"Ngunit gusto ko rin sanang humingi ng paumanhin saiyo. Gamit din ni Seb ang apelyido mo. Napilitan akong gamitin upang maging isa lang ang gamit nila ni Santino. Pero huwag kang mag-alala wala talaga silang alam tungkol sayo. Kahit ang pangalan mo ay hindi nila alam." Pahayag ko sa mababang boses. Nang manganak ako kay Seb ay tinawagan ko agad si Atty.Clemente at tinanong kung wala na bang bisa ang kasal namin ni Senyorito Simon. Ang sabi niya ay may bisa pa kaya naman para hindi magka-iba ang apelyido nila ng mga anak ko ay napilitan akong gamitin muli ang marriage contract namin ni Senyorito Simon upang maparehistro ang pangalan ni Seb sa munisipyo. "Salamat." Sagot naman ni Senyorito Para saan? Marahil nagpapasalamat siya na ako ang kusang lumapit kay Atty. Clemente para sa proseso

