Chapter 19- The beautiful view

1719 Words
KEN Katatapos lamang namin hingalin kaka lakad at takbo, huwag lang kaming mapagalitan ni tita. Overwhelm ako sa pamilya ni Yen, dahil ramdam kong tanggap nila at welcome ako sakanila. Medyo naiilang ako sa bisita nila Tita ngayon. Hindi ko man siya lubusang kilala, pero base nakikita ng mga mata ko may gusto ito kay Yen. "Nasher, si Ken kaibigan ko." pakilala nito sa'kin.. "Nice to meet you bro." sambit nito sabay lahad ng kamay, nakipag kamay rin ako. "Maupo na kayo, kakain na tayo. Nasher dito ka na kumain. Yen mag bihis ka na at nang makasabay ka saamin." wika ni tita.. Pumanhik na si Yen at naiwan kami ng kaibigan niya.. "Bro, taga saan ka pala?" tanoning nito. Feeling close lang. Nakakapikon!! Ha? taga Kalibo ako. Mag tatlong oras ang byahe papunta rito, sagot ko. "Ah! ganon ba? nanliligaw ka ba kay Yen." diretsang tanong nito.. L-ligaw? sa ngayon hindi pa. Pero baka sa tamang panahon.., wika ko sabay paalam na lalabas, dahil 'di koS45s matagalang kausap ito. Tahimik ang paligid, dama ko ang simoy ng hangin.. Hanggang nakarinig ako ng nagtatawanan sa loob. Bumaba na pala si Yen, at nagpapasikat ang karibal ko.. Ang corny naman ng jokes.. Bumalik ako sa loob, tinawag naman ako ni tita sa kusina.. "Ken, nag seselos ka ba?" prangkang tanong nito.. H-ha! hindi po tita, at wala naman akong karapatan.. Nakita kong natawa si Tita.. "Hayyy! nako kayong nga bata kayo talaga nga naman. Si Nasher nagpaalam na yan sa'kin kapag nag dalaga si Yen ay aakyat siya ng ligaw sa bahay. Ganyan ka pursigido ang batang yan." mahabang lintanya nito. Ganon po ba tita, mukha namang may pag-asa.. "Pag-asa sa pagiging kaibigan, pero sa pakikipag relasyon malabo. Nakikita kong iba ang gusto ng anak ko." anya.. Napaisip na naman ako, may iba pa pala bukod sa isang 'yon.. Dami ko namang karibal, usal ko.. "May sinasabi ka ba Ken?" tanong ni tita.. H-ha! wala po tita, tulungan ko na po kayo riyan. Ako na po magdadala sa dining area.. "Salamat Ken," wika nito sabay abot sa'kin ng crispy pata.. Kitang kita ko naman na enjoy na enjoy kakatawa ang dalawa, animoy magkasintahan... Excuse me! sinadya kong lakasan para naman makuha ko ang mga atensyon nila.. "Ken, nandyan ka pala. Tara samahan mo kami dito sa sala." aya nito.. Sige! mamaya na, lagay ko muna 'tong crispy pata.. "Ok, Ken." wika nito, sabay tawa na naman, kahit wala naman katuturan pinag sasabi ng isang 'yon.. Gigil na gigil ako habang hawak ko ang lalagyan ng crispy pata. Hindi ko alam kong nagseselos nga ba ako. Bakit ganto ang nararamdaman ko, hindi ko mapaliwanag gusto ko ako lang ang pinapansin niya, ako lang ang nagpapangiti sakanya at ako lang wala ng iba.. Bumalik ako sa sala at naki upo.. Pinilit kong agawin ang atensyon ni Yen at tinapunan naman ako nito ng tingin.. "Ken, tara maupo ka." wika nito. Sumunod naman ako at sinadya kong umupo sa gitna para magkalayo sila. Masama ba ako? natatawan hiyaw ng isip ko.. Protective talaga ako pagdating sakanya. Dami nilang napag kwentuhan, pero hindi naman ako maka relate.. Buti na lang dumating si tito at nakwento niya ang childhood days namin ni Yen.. Thanks to tito, 'di na ako out of place.. Nakita kong napasimangot ang Nasher na 'yon, kaya mas naka isip pa ako ng kwento noong bata pa lamang kami.. Tawang tawa kami ni Yen, tito at tita kapag naalala namin 'yon.. Anong feeling na ma out of place, usal ko.. Hanggang sa nakaramdam yata ito na out of place na siya kaya nagpaalam na ito na mauuna na muna.. Lumalalim na rin kasi ang gabi at bakit nandito pa 'yan.. Hinatid naman siya sa labas ni Yen at nila tito at tita, naiwan naman ako sa sala. Dahil ayoko naman makipag plastikan sa taong 'yon, dahil sa totoo lang gusto ko na siyang tirisin, kung pwede lamang.. Nakabalik na sila Yen sa loob, kasama ang magulang niya.. Inaya na rin nila akong sumabay sakanilang hapunan.. Sa hapag kainan naman kitang kita kong masaya silang nagkwe- kwentuhan. Napansin siguro ni Yen ang pananahimik ko, kaya biglang siniko niya ako.. What, bulong ko.. Ngiti lamang ang binalik nito saakin. Naaaliw akong makita siyang kumakain na ganadong ganado, minsan nagtataka ako malakas naman itong kumain pero slim pa rin siya.. Hanggang sa napansin yata ni Tito ang pagtitig ko kay Yen, kaya bigla itong tumikhim at nag salita.. "Baka matunaw." wika nito, sabay tingin ko rito.. "Ung ice cream mo kako baka matunaw na." natatawang sambit nito.. Napakamot na lang ako ng ulo, dyahe talaga.. Kinuha ko ang ice cream na sinasabi nito at sinimulan kong kainin, dahil malapit na talaga itong matunaw.. Mabilis ko lang tinapos ang pagkain kaya nagpaalam na akong mauna na sakanila. Iniwan ko lamang ang plato ko kasi 'di pa rin sila natatapos, maya-maya biglang sabi ni Yen. Tapos na rin ako tara manuod muna tayo ng movie.. Nasa sala na kami at nakaupo habang namimili si Yen nang movie na panunuorin namin. Hindi ko talaga maiwasang palaging pag masdan ito. Katulad kanina at ngayon, pinag- mamasdan ko ang babaeng nilalaman ng puso ko. Ang corny man pakinggan, pero siya ang sinisigaw nito. Aamin ko maganda siya, pero mas maganda ang kalooban nito. Na kahit sinong lalaki ay magkakagusto rito. Kaya hindi ko rin masisisi ang Nasher na 'yon.. "Ken, eto na lang panuorin natin. I'm Crazy for you. Idol na idol ko ang gumanap dito." excited na wika nito.. Ok, ayan na lamang ang naisagot ko.. Pag bungad pa lamang ng unang eksena, dama ko na ang sakit. Parang kami lang, mahirap ang lalaki at mayaman naman ang karibal.. Hindi ko tuloy mawala sa isip ko ang mga agam-agam na umuukil rito.. Lalo kanina halos manliit ako sa mga nakita ko.. Bago pa kasi magsimula ang Sta. Cruzan, dumating ang palaging nagiging eskorte raw nito. Magiliw siyang pinapasok sa tahanan nila tita. Tulad ko, welcome rin ito at kitang kita ko rin kong gaano kayaman ang magiging kaagaw ko sakanya kapag nagkataon. Sino nga ba naman ako kong ikukumpara sa anak ng mayor na 'yon.. Isang hamak na taga farm at kong may magara 'tong kotse ako motor lang na laging sirain. Ang saklap naman ng buhay. Bakit ba hindi na lang din ako mayaman katulad nito, para masabi kong atlis kahit papano may laban.. Nawalan ako sa pag-iisip ng bigla akong tawagin nito. "Ken, tawag ng babaeng aking sinisinta. Kamusta? kanina ka pa tahimik. Nag seselos ka ba kay Nasher?" anya.. H-ha? h-hindi ah! Bakit naman ako magseselos! aber? pagmamaang-mangan ko. "Fine! at wala ka talagang dapat ikaselos, dahil magkaibigan lamang kami." wika nito.. May kaibigan bang ganon makatingin, bulong ko.. "Ano, Ken may sinasabi ka ba? 