"Oh! long time no see, Karen!" ngumiti naman ang babae at hindi man lamang natinag sa kandungan ng "asawa" ko. Wari pang natutuwa na naabutan ko sila sa ganung eksena. Siya ang babaeng tunay na mahal ng asawa ko. Ang babaeng galit na galit sa akin noong siya raw ay inagawan ko ng kasintahan. Si Senyorita Daphne. Samantalang salubong naman ang kilay ng aking asawa at matalim ang titig sa amin ng anak niya. "Ano naman ang ginagawa ninyo dito?" tanong niya na para bang hindi man lang tinablan ng hiya sa katawan. Asawa niya ako at kahit saang anggulo na tingnan ay isang kataksilan ang nasaksihan kong ginagawa nila ng dating nobya. Binalingan ko sa aking likod ang namumutlang si Amy. "Secretary Amy, pwede ko bang makisuyong kargahin at alagaan mo muna itong anak ng boss mo." Pakiusap ko

