Araw ng Biyernes. Kinabukasan na ang Sta. Cruzan, ready na ang susuotin ni Yen, ngunit 'di siya masiya. Alam naman ng puso niya kong sino ang gusto niyang maging eskorte ng gabing 'yon. Dala pa ng pagka miss niya rito, dahil ilang araw ring 'di ito nagpaparamdam sakanya.
Matamlay na bumaba si Yen nang mapansin ito ng kaniyang mommy.
"Anak, may problema ka ba?" tanong nito habang nag wawalis ng sala.
W-wala naman po mommy, may mga nakalimutan lang po akong gawin.
"Ok, nga pala anak. Dumating na ang gown mo para bukas. Excite ka na ba? Si Nasher ang magiging eskorte mo." nakangiting wika nito.
Ah! ok po mom, walang ganang sagot nito. Sa garden po muna ako mom. Pagpapaalam niya rito at lumabas na nga siya ng pintuan. Diretso siya sa kanilang garden na maraming bulaklak. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nag record ng sayaw sa tikitoe. Sa pag sasayaw nalilimutan ni Yen ang lungkot. Mga ilang oras lang nang ma upload niya ito naka received siya ng heart emoji galing kay Nash.
Si Nash ang kalapit bayan nila Yen na anak ng mayor, na vocal sa paghanga niya sa dalaga. Taon taon na lang ito ang eskorte niya at ngayong gusto niya maiba naman.
Lingid sa kalaaman ni Yen nakamasid ang kaniyang mommy, at nakikita nito kong gaano kalungkot ang kanyang dalaga. Alam naman niya kong bakit ito matamlay at malungkot. Actually isa siya sa dahilan kong bakit hindi nagpaparamdam si Ken muna rito.
Napag- usapan nila bago umalis si Ken na siya nga ang magiging eskorte nito at subukang hindi pansinin ito ng ilang araw para matuwa ang kanyang dalaga at makita kong anong reactions nito.
Sa tahanan nila Ken, kababa niya lang ng cellphone at katatapos niya lang makausap ang mommy ni Yen. Nasabi nito na ready na ang lahat at siya na lamang ang inaantay. Napapangiti si Ken ng mga oras na 'yon dahil gusto niyang makita ang reactions ni Yen sa oras ng malaman nito na siya ang eskorte nito. Tamang tama na half day lang ang class ni Ken kaya maaga siyang nakauwe ng kanilang bahay galing school at ibinilin niya muna ang kaniyang lola sa kanilang kapit bahay bago siya nag byahe sa bahay nila Yen. Nag text lang siya sa mommy nito na on the way na siya at pinatay niya rin kaagad para hindi masira ang plano nilang isorpresa si Yen.
Masayang masaya si Ken habang nasa byahe at nakikinig pa ito ng music.
Kinahapunan nasa room si Yen katatapos lang niyang gumawa ng assignment niya. Nang maisipan niyang sumilip ng bintana. Narerelax siya kapag nakakalanghap ng sariwang hangin. Sumimangot naman siya ng makita kong sino ang paparating. It's Nash, excited lang siya naman magiging eskorte ko bukas, usal ko.. Bumalik na lang ako ng room, dahil ayoko muna siyang makausap.
Nagising ako pasado alas- siyete ng gabi ng marinig ko ang busina ng kotse ni dad. Tinatamad man napabangon na ako at sumilip sa terrace. Tama ba ang nakikita ko nandito si Ken, kinusot kusot ko ang aking mga mata pag tingin ko wala naman. Bigla na naman ako nalungkot haixt. Ganon ko na ba talaga ka miss ito, at kong saan saan ko na lamang siya nakikita. Bumalik na lang ako ng room ko at naidlip ulit. Gusto ko na lang magtulog ng matulog at sa kinabukasan na ako magising kong pwede lang. Ayaw ko talagang sumali ng Sta. Cruzan kong siya pa din ang eskorte ko.
Narinig ko ang katok ni dad. Agad ko naman itong binuksan. Nag mano ako rito at kinamusta siya.
Hi, dad! sino kasama mo kanina, usisa ko.
"Ha! wala ako lang. Bakit anak?" sambit nito.
Ahmmm wala po dad. Napayuko ako sabi na nga hindi si Ken ang nakita ko. Dad, si Nash pa rin ba ang eskorte ko bukas? "Oo anak, alam mo naman si mayor, hindi namin matanggihan ng mommy mo. Sana maintindihan mo anak." anya..
Ok, po dad. "Oh sya anak, bumaba ka na at kanina pa nag- aantay ang mommy mo sa baba. Sumunod ka na sa'kin pagpapaalam nito. Sumunod na rin ako kay dad.
Hi, mom sabay kiss ko rito at naupo na ako.
"Pumunta pala si Nash dito," wika nito habang nag babalat ng hipon.
Ano po sabi, wala kong kagana ganang tanong..
"Wala naman nagsabi lang na maaga ka niyang susunduin." anya.
Ok, po mom. Tapos na po akong kumain mauuna na po ako. Sabay talikod at panhik sa itaas.
Balik na muli akong room ko, binilisan ko lang talaga ang pagkain, dahil ayaw ko ng pag usapan ang ibang tao. Lalo kong ito lang naman.
Kinagabihan muli na naman akong pumunta ng terrace at gusto kong maka kita ng stars ngayon kaso mukhang malabo dahil makulimlim mag hapon.
Napatingin ako sa gawing kwarto ng aming kabilang bahay. May ilaw, nagtataka ako bakit magkakaroon ng ilaw roon, gayong walang tao don. Pinikit ko ang mga mata ko at sinubukang idilat naka-off na ang ilaw dito ngayon.
Ano ba yan, Yen kong ano ano na naman nakikita mo, hiya ng isip ko.
