Episode 32

1012 Words

Buhat sa kusina ay mabilis na akong umaakyat sa hagdan patungo sa itaas ng bahay dahil sa kaisipang baka magising si Santino at pumalahaw ng iyak kapag napansing hindi ako kasama sa aming silid. Matapos ko kasi siyang patulugin at mailipat na sa kanyang crib ay tahimik at mabilis muna akong tumalilis ng kwarto para linisin ang kanyang mga bote ng gatas na ginagamit. At makapag timpla na rin ng bagong gatas para kung gumising at humingi siya ng gatas mamaya sa kalagitnaan ng gabi o kaya'y sa madaling araw ay agad ko ng maibibigay. Limang bote ang hinanda ko kasama ang lata ng gatas at mineral na tubig na aking inilagay sa isang tray saka maingat na muling umakyat sa pangalawang palapag ng mansyon ng Hacienda. Pipihitin ko na sana ang seradura ng pinto ng kwarto na inuukupahan naming mag-in

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD