"Manang Puring, totoo ho kaya ang usapan na may asawa at mga anak na Senyorito Simon?" narinig kong tanong ng Ate Neneng ang isa sa mga kasambahay ng hacienda. "Ang sabi niya sa akin ay meron na. Meron na siyang dalawang mga anak ngunit hindi niya pa mauwi rito sa mansyon at marami pa raw dapat na asikasuhin." Sagot naman ni Manang kay Ate Neneng. Ewan ko pero tila kumirot ang aking dibdib. Nanakit ang aking lalamunan at gusto kong maiyak sa mga sinabi ni Manang Puring. Malamang na ang tinutukoy na asawa ni Senyorito Simon ay si Senyorita Daphne at meron na rin pala silang mga anak. May iba na palang kapatid ang mga anak ko. Sila nga siguro ang talagang nakatadhana sa isa't-isa. Masayang-masaya siguro silang nag sasama. May isang bahagi ng pagkatao ko ang nalungkot para sa dalawa ko n