'di ko maintindihan, bakit mo kasi binubulong pa." sambit nito sabay pisil ng ilong ko at takbo.. H-ha! wala kaya.., arayy!! masakit 'yon ah! hinabol ko siya. Hanggang sa mabutan ko siya at niyakap ko.. Don't move, bulong ko sa punong tainga niya. Dinig na dinig ko ang lakas ng kabog ng dibdib nito. Pero ayaw ko muna siyang bitawan. "Ken, baka makita tayo nila mommy. Magagalit 'yon." saway nito sa'kin.. Please! kahit saglit lang, natatakot kasi ako.. "Hmmm! saan? At bakit?" sunod sunod na tanong nito.. Ahmm! pag nagsawa ka, napagod ka at higit sa lahat ayaw muna. Sa wakas nasabi ko rin. Bigla naman itong kumalas ng yakap sa'kin at pumunta sa harapan ko. Nakipag sukatan ito ng tingin sa'kin, sabay sabing.. "Hindi ako magsasawa, hindi ako mapapagod at mas laling 'di ako aayaw sa taong nag papasaya sa'kin." madamdaming wika nito at ramdam kong galing 'yon sa puso niya. T-talaga ba? Paano kong 'di na kita napapasaya? Matagak siyang sumagot at baka nag-isip isip pa.. Ginulo niya ang buhok ko sabay sabing.. "Hinding hindi mangyayari 'yon. Hanggang kaya mo pa, dito lang ako sa tabi mo.. At hinding hindi ako lalayo.. Siguro kasi napapamahal ka na sa'kin at mahalaga ka." mahabang lintanya nito. Gusto kong kiligin ng sobra ng oras na 'yon, nang marinig ko mula sakanya na mahal rin niya ako. Kahit naman ang mga lalaki ay kinikilig rin, baka akala niyo babae lang.. "Tara Ken sa labas, mag star gazing tayo?" yaya nito.. Ako naman ay sunod-sunuran lamang sakanya ng hawakan nito ang kamay ko at hilahin ako palabas.. "Ang ganda Ken, tingan mo oh!." wika nito sabay turo ng mga bituin. Sobrang namangha ako sa ganda at kinang ng mga butuin na nagliliwanag sa kalangitan.. Napatingin ako sa dako niya at kitang kita ko ang ngiti niya, kaya nasabi ko na lang na ang ganda, sobrang ganda.. "Talaga ba?" wika nito sabay hampas sa'kin.. Nahuli niya kasi akong sakanya nakatingin at hindi sa mga stars.. "Ewan ko sa'yo Ken, 'di ka naman nakatingin sa mga stars." yamot na wika nito.. Ang ganda kaya, lalo na ang view kanina.. Nakita ko namang yumuko ito at tila nahiya sa mga sinabi ko.. "Hmmm! bakit ka ba sa'kin nakatinging huh!." prangkang tanong nito.. H-ha! sa star kaya ako nakatingin.., patay malisya kong sambit sabay tingin sa kalangitan.. "Oo, maganda talaga sila. Alam mo ba ang mga pangalan nila?" tanong nito sa'kin.. "H-ha! Hindi e' , hindi ako mahilig sa mga Science subject, tinutulugan ko lang 'yan... "Ken, hayon si Sirius, Canapos--- Madami pa siyang pinagsasabi pero pawang hindi ko iniintindi, focus ako sa ganda ng aking nakikita.. Yen is pretty, smart and talented idagdag mo pa ang kabutihan ng kaniyang loob.. "Ken, kilala mo na sila.." tanong nito.. H-ha! e' , sabay kamot ko ng ulo. Nakalimutan ko na kasi sa sobrang dami.. "Anoo? kainis ka naman Ken, sa dami kong dinaldal dito wala kang natandaan kahit isa." nagtatampong himig nito.. E' kasi iba ang nakikita kong maganda. Lalo kapag nakangiti siya.. "Ha? ano stars ngumingiti." naguguluhang tanong nito.. I'm not referring a stars. I mean ikaw ang magandang nakikita ng mga mata ko.. "Eee' puro ka naman kalokohan Ken." sabay hampas nito sa'kin.. Medyo lumalalim na ang gabi. Tara na Yen baka magkasakit ka pa. "Sige Ken." anyaa.. Sabay na kami naglakad at siniguro ko munang nakapasok na ito sa loob bago, ako tumalikod at tumungo ng kabilang bahay.. Have a wonderful night, usal ko at pasipol sipol pang naglalakad hanggang sa makapasok ako sa kabilang bahay..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD