Episode 61

1084 Words

"Ma, may nakabili na raw po ng Hacienda Esmeralda." Imporma ng anak kong si Santino na ngayon ay sampung taong gulang na habang pinaparada ang kanyang lumang bisikleta sa loob ng maliit na garahe sa gilid ng aming bahay. Galing siya sa eskwelahan at ngayon nga ay nakauwi na dito sa aming munting tahanan na gawa ang kalahati sa bato at ang kalahati naman ay sa pawid. Mabuti na nga lang at nakabili na ako ng second hand na yero para sa aming bubong na dati ay yari lang sa kugon na kapag umuulan ng malakas at sumabay pa ang malakas na hangin ay para na rin liliparin. Isa lamang ang kwarto ng aming bahay at doon kami sama-samang natutulog. May maliit na sala kung sakaling may bisita kami na dumating. Meron din maliit na kusina at maayos na palikuran. Malawak ang aming bakuran kung saan nagagam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD