Episode 19

1046 Words

Nagtataka akong nag palinga-linga sa bahay ng mabungaran ang mga gamit sa sala. Tinanong ko agad si Manang kung kanino ang mga maleta at iba pang paper bags na may mga tatak ng branded na mga gamit. Nakatulog kasi kame ni Santino matapos kaming kumain ng tanghalian. Anong oras na rin kasing natulog si Santino kagabi kung kaya pareho kaming puyat. Pagdating ng madaling araw ay nagising na siya at hindi na natulog at naglaro na lang. Hindi talaga biro ang puyatan at tiyaga kapag may baby ka na. Kahit antok na antok pa ang mga mata ko ay pilit ko pa rin na iminumulat. "Karen, dumating si Senyorito Simon kanina. Hindi ba tumuloy sa kwarto ninyo?" sagot ni Manang. Waring tumalon ang puso ko ng marinig ang sinabi ni Manang Lorna. Hindi ako sanay na Senyorita ang tawag sa akin kaya pinagpilitan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD