"Saka niya ako mabilis na dinaluhan at lumapat sa aking leeg ang kanyang labi. Nangilabot ako. Tila tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Nakuryente ako at waring nanuot sa bawat himaymay ng kalamnan ko ang mainit na pagdampi ng kanyang hininga sa aking balat. "Senyorito!" tawag ko sa kanya habang tinutulak ko siya gamit ang aking buong pwersa. "What?! Stop acting like an innocent woman!" mabalasik niyang asik sa mukha ko at saka ako mahigpit na hinawakan sa aking kanang braso at kinaladkad patungo sa gawi kung nasaan ang silid-tulugan. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Natataranta na ako at sinalakay ng sobrang kaba sa dibdib. Sisigaw ba ko at hihingi ng tulong? Pero? Hindi ba't asawa niya ako? At isa sa obligasyon ko ang ipagamit ang katawan ko sa kanya dahil mag-asawa

