Halos maubos na ang mga halaman na binebenta ko. Hindi ko talaga akalain na marami ang plant lovers lalo na sa tulad ng isang abalang lungsod kung saan halos lahat ay may kanya-kanyang trabaho o di kaya naman ay walang space ang bakuran o kanilang mga bahay sa mga halaman. Sabagay, kung talagang gusto at hilig mo ay maraming pwedeng paraan. Isang tao lang ang buyer ko ngayong araw ngunit sampung klase ng halaman ang kanyang bibilhin. Pinakyaw niya na ang lahat ng mga natitira kong binebenta. Ngayong alas kwatro ng hapon ang usapan naming pagkikita sa harapan ng gate ng subdivision. "Santino, behave ka lang anak. Aayusin ko lang ang mga halaman na order kay Mama. Malaki ang kita natin dito. May pang handa ka na sa birthday at binyag mo." Masaya kong pag kausap sa anak kong tahimik lang

