Episode 81

1618 Words

Halos panawan ako ng ulirat ng humahangos na dumating sa bahay si Senyorita Selene. Umiiyak siya habang sinasabing kailangan naming magpunta sa ospital dahil naaksidente raw sina Senyorito Simon at Santino. Halos isang oras na nga ang nakalipas ng nag tatakbo si Santino at habulin ni Senyorito Simon. Hindi ko sila sinundan sapagkat iniisip ko ang magkasarilinan silang mag-ama para magka-usap ng masinsinan. Wala sa hinagap ko na pwedeng silang mapahamak lalong-lalo na ang anak ko. Waring nawalan ako ng lakas. Tanging alam ko na lamang ay mabilisan kaming lumulan sa kotse ni Selene kasama na rin si Seb na litong-lito sa nangyayari. Basta na lamang umagos ang luha ko na parang hindi na maampat sa sobrang pag-aalala. Naumid na ang dila ko dahil wala na akong maisatinig na kahit anong letra.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD