Narinig kong nagbuntong-hininga si Senyora Loreta. "Ewan ko ba sa asawa mo. Manang-mana sa Lolo Andres niya. Ganyan-ganyang ang Lolo ninyo Napaka-addict sa trabaho. Noong araw pa nga ay kung hindi ko hatiran ng pagkain sa kanyang opisina ay nakakalimutang kumain ng tanghalian. Ganun din ang naging problema ko sa Papa ni Simon. Mabuti nga at nagkaroon ng kapatid si Simon sa kabila ng sobrang abala ng kanilang magulang sa negosyo. Ang biyenan mo rin kasi na babae ay nakilala ng aking anak sa business world. Kaya hindi na ako nagtataka na namana ni Simon anuman ang pag-uugali ng kanyang mga magulang lalo na sa larangan ng negosyo." Kuwento naman ni Senyora. "Mukha nga pong enjoy na enjoy siya sa kanyang ginagawa. Alam ko po nagba buy and sell rin po siya ng mga mamahaling sasakyan." Bukod

