Episode 35

1073 Words

"Manang Lorna, gusto ko po sanang itinda itong mga halaman ko. Sa tingin niyo po kaya ay may bibili?" Untag ko kay Manang na tinutulungan akong ayusin ang mga halaman na itinanim ko sa binili kong mga paso. Mahilig rin naman talaga ako sa halaman dahil 'yun ang nakamulatan kong paboritong gawain ni Nanay. Madalas ay ginagaya ko ang kanyang mga gingawang pag-aalaga sa mga halaman sa aming bakuran. Kapag kasi nagkakaroon ng suwi ang mga halaman na nakatanim dito sa malawak na hardin ng mansyon ay agad kong kinukuha sa mother plant at itinatanim sa ibang paso. Ang mga magagandang orchids ay pinanghingi ko pa ng mga bunot ng niyog sa palengke upang doon ko sila ilagay. Ang iba't-ibang klase naman ng mga alocasia ay nilagay ko rin sa kulay pulang paso. Ganun din ang dragon tail, peace lilies, v

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD