"Pasensya ka na, anak hindi ko man lang naisingit ang pambili ng mga bagong piyesa ng bike mo. Binayaran ko na kasi lahat ng naging utang ko kay Aling Iska noong nangailangan tayo ng pera para may pampagamot kay Seb." Malungkot kong sambit kay Santino. Kanina kasi pag-uwi niya galing sa eskwelahan ay hindi niya napansin na nabutas pala ang gulong ng kanyang gamit na bisikleta na dahilan para mag lakad lang siya pauwi ng bahay. Madalas na rin masira ang kadena ng kanyang bisikleta kaya naman usad pagong lang ang takbo nila ni Seb kapag magka-angkas na nakasakay dito. Ang pinag bentahan ko kasi ng mga halaman ay na pambayad ko kay Aling Iska na siyang nagpautang sa akin ng malaking halaga noong naaksidente si Seb sa pagbibisikleta at nabalian ng kamay. Ang balak ko sana ay kalahati lang

