"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, iha? Pinag-isipan mo ba ng mabuti itong gusto mong gawin ko?" kunot-noo na tanong sa akin ni Attorney Silvestre Clemente. Mabuti na lang pala at naitago ko ang calling card niyang ibinigay sa akin noon. Isang linggo na ang nakaraan ng sabay mawala sa buhay ko ang aking anak at si Nanay. Mahirap tanggapin. Pero kailangan kong umusad at magapatuloy sa buhay para sa kay Santino. Hindi pa rin umuwi si Senyorito Simon magbuhat ng sabihin sa akin ni Manang na naabutan niya itong nagmamadaling umalis dala ang maleta na siyang ginagamit niya kapag lumalabas ng bansa. "Opo, Attorney. Sigurado po ako." Matatag at nakangiti kong naging sagot. Tinitigan ako ni Attorney na parang pinag-aaralan at tinitimbang ang sagot ko at ang nais kong mangyari. Waring tutol si

