"Manang, magandang umaga po sa inyo. Sinabi po sa akin ni Santino na puntahan ko raw ho kayo." Pagbati ko kay Manang Puring ng makapasok ako sa loob ng mansion ng hacienda Esmeralda. Halos hindi ako nakatulog magdamag sa pag-iisip kung pupunta ba ako ng hacienda o hindi. Alam kong baka naroroon ang bagong nagmamay-ari ng hacienda na ayoko na sanang makita o makausap pa. Ngunit binalewala ko lang ang pag-aalinlangan at mas umiral sa akin ang puso ng isang Ina. Kailangan ko ng pagkakaperahan upang makabili ng bagong gulong ng bisikleta ni Santino. Mas matimbang ang anak ko sa kahit anupaman na nararamdaman ko. "Magandang umaga rin naman, Karen. Mabuti na lang at nagpunta ka. Ikaw talaga ang una kong naisip dahil nga alam ko rin naman na kailangan mo ng pagka kaperahan. Isa pa, alam ko kung

