala akong naalala sa kung ano man ang nangyari sa ating dalawa ng gabing iyon. Pero huwag na huwag mo akong paratangan ng mga kung anu-anong bagay na kahit kailan ay hindi ko naisip na gawin." Kuyom ang palad ko habang nagsasalita. Pigil na pigil ko ang galit ko. Nais ko siyang sigawan ngunit nasa kabilang kuwarto lamang ang Senyora. Ayokong marinig niya ang anumang sigalot sa pagitan namin ni Senyorito Simon. "Bakit? nainsulto ka ba? Kunwari ay nagmamalinis pero mukha kang pera at desperada." Kaswal niyang turan na para bang nakakasiguro siyang ganun akong klase ng babae. Tinitigan niya ako ng nang uuyam niyang mga mata na parang sinasabi na "hindi ako naniniwala sayo." at saka siya dumukwang at bumulong sa kaliwa kong tenga. "Hinding-hindi kita matatanggap bilang asawa. Gayundin ang batang sinasabi mong anak ko." Saka niya ako nilampasan at isinara ang pintuan ng banyo. Hindi ako agad makaalis sa kinatatayuan ko. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng bawat himaymay ng kalamnan ko sa mga narinig kong pang-iinsulto sa aking pagkatao. Nais kong umiyak ngunit parang walang luha ang gustong umalpas sa aking mga mata. Kaya kong tanggapin lahat ng masasakit na salita pero huwag naman sana nyang idamay ang anak ko na hindi ko pa pinapanganak pero kanya ng itinatwa. Wala sa sariling nakayakap ako sa aking manipis na tiyan. "Anak, tandaan mo mahal na mahal ka ni Mama kahit anong mangyari mahal na mahal kita. Mahal na mahal ka rin ni Lola Karina mo gayundin si Lola Senyora. Kaya huwag ka ng malungkot sa mga narinig mo sa Papa mo," bulong ko sa isipan ko habang hinahaplos-haplos ang manipis ko pa na tiyan. "Tama si Lola Senyora, kelangan ko talagang lumaban hindi lamang para sa sarili kundi para na rin sayo anak.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD