Episode 82

1376 Words

Matapos ang tatlong araw na pananatili sa ospital ay pinauwi na sina Senyorito Simon at Santino. Pareho naman na natuyo na ang kanilang mga natamong sugat lalo na ang kay Santino na kung tutuusin ay maliit lamang na gasgas ang tinamo at napakalayo sa kanyang bituka. Kakasuhan sana ang driver ng motor na nakabangga sa kanila, ngunit nakiusap ako kay Senyorito Simon na huwag ng kasuhan dahil kung tutuusin ay wala naman talagang kasalanan ang lalaking driver na nasa kwarenta na siguro ang edad. Humingi naman kasi ng pasensya sa nangyari at nakita kong may mga gasgas din sa kanyang katawan dulot ng aksidente. Pasalamat na lamang kami na pare-pareho silang ligtas at pawang mababaw na sugat lamang ang mga natamo. Ayaw sanang pumayag ni Senyorito Simon ngunit kalaunan ay nakinig na rin sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD