"Naku! Papa kamo ang unang na bigkas ni Santino?" Manghang tanong ni Senyora Loreta ng maka-videocall ko at naikwento ko ang pagtawag ni Santino ng Papa sa kanyang ama. Narito kami ni Santino sa garden. Nakaupo ako sa isang upuang bilog na gawa sa kahoy habang si Santino naman ay nakaupo sa kanyang stroller at masayang pinapanood ang mga paru-parong kulay puti, dilaw at may itim na may halong puti na lumilipad-lipad sa paligid at dumadapo sa mga bulaklak na orchids na may iba't-iba rin ang mga kulay. May violet, white, yellow, orange at may iba pang bulaklak ngunit hindi ko alam kung anong pangalan. May mga halaman din tulad ng dragon tail, peace lilies at naglalakihang palmera. Mayroon din iba't-ibang klase ng allocacia. Lahat ng halaman ay kanya-kanyang angking ganda. Tulad ng tao, may

