Episode 38

1022 Words

Kahit anong ginawa kong pag-iingat ay nahawa ko pa rin ng sakit si Santino. Nilagnat na din siya at nagkaroon ng ubo at sipon. Dahil nga masama rin ang pakiramdam ko ay hindi ko siya maasikaso ng maayos. "Senyorito, baka pwede ng makisuyo sayo? Wala na kasing iinumin na gamot si Santino. Pwede mo ba siyang ibili saglit sa botika? " muli akong sumubok na makiusap kay Senyorito Simon. Ubos na kasi ang gamot sa sipon ni Santino at kailangan niya ng uminom ngayong umaga. Samantalang nagtext rin sa akin noong isang araw si Manang Lorna na hindi siya makakapasok dahil masama rin ang kanyang pakiramdam. Nahawa rin si Manang sa sakit ko. Matindi rin daw ang ubo at sipon niya. "Senyorito-" ngunit tila tumawag lang ako sa hangin. Tuloy-tuloy lang si Senyorito Simon na lumabas ng bahay para pumaso

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD