Chapter 9- Get together

1070 Words
Nang mapagod bumalik na sila sa cottage doon nila naabutan ang daddy ni Yen na nag iihaw ng isda at mga gulay. Mukhang magkakaroon ng mukbang pa chorus na sabi nilang dalawa at sabay na natawa. Tinulungan namam nilang mag ihaw ito at mag ayos ng mga kailangan nila para mamayang hapunan. Nang matapos na ang kanilang ginagawa tinawag na ni Yen ang kaniyang mommy. Lumapit siya dito at umupo saglit. "Mommy thank you." saad niya. "Saan naman anak?" nagtatakang tanong nito. "Sa lahat lahat po, sa pagpayag niyo na makasama ko si Ken." nakangiting sabi niya. "Wala 'yon kong saan ka masaya support lang kami ng daddy mo, basta bawal muna ang mag boyfriend bata pa kayo at i-enjoy nyo muna ang company ng bawat isa." habilin nito saka'nya. "Opo mommy." sabay yakap niya dito ng mahigpit at inaya ng lumabas dahil kanina pa nag- aantay ang mga kasama sa labas. Masayang nagtatawanan ang mag-ina palapit kanila Ken. "A-ano nakain ng mommy, nag budots ba yan hahaha." pang-aasar pa nito. "Baka gusto mong out side kulambo mamaya." pananakot nito sa asawa. Lumapit naman ito sabay yakap dito. Napa sana all na lang ang dalawa sa nakikita. Napabulong naman si Ken na "Sana tayo rin." sabay pisil ng kanang kamay ni Yen. "A-anong sabi mo, 'di ko kasi narinig." maang maangang sabi nito at lihim namang kinikilig. "W-wala sabi ko ang ganda mo kaso bingi ka hahaha." pang-aasar 'nya na ikinasimangot nito. "E-ewan ko sa'yo, 'dyan ka na nga." sabay walk- out nito. Kita mo 'yon 'di naman mabiro. Sabay habol dito at nang kan'yang maabutan binuhat 'nya ito na parang bagong kasal. "A-ano ba ibaba mo nga ako." inis na sabi 'nya at pinag hahampas ang likod nito. Sa totoo lang ok lang naman saka'nya natatakot lang siya na baka makita sila ng mommy niya at mag ala- tiger na naman 'yon. "A-aray!" masakit yan ha." protesta na sabi nito at talagang nasasaktan sa hampas ng kaibigan. "A-ayaw mo kasi akong ibaba." anya. "Yeeeen," tawag ng mommy ni Yen at sa pagkataranta ni Ken bigla na lang nahulog 'to. Napa araaay sa sakit si Yen dahil tumama ang pang-upo 'nya sa may kahoy. "A-ang sama mo talaga nakakainis ka." pagmamaktol nito sabay martsa papalayo sa kaniya. Naiwan namang mag-isa si Ken at nag worry sa nangyari hinabol 'nya ito kaso nga lang ay 'di na nya naabutan pa. Samantalang inis na inis naman si Yen sa nangyari. Hindi niya expected na ibabagsak siya nito. Nakita naman siya ng kaniyang mommy. "Yen, nasaan si Ken." usisa nito na nagtataka bakit mag-isa lang siya. "Hayaan nyo po siya mommy." sabi ko at nagpaalam na sabay diretso ng lakad. ...YEN... Akala ba niya nakakatuwa siya. Huwag talaga siyang magpakita saakin. Naiinis ako sakaniya. Makikinig na nga lang ako ng music para naman gumaan ang pakiramdam ko. Tila nanadya ang tadhana bakit biglang nag play 'yong favorite naming kanta. Maya-maya pa narinig kong tinatawag niya ang pangalan ko, pero patay malisya lang ako. Bahala siya sa buhay niya kumatok siya hangga't mag damag. Matutulog na lang ako. Hindi ko namalayan naka idlip na pala ako. Nagising ako na parang may humawi ng buhok ko at kinikiliti ang tagiliran ko. Inaantok man unti unti kong idinilat ang mga mata ko. Gayon na lang ang inis ko ng makita siya. Tumalikod ako sakan'ya dahil naiinis pa din ako sa ginawa niya kagabi. Narinig kong lumapit siya saakin at pilit akong pinapaharap. "Bebe girl, sorry na. Nagulat kasi ako huwag ka ng magalit saakin please." sabi niya. Dedma lang ako at hindi ko pa din siya pinapansin. "Bebe girl, please." pangungulit niya saakin. "Bebe girl." Anoooo! Napalakas ang boses ko kasi naman kinikiliti niya ako at mas naiinis ako sa ginagawa nito. "Huwag ka na kasi magalit. Ilang araw na lang uuwe na ako, mag-aaway pa ba tayo." tanong niya at bakas sa mga mukha ang lungkot. Syempre 'di ko rin naman siya matiis. Haixt hanggang may feelings ang walang label laban pa din. Hinawakan niya ang kamay ko. Sabay sabi ulit ng sorry. Oo na huwag mo na uulitin 'yon masakit kaya. Gusto niyang hawakan 'yong likod pero hinampas ko siya. "Bakit? galit ka pa din ba?" tanong niya at napa kunot ng noo. Wala lang. Pang upo ko kasi yan tapos gusto mong hawakan. Ayos ka lang? Napakamot naman siya ng ulo sabay sabing ay! sorry bebe girl. Basta bati na tayo ha at bigla niya akong niyakap. Yennnnn... naririnig ko na naman ang boses ni mommy at palapit na siya sa room ko. Bigla ko na lang natulak si Ken boooogsh. Ayon ang eksenang naabutan ni mommy. "Ano ba naman yang nilalaro niyo." napatingin saaming dalawa na nagtataka. "Restling po mommy." sabi ni Ken. Napatigil ako sandali tama ba narinig ko mommy. Tapang ha sa isip ko. Nakita ko namang tumatawa si mommy. Natawa na din kaming dalawa at lumapit ako kay Ken tapos inalalayan ko siyang tumayo. Sabay na kaming naglakad palabas pasalamat na lang ako nauuna na si mommy kasi naman 'tong si Ken naka hawak na naman sa kamay ko. Bago pa kami makarating sa dining area binitawan ko na ang kamay ni Ken. Hinila naman niya ang upuan para makaupo ako at tumabi siya saakin. Masaya kaming kumain mag-anak habang nagkwe-kwentuhan. Madaming baong pang-asar si daddy kay mommy habang kaming tawang-tawa ang mukha ni mommy ay hindi maipinta kahit sino pang artist. Naka tiger look lang naman 'to at anytime hahagisan na si daddy. Kami naman ni Ken ay natatawa lang nagulat nga lang ako na bigla niyang hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng mesa, sa gulat ko bigla niya 'tong itinaas. Pinalo ko nga ang kamay niya baka kasi mapansin nila mommy mapagalitan pa kami. Gusto niya pa yata malaman paano magalit ang isang tigre hahaha. Nang matapos kaming kumain kami na lang naiwan dahil 'yong magulang ko bumalik yata sa pagkabata. Hayon sila ni daddy naghahabulan. Naririnig ko na lang si mommy galit na galit at si daddy tawa ng tawa. Ang kukulit ng parents ko pag nag asaran daig pa mga teenager. Yen tawag ni Ken bigla siyang may binulong saakin. I.... pahina ng pahina hanggang sa wala na akong marinig. Anong I... ulitin mo nga sinabi mo. Sabay sabi niyang I wala 'yon.. Kennnnnn, biglang napalakas ang boses ko. Paano naman kasi hindi ko maintindihan ang sinabi niya palaisipan tuloy saakin 'yon. Haixt ewan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD