Nakauwi ako ng bahay galing sa ospital ngunit hindi ko kasama si Santino. Ayon sa doktor, kailangan pa na obserbahan ng mabuti ang kalusugan ng anak ko. Bago naman ako umuwi ay nasilip ko siya. Umiyak ako ng umiyak habang pinagmamasdan siya sa malinaw na salamin na nagsisilbing harang ng silid niya. Awang-awa ako sa anak ko. Napakaliit niya ngunit kung anu-anong aparato ang nakadikit sa katawan niya. Ayokong sanang umuwi at iwan siya sa ospital ngunit kinakain ako lalo ng lungkot pag iniisip kong ilang hakbang lang ang pagitan naming mag-ina. Kaya labag man sa kalooban ko ay mas pinili ko ng umuwi. Sinubsob ko ang aking sarili sa pagbabasa ng mga kung anu-anong libro tungkol sa tamang pag-aala ng sanggol. Pati sa youtube ay halos limasin ko ang lahat ng mga video tutorial. Paulit-ulit ko

