"Bakit narito silang mag-ina?" "Baka hiniwalayan na ni Senyorito Simon. Sabagay, hindi naman talaga sila bagay at hindi nga ba ang usapan dati ay pinikot niya lang si Senyorito?" "Oonga, baka pinalayas na silang mag-ina sa bahay nila sa lungsod. Balita ko kasi ay doon sila naninirahan sa isang malaking mansyon." Bulungan ng tatlong kababaihan na nakatambay sa tindahan kung saan kami kasalukuyang bumibili ng kape at asukal ng karga-karga kong si Santino. Dahil malapit lang naman ang kinaroroonan nilang tatlo at medyo may kalakasan ang kanilang boses kaya naman malinaw kong naririnig na kami ng anak ko ang paksa ng kanilang pag-uusap. Hindi naman bago sa akin na kaming mag-ina ang pinag-uusapan nila. Mula ng dumating kami sa bahay namin ay madalas ko ng makita ang mga nagbubulungan na mg

