Chapter 10- The I Love You

1516 Words
YEN Hanggang dining area kinukulit ko si Ken kong ano 'yong sinabi niya kaninang I... Ayaw kong naman kasing mag assume na, I love you ang gusto niyang sabihin kanina. Ken, tawag kong muli sakanya. Lumingon naman ito saakin kaagad. Nagsalita ito ng bakit, pero walang lumabas na boses mula rito. Bumulong rin ako ng, ano nga 'yong sinabi mo kanina. Sumagot naman ito ng I wala 'yon. Sa inis ko, sinamaan ko siya ng tingin. Mas lalo akong nainis ng nakita kong tumatawa pa ito. I rolled my eyes tanda na naiinis na talaga ako. Kinuha ko din siya sa makuha ka sa tingin look. Dahil ayaw ko naman makita nila mommy at daddy na naiinis ako at baka biglang mag tanong pa ang mga ito. Natahimik naman na ito sa pagkain. Hanggang matapos kaming kumain hindi ko siya ini-imik. Bahala siya sa buhay niya. Bumalik ako ng dalampasigan medyo makulimlim na nga pero tanaw ko pa rin ang ganda ng karagatan na nagmumula sa liwanag ng buwan. Biglang lumapit si Ken saakin. At sinubukang hawakan ang kamay ko, pero iniwas ko. Ano siya gold, pagkatapos niya akong inisin kanina at pag isipin ng kong ano-ano lalapit siya basta basta na parang wala lang. Yen, Yen tawag niya saakin. Nanatili akong tahimik kunyari wala akong naririnig. Knowing Ken medyo maiksi ang pisi nito, kaya tingnan ko lang kong hanggang saan ang kaya niya. "Bebe girl, galit ka pa din ba saakin?" tanong nito. Buti alam niya. Nakakainis kaya mag isip. Dedma pa rin ako at tinatanaw ang dalampasigan. Ang ganda talaga ng karagatan pag masdan nakakarelax. Hindi na nakatiis si Ken sa pang babaliwala ko sakanya at tumabi ito saakin. Ang lawak ng space pero dumikit pa saakin. "Bebe girl sorry na. Please huwag ka na magalit saakin." wika nito at humihingi na ng dispensa. Hmmmm! doon ka nga ang lawak ng space sakabila bakit dito ka nagsusumiksik. Sabi ko at pinapakita ko talagang naiinis ako sakanya. Nagsalita muli ito at pinapakinggan ko lang siya kahit na nakatalikod ako sakanya. "Gusto ko dito kasama ng mahal ko." pabulong nitong sabi. Gusto kong kiligin ng marinig ko 'yon ngunit hindi ko pinahalata sakanya. Mas nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Bigla niya akong inakbayan at pinaharap sakanya. Sunod sunuran lang ang katawan ko. Aminin ko nawala na ang tampo ko sakanya. Lumapit ito saakin na mas closer pa. Nagsukatan kami ng tingin hanggang sa ilang dipa na lang ang lapit niya saakin. Napa pikit ako kasi akala ko hahalikan niya ako. Ngunit bigla na lang akong nakarinig ng bulong na I love you. I love you Yen. Mukhang nahiya ito sa sinabi niya, kaya bigla itong tumayo at tumalikod saakin. Halos tumalon naman sa tuwa ang puso ko. Mahal ako ni Ken... Mahal ako ni Ken... Mahal ako ni Ken... Paulit ulit na nag rerewind sa isipan ko. Oo na mahal ka na. Hiyaw ng utak ko. Nanatiling nakatayo si Ken. At nakatingin sa kawalan. Mukhang hindi niya napansin ang pag sunod ko. Ken, tawag ko. Lumingon naman ito. At ngumiti saakin. Yang ngiti niya ang gusto kong laging makita. Gwapo si Ken lalo kapag nakangiti. At alam ko rin marami akong magiging kaagaw kong sakaling dumating ang panahon na pwede na ang lahat. "Yes, hindi ka na galit saakin?" tanong nito na nag aantay ng sagot ko. Iniling iling ko ang ulo ko. Tanda na hindi na nga ako galit. Napabuntong hininga ito. "Salamat naman. Akala ko tuluyan ka ng magagalit saakin." wika nito na bakas sa mukha na nag alala talaga. E' ano naman sayo kong magalit ako. Hindi naman tayo. Kaya bakit mo iisipin ang galit ko. "Hindi naman mahalaga ang label, basta may feelings okay na 'yon. Sapat na para saakin na mahal kita." wika nito na seryosong nakatingin saakin. Impit na kinilig ako sa mga binitiwan niyang salita. Hindi ko akalain na mamahalin ako ni Ken sa maikling panahon na magkasama kami. Napatanong ako sa sarili ko. Mahal ko na rin kaya siya? Kaya ba nagseselos ako sa mga babaeng nagpapacute sakanya kanina at sa mga babaeng ina add siya sa social media account niya. Selfish ba ako kong ayaw kong binibigyan niya ng ibang atensyon ang ibang tao. Hmmm mahal mo ko kailan pa? tanong ko kay Ken. "Secret, malalaman mo rin soon." natatawang pagkakasabi nito. Tseee, ayan na lang ang nasabi ko. Hindi na rin mahalaga na alamin ko kong kailan ang mahalaga ay mahal niya ako. Kinilig