Episode 37

1048 Words

"Karen, ang tindi naman ng ubo mo? Natuyuan ka ba ng pawis?" bakas ang pag-aalala sa mukha ni Manang Lorna ng marinig akong halos hindi na makahinga sa sunod-sunod na pag atake ng ubo. Sinisipon ako at walang humpay na inuubo. Ito ang naging sanhi ng mabasa kami ni Santino sa malakas na ulan noong Linggo. Uminom naman ako agad ng gamot ngunit tila hindi tumalab at tinablan pa rin ako ng sakit. "Okay lang po ako, Manang. Konting ubo at sipon lang naman po ito at malayo sa bituka." Hinaluan ko ng pagbibiro ang sagot ko. Hindi ko naman kasi maamin ang totoo na nabasa kami sa ulan ni Santino. Tiyak na magtataka at magtatanong si Manang kung bakit isinama ko pa ang anak ko gayong narito sa bahay si Senyorito Simon. "Uminom ka lagi ng tubig at maglagay ka ng sapin sa likod mo upang hindi ka na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD