Episode 54 "Masaya ka ba ngayon, Santino? Sa wakas ay kristiyano ka na?" tanong ko sa anak kong panay ang tampisaw ng mga paa sa tubig ng malapad na swimming pool sa likod bahay. Sinubukan ko lang na isawsaw ang kanyang mga paa kung ano ang magiging reaksyon niya. Akala ko ay magugulat siya sa lamig ngunit tuwang-tuwa ang bata habang mabilis na puma padyak sa malamig na tubig ng pool. Ilang araw na simula ng mag isang taon siya at ilang na rin ng mangyari ang hindi ko inaasahan na dadatnan na eksena sa loob pa mismo ng opisina ni Senyorito Simon. Aaminin kong sobra akong nasaktan. Alam ko naman na hindi ako mahal ni Senyorito Simon ngunit hindi ko rin alam kung bakit waring nadurog ang puso ko habang paulit-ulit na bumabalik sa aking balintataw ng kung paano ko sila inabutan ni Senyorit