ako sa part na 'yon. Tara Ken balik na tayo sa loob baka hanapin na tayo nila mommy at daddy. Pag aaya ko. Totoo naman kanina pa kami wala at baka hinahanap na rin kami. Sabay kaming naglakad ni Ken at naka akbay siya saakin. Hinayaan ko lang naman siya pero sinabihan ko siya na alisin rin kapag malapit na kami sa cottage. Ayokong makita nila mommy na naka akbaya siya saakin. Baka mag ala tiger look na naman 'yon. Natatawa kong naiisip. Nakabalik kami ng cottage ngunit wala na roon sila mommy. Baka pumasok na rin sa loob. Nagpaalam na ako kay Ken na papasok sa loob. "Good night Yen." wika nito. Good night Ken, sambit ko. Tumalikod na si Ken tanaw ko ang paglalakad niya hanggang sa pumasok siya sakabilang room. At naglakad na rin ako papasok naman ng room ko. Doon ko binuhos ang kilig at saya pero pigil lang ang sigaw ko baka maabala ko sila mommy na sakabilang room natutulog. Humiga ako sa kama. At nag muni muni hindi pa rin ako makapaniwalang mahal ako ni Ken. Nabibilisan lang siguro ako sa mga pangyayari. Mula ng hinanap ko siya, nag viral at heto nagkakasama na kami madalas. Bumangon ako ng makalimutan kong kailangan ko pa lang maligo. Dahil may mga buhangin pa sa buhok gawa ng pag saboy ni Ken kanina. Dire- diretso akong pumasok ng shower room at nagbabad sa tubig. Medyo warm water naman ang lumalabas rito kaya hindi naman ako nilamig. Mga ilang oras lang akong naligo. At kinuha ko na ang roba at towel sa loob ng cabinet. Lumabas na rin ako ng dito. Umupo ako sa kama at kinuha ang blower para patuyuin ang buhok ko. Nang makita kong tuyo na ito. Inoff ko na ang blower at tinago sa cabinet. Nahiga na ako at nagdasal. Nagpa salamat sa araw na ito sa pag gabay niya saamin. Hanggang sa nakatulog na pala ako dala ng pagod at antok. KINABUKASAN Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan. Kahit inaantok pa napilitan akong tumayo at silipin kong sino ang tao na nasa labas. Pag bukas ko ng dahon ng pintuan. Mukha ni Ken na nakangiti ang aking nabungaran. "Good morning bebe girl, how's your sleep?" tanong nito na nakangiti pa rin saakin. A-ayos lang ako at nang maalala ko na wala pa pala akong suklay dali dali akong tumakbo sa wash room area. Narinig ko naman ang tawag ni Ken. "Yen, yen, ayos ka lang ba?" sambit nito na tila nag aalala sa mga kinilos ko kanina. Oo, ayos lang ako mamaya lalabas na rin ako. Mabilis akong nag wash ng face at nag tooth brush nang makita ko sa salamin na maayos na ang itsura ko. Lumabas na rin agad ako, nakita ko naman siya na prenteng nakaupo at nagbabasa ng magazine. Ano yang binabasa mo. Sabay kuha ko nito sakanya. Bigla na lang nagsalubong ang kilay ko sa nakita. Mga magagandang model kasi ito at ang se-sexy pa ng suot. Hmmmm! Bakit ka nagbabasa ng mga ganto huh? Tila nagulat naman ito sa tanong ko. "H-hindi ko yan binabasa no, malay ko ba na merong ganyan yan." nauutal na wika nito at todo tanggi pa. Hmmm! ewan ko sayo Ken, diyan ka na nga. Narinig ko pa ang tawag nito pero hindi na ako lumingon pa dire-diretso akong naglakad palayo sakanya. Samantalang naiwan naman si Ken ng mag-isa. Ang ganda sana napaka selosa naman. Tumayo na rin siya at naglakad para habulin si Yen. Napakamot na lang siya ng ulo dahil hindi niya na naabutan ito. Dumiretso siya sa dalampasigan at nagbabakasakali na naroon ito. Tama nga siya naroon nga ito at ang layo ng iniisip. Linapitan niya ito at naririnig niyang bumubulong bulong ito. May pa i love you, i love you pa kagabi. Pag seselosin lang pala ako ngayong umaga. Nakakainis ka Ken ang aga mong mang inis. Samantalang hindi naman alam ni Yen na nasa likuran niya na pala ito at naririnig ang mga pinag sasabi niya kanina. Bigla na lang itong nagsalita sa likuran niya. "Bakit ka naman naiinis saakin. E' mas maganda ka pa nga sa mga model na 'yon." wika nito at bigla na lang akong pinihit paharap sakanya. "Maganda ka Yen, at wala ng mas gaganda pa sayo sa mga mata ko. Kaya huwag ka ng mag selos." sambit nito at ramdam na ramdam ko ang pagkasinsero nito habang binibigkas ang bawat salita. At sino naman nagsabing nag seselos ako, sabi ko sakanya sabay ikot ng mga eyeballs ko. "Hindi ka nga nag seselos sabi mo." natatawang sambit nito. Hindi nga kasi, period...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD