Chapter 20- The Broken

2121 Words
YEN Kinabukasan ang ganda ng gising ko dahil sa mga nangyari kahapon. Good morning sunshine.., napalakas yata ang boses ko kaya nagambala ko ang magulang ko, naririnig kong kumakatok na ang mga ito.. Pinagbuksan ko naman sila ng pinto at binati ko sila ng good morning with a wide smile.. Napansin yata nila na masaya ako.. "Masaya yata ang dalaga namin." pa chorus na sabay ng magulang ko.. H-hindi naman po masyado mom and dad. Si ano po pala? tanong ko.. "Sino ba si Nasher o si Kennedy?" wika ni dad, haba ng hair ng dalaga ko dala-dalawa ang manliligaw., dagdag na biro ni dad.. Hala! hindi naman po sila nanliligaw daw, magkaibigan lang po kami., wika ko sabay impit ng mga buhok ko sa may tainga na nagulo.. "Oh! siya sabi mo e' ka-ibigan." pag bibiro na wika nito sabay paalam na rin sa'akin at hinila na si mommy. Talaga naman ang aga-aga ang sweet ng parents ko, sana all na lang., usal ko. Binuksan ko ang bintana sa may terrace at nakita ko naman ang nakangiting si Ken na katatapos lang ata mag-jogging.. "Yen, sigaw nito sa pangalan ko. Sinenyasan niya akong bumaba., nag wait sign naman ako sabay pasok ng kwarto at nag-ayos.. Maya-maya bumaba na rin ako at sinalubong ko sa may pintuan si Ken., hinila naman niya ang kamay ko at sabay kaming nag jogging na magka holding hands.. Para kaming mag jowa, kinikilig kong iniisip., pero wala pa sa'kin ang ganyang bagay. Masaya ako sa company naming dalawa at na-e-enjoy ko 'yon. Nang mapagod kami nakita namin ang narra tree at tumungo kami roon para maupo muna.. Kumuha ng towel si Ken, at humarap sa'kin.. Halos kabado ako ng lumapit ito sa'kin, unting dipa na lang kasi ang agwat namin at naririnig ko ang pag hingal nito, at bigla niya na lang pinunasan ang pawis ko mula noo at hanggang sa mukha., nang mapansin kong pupunasan niya 'yong leeg ko naalaarma ako at bigla kong inagaw sakanya ito.. "Sorry, Yen!" nahihiyang sambit nito sabay yuko ng ulo.. Wala 'yon Ken, tara ikot tayo sa may play ground., paanyaya ko rito sabay hila ko sakanya para tumayo na rin siya.. "Ok, tara." anya., sabay hawak ng aking kamay, naglakad kaming sabay habang magka hawak ang mga kamay. Ang saya lang sa pakiramdam.. Mga ilang minuto rin kaming naglakad bago makarating dito.. Parang batang unakay ito sa slide at nagpadausdos, naki gaya rin ako sa ginawa nito.. Tawa kami ng tawa sa pinag gagawa namin., nakita naman nito ang seesaw kaya doon naman ito tumakbo na animo'y paslit na ngayon lang naka kita nito.. Hinabol ko naman siya kaagad ang bilis nitong nakaupo rito.. Ako naman at umupo na rin, nagulat na lang ako ng biglang nasa taas na ako, halos malula ako at pasalamat na lang talaga naka hawak ako kundi hulog ako.. Tawang tawa naman ito sa naging reaksyon ko. Ken, tawag ko para ibaba niya ako. Nakarinig naman ito at ibinaba ako siya naman ngayon ang nasa taas. Ako naman ang tumatawa ngayon.. Pinagmasdan ko ito kitang kita sakanya na masayang naglalaro. "Yen, pwede ba dalasan natin ang punta rito." wika nito sabay sabing ibaba ko na siya, dahil para na siyang mahihilo.. Naglakad naman kami at sumilong sa ilalim ng puno, naka kita ng pinutol na puno ito kay inaya niyang doon kami maupo.. Maya-maya bigla na lang 'tong nag sabi.. "Yen, kong saka sakaling mag abroad ako, papayag ka ba?" seryosong tanong nito. Ang tagal ko nakasagot, pero sa huli nagsalita na rin ako.. Oo, naman kong anong gusto mo support kita. Bakit mo pala natanong, may balak ka ba? usisang tanong ko rito.. Natahimik ito bigla at napabuntong hiniga na ilang ulit bago nag salita.. "Oo, tumawag kasi si mama gusto niyang sumunod ako sa kanya sa ibang bansa." nalulungkot na wika nito.. Ano ka ba, good opportunity 'yon, bakit ka nalulungkot? dapat nga maging masaya ka, di ba dream mong makasama ang mama mo, so ayan na ang chance mo.. "Hmmm! gusto ko, pero ayaw kong iwan si lola at saka--- pag puputol nito sa sasabihin. Kaagad ko naman siyang kinulit.. At saka sino? ex- girlfriend mo., Naka simangot kong sambit., tila napansin niya ang pag simangot ko, kaya hinawakan niya ang dalawa kong pisngi sabay sabing "Ikaw, ayaw kitang iwan dito, baka pag balik mo may boyfriend ka na. Baka sagutin mo na 'yong Nasher na 'yon." mahabang lintanya nito.. Ha! bakit mo naman naisip 'yon, alam mo bang kong tayo, tayo talaga ang itinadhana kahit magkalayo man tayo. At kong 'di man wala tayong magagawa roon., "At kong 'di tayo, pilitin natin." dagdag na wika nito.. Natawa na lamang ako sa kakulitan nito. Ok, lang sige ipilit natin., pero seryoso na kong ano ang magpapasaya sa'yo 'yong ang piliin mo.. "E' pano ba yan, ikaw ang happiness ko." anya. Nako! Kennedy Madrid, puro ka naman biro. "Ha! 'di ako nag bibiro Yenna Andrade, ikaw ang gusto ko wala ng iba pa. Kahit lumayo pa ako, ikaw pa din ang gusto ko." madamdaming wika nito.. Ok! ok na sabi mo e', lihim naman akong kinilig at kong pwede lang tumalon dito ginawa ko na. "Nagugutom ka na ba? gusto mo bang bumili ako ng meryenda?" tanong nito sabay tayo at pagpag ng alikabok na dumikit sa shorts nito. Oo, medyo gutom na nga ako.. "Ok! sige wait ka lang dito, bibili lang ako. Sige, sambit ko.. Iniwan niya akong mag-isa rito, ilang minuto na ang nakakalipas at 'di parin ito nabalik kaya tumayo na rin ako at pinagpag din ang alikabok na kumapit sa'kin.. Kinuha ko ang cellphone ko at nag tikitoe ako, sumayaw ako ng nakakaindak na sayaw at enjoy na enjoy ako rito.. 'Di ko namalayan nakabalik na pala ito, may dala itong bread and water.. Napansin niya ang ginagawa ko kay nag tanong ito.. "Ano ba yang ginagawa mo? bakit ka ba nasayaw riyan." nagtatakang tanong nito. Ah! eto ba tikitoe 'to, gusto mo bang subukan? tanong ko at sana pumayag siya. "Ok, basta turuan mo lang ako." anya. Nag play na ako ng music sa una ayaw nitong sumabay hanggang sa sumasabay na rin ito sa bawat pag-indak ko.. Naka ilang ulit kaming nag record ng dance at nang mapagod bumalik kami sa upuan. Kinuha ko ang bread at water na binili niya sa'kin. Aliw na aliw akong tingan ang video dance namin kanina habang nakain ako ng bread.. "Patingin nga, sabay silip nito. At natawa na rin sa katawan niyang matigas.. Ilang minuto oras pa kaming nag stay roon bago namin naisipang bumalik na ng bahay.. Lakad at takbo ang aming ginawa, dahil malapit ng mag tanghalian... Nakarating kaming bahay na hingal na hingal at hapong hapo.. Kaagad naman akong umupo sa sofa kasunod ko si Ken.. Nagpahinga muna kami dahil napagod talaga ang katawan namin kaka ikot ng subdivision at maglaro sa playground.. "Thank you Yen." wika nito sabay suklay ng buhok ko gamit ang daliri nito para talian ako., Maya-maya nakarinig na lang ako sa likod ko ng tikhim., nasa likod pala namin si mommy.. "Ano Yen, 'di ka na marunong mag ponytail? turuan kita." pang aasar nito. Mommy! e' tawang tawa siya kapag nag gaganyan ako.. "Ako ma'y nagtatanong lang. Masama ba 'yon, di ba Ken?" anya.. "A-ah! o-opo tita," nauutal nitong sambit.. "Hala! sige mauna na ako sainyo at ako'y magpapa ponytail rin sa dad mo, baka nakalimutan ko na rin." sambit nito na patawa tawa, sabay talikod at naglakad papalayo.. Nagtawanan na lamang kaming dalawa.. Maya-maya nagsalita ito na 'di ko maintindihan, lagi kasing pabulong tapos pahina ng pahina.. "Yen, ano kasi ang ---- , wika nito na pahina ng pahina at wala na akong narinig.. Ano, Ken? "Ha! e' wala, ang sabi ko ang ganda mo." sa wakas na sambit rin nito ng malakas. Hmmm! 'di kaya, sakto lang. Natatawa kong wika. Bumanat naman ito ng pabiro.. "Sakto lang sa'kin." anya. Sakto na ano? ikaw talaga pa suspense ka lagi mag salita. Kumpletuhin mo kaya yang sinasabi mo.. "Sabi ko It's fits for me." anya. Ha? patay malisya kong sambit., pero gets ko naman at eto nga impit na akong kinikilig pero hindi ko pinapahalata. "Sabi ko sakto lang sa'kin, bagay tayo na maging mag boyfriend and girlfriend. Ok na po?" anya. Ha! wala naman akong sinabing hindi. Ang sa'kin lang masyado pa naman tayong bata at mahirap magpadalos dalos Ken. Baka kasi magsisi ka bandang huli. Doon lang ako sa kong saan pwede tayong mag-tagal. Nakita ko naman ang paglungkot ng mukha nito at ng siyang kinatahimik.. "ok sige." anya. Sabay tayo at dire- diretso palabas. Sinubukan ko siyang habulin ng tawag pero tila dedma lang ito. Naalarma ako kasi baka nagtampo na 'to sa'kin. Ken, tawag kong muli pero hindi na ito lumingon pa.. Ako ma'y nag-iisip, kong masama ba ang nasabi ko para mag tampo siya sa'kin.. Pinalipas ko ang ilang sandali hanggang sa magtatanghalian na. Walang Ken ang dumating. Siguro napapansin ni mom at dad na aligaga ako.. "Yen, nak anong problema?" tanong ni dad. Si Ken po dad? sa wakas na sambit ko rin. "Ha? hindi ba nagpaalam sa'yo?" wika nito na nagtataka. Nagpaalam po na ano dad? Si mommy na ang nag salita.. "Nagpahatid sa airport kanina." sambit nito. Ha? airport? para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig ko bigla kong nabitawan ang kutsara na hawak ko. Biglang lapit naman sa'kin si mommy. "Bakit nak, hindi ba siya nagsabi sa'yo na ngayon ang alis niya?" nagtatakang sambit nito.. H-hindi po mommy. Sige po akyat lang po muna ako sa room ko, may nakalimutan po akong asikasuhin. Pagpapaalam ko sabay tayo at lakad paakyat ng hagdan. Nagkulong ako sa kwarto ko, at ang kaninang luha na pinipigilan ko ay naglandas na. Mga katagang tanong ko sa sarili ko. Bakit Ken? may nagawa ba akong mali para gantuhin mo ako. Naiiyak kong usal. Ako ma'y naguguluhan sa mga sambit nito. Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at nagbabakasakaling may iniwan 'tong messages. Pero wala kahit isa man lang. Halos manlumo rin akong nang makitang deactivated na ang social media account nito.. What I have done. Hindi ko pa rin ma gets bakit iniwan niya ako ng walang paalam. Kaya ba gusto nitong magkaroon na ng label kami, dahil ngayon na ang flight nito. Kaya ba pinasaya niya ako ng todo, dahil paiiyakin niya lamang ako. Napaka sakit Ken, hindi ko alam bakit ganyan ka. Bakit kong kailang ok na ang lahat ang dali mo namang sumuko. Mga usal ko na ako lamang ang nakakarinig. Ang sakit sakit sobra, at hindi mo mapigilang umiyak ng umiyak. Iniwan niya lamang ako ng basta, ni walang sinabi kong may aasahan pa ba ako. Nakatulog ako sa pag- iyak. Nagising na lang ako na magang-maga ang mga mata ko pati na rin ang mukha ko. Paano ako lalabas nito, anong sasabihin ko sa magulang ko. Napasabunot na lamang ako sa buhok ko. Nagtungo ako ng washroom at nag hilamos ng mukha. Kumuha rin akonng cold patch at nilapat ko sa mata ko pati na rin sa mukha ko. Kailangan mawala ito bago pa makita nila mom at dad, sobrang nakakahiya. Mga ilang oras pa akong nag stay sa loob ng room at pasalamat na lang ako unti unting nawala ang pamamaga nito. Kaya ayaw ko ng umiiyak kasi namamaga talaga ang mukha ko. One last try muli kong cheneck kong activated na ba ang account nito pero bigo ako.. Nagdaan pa ang ilang oras pero wala pa rin. Hanggang nakaramdam na ako ng gutom kaya bumaba na rin ako. Nakita kong kumakain na ang magulang ko. At nakiupo na rin ako rito. "Oh! nak bakit ngayon ka lang?" tanong ni mommy. Ahmm! nakatulog po kasi ako mom, nakakapagod po ang project kong gawin., wika ko na pilit pinapasigla ang boses ko, para hindi sila makahalata sa pag-iyak ko. Pasalamat na lang talaga na hindi muli itong nagtanong bagkus ay naging abala na ito sa pagkain at sa usapan nila ni dad. Ako ma'y nakikinig lang sakanila at kain ng kain. Totoo pala kapag broken hearted ka mapapakain ka ng madami. Busog na busog ako. Nang matapos akong kumain at nagpaalam na rin ako sakanila. Mabilis ang mga yabag ko sa pagpanhik.. Maaga rin akong natulog, kinabukasan wala pa din itong paramdam. Hanggang matapos na lamang ang isang araw, at wala pa rin itong ni isang messages. Ang mga araw ay napalitan ng buwan at maging ng taon, pero wala pa din akong na received na messages mula rito. Hanggang nasanay na lang ako at tinanggap na pinakilig lang pala ako at pina ibig at ang ending ay pasakit at pighati.. Nakakainis ka Ken, usal ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD