Kahit ilang linggo na ang nakakaraan ay hindi ko pa rin lubos maisip ang kapangahasan na ginawa sa akin ni Senyorito Simon. Pakiramdam ko na agrabyado ako bilang babae. Ngunit sumiksik sa isipan ko na, oonga pala, mag-asawa kaming dalawa. Kaya kahit gusto kong pumalag sa kanyang ginawa ay hindi ko nagawa. Araw-araw naman na umuwi si Senyorito sa mansyon ngunit kagaya pa rin ng dati ay wala siyang pakialam sa amin ni Santino. Para kaming hindi magkakilala at hindi magka anu-ano. Nagbibigay siya ng panggastos sa bahay pero inilalapag niya lamang sa labas ng pintuan ng kwarto namin at naglalagay lamang ng maikling note kung para saan ang mga pera na kanyang iniiwan. Gusto ko kasi siyang makausap tungkol sa nalalapit na unang kaarawan ng anak namin. Gusto ko na rin sanang isabay ang pagpapa

