"Senyorito, narito ka na pala. " Humakbang ako papalapit kay Senyorito Simon ng mamataan ko siyang pumasok sa loob ng bahay. Tamang-tama naman na lalabas kami ni Santino para siya ay aking paarawan sa magandang sikat ng araw ngayon. Alas-syete pa lang ng umaga at tamang-tama lamang sa balat ang init. "Mabuti naman at umuwi ka na." Nakangiti kong pagbati sa kanya. Umaakto ako na parang walang masamang nangyari ng huli kaming magkausap. Gayun na muntik na kaming mapahamak na mag-ina. Halos magdadalawang buwan ko na rin siyang hindi nakikita. Sa hatinggabi ay lihim din akong naghihintay kong darating siya ngunit wala talaga. Hindi talaga siya umuuwi. Minsan naman na nabanggit ni Senyora noong naririto pa siya na nasa isang business trip sa labas ng bansa si Senyorito Simon. Malamang na to