Bumalik na akong kwarto at dahan dahang ipinikit ang aking mga mata.
Kinabukasan mas lalong maingay ang gumising sa'akin. Hudyat na ngayon na talaga ang araw ng pyesta. Bumangon na ako dahil 'di na rin naman ako makakatulog pa sa ingay ng banda. Nag suklay ako at nagpalit ng pang bahay na damit, kumuha ako ng malaking shirt at short, sabay baba na ng hagdan.
Naabutan ko namang abalang abala ang magulang ko sa pag hahanda, nandito rin ang mga kamag-anakan namin. Binati ko sila ng isa-isa at nagmano naman ako kanila tita, tito, maging kanila lolo at lola. Kahit papaano nabawasan ang lungkot, dahil nandito sila lalo na ang mga pinsanin ko na minsan ko lamang makita.
"Dalaga ka na Yenna, may boyfriend ka ba?" tanong ni tita Mhaia. Nalunok ko naman ng buo ang tinapay na nakagat ko kani-kanina lang at napaubo ako ng walang tigil.
"Ay! nako ikaw Mhaia tigil tigilan mo nga yang anak ko, bata pa yan para magka boyfriend." saway ni mommy. Ako naman ay natatawa na lamang, dahil alam ko naman pag ganyan 'di mapinta ang mukha ni mommy.
Tara, aya ko sa mga pinsan ko at naglibot kami sa labas. Kabila-kabila ang nakikita naming mga banderitas at nga disensyo sa bawat bahay. Nakakaaliw din ang mga ilaw na iba't-ibang kulay. Sa sobrang paglilibot ay 'di namin namalayan ang oras. Kaya bumalik na rin kami agad, dahil magdadapit hapon na at kailangan ko ng mag-ayos para sa Sta. Cruzan. Muli na naman akong nalungkot.
Maagang dumating ang make-up artist para ayusan ako. Mga ilang oras din ang tinagal ng pag me make-up sa'kin, napatingin ako sa salamin at halos 'di ko makilala ang sarili ko. Ako ba talaga ito? usal ko..
Kitang kita ko naman ang paghanga ng mga pinsan ko sa'kin.
"Ang ganda mo Yenna." sabay sabay nilang sabi. Siguradong matutuwa ang eskorte mo mamayang gabi..
"Ate Yenna, si Kuya Nasher ba ulit?" tanong nito..
Uhmmm! oo, sino pa nga ba, wala namang bago pa roon.
"Oh! siya, huwag niyo ng ginugulo ang ate Yen mo, halika dito Sophy." anya..
Naiwan naman akong mag-isa sa sala at pumanhik na rin sa itaas para mag bihis dahil malapit na ang ala-siyete at magsisimula na ang parade.
Sa kabilang bahay naman, abalang abala na rin si Ken sa pag-aayos. Lumipat dito ang stylish na kaninang nag-ayos kay Yen.
"Ang gwapo mo naman iho," wika nito. Tiyak kong bagay kayo ni Yen, dagdag pa nito.
"Salamat po." anya..
Mga ilang minuto lamang ay tapos na ang make-over dito. Napatingin naman siya sa repleksyon niya sa salamin, halos 'di ito makapaniwala na ang gwapo niya. Inaantay lang ni Ken na dumating ang mommy ni Yen at bigyan siya ng go- signal.
Trienta minutos na ang nakakalipas ng bumukas ang pintuan, dumating na ang mommy ni Yen. At binilinan na siyang mag ready dahil palabas na rin si Yen.
Inip na inip man ay wala siyang magawa dahil unting oras na lamang ay magkakasama na ulit sila.. Maya-maya pa ay naka received ng go-signal si Ken, sinipat niya muna muli ang sarili bago tuluyang lumabas.
Nag-aabang siya sa labas at nakatalikod sa pintuang lalabasan ni Yen..
Samantalang si Yen ay pababa na rin ng hagdan suot na nito ang long gown na pinasadya pang ipatahi ng kaniyang mommy. Inalalayan siya nito hanggang labas. Nakita naman niya ang eskorte niyang nakatalikod. Bigla na naman siyang nalungkot, bawat hakbang ng mga paa niya ay pabigat ng pabigat. Hanggang ilang dipa na lang ang layo niya rito nang bigla itong humarap..
Ken, usal niya..
Na freeze naman si Yen, nang sandaling 'yon, hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya ito, pumikit pikit muna siya ng ilang beses baka namamalikmata na naman siya. Ngunit totoo ngang nandito siya. Inabot nito ang bulaklak na dala-dala niya. Sumilay naman ang ngiti sa'king mga labi.
"Tara na, sabi nito at umabrisete na sa'kin.
Mommy, usal ko.. Napangiti naman si mommy at daddy ng makitang masaya ako. Sabay na kaming naglakad ni Ken, at nakisabay sa mga nagpaparada. Masayang masaya ako ng gabing 'yon.
Ken, tawag ko rito. "Yes?" Hmmm paapanong nandito ka? nagtataka kasi talaga ako paano. "Si tita, bago kasi ako umalis sinabihan niya na ako, and the rest is history. Pasipol sipol pa ito, at napapasulyap sa'kin.
"Ang ganda mo Yen," wika nito. Ikaw rin naman ang gwapo mo, balik kong papuri rito. Salamat Ken, nakarating ka masayang masaya ako.
"No problem, mas masayang masaya ako bebe girl." sambit nito kasabay ng pag pisil nito sa kamay.
Matapos ang parada napagod kami at naupo sandali. Maya-maya pa nag simula na ang sayawan, marami ng tao sa dance floor ngunit masakit pa ang mga paa ni Yen kaya nanatili lamang silang nakaupo.
"Yen, tawag nito. Pwede ba kitang maisayaw?" wika nito.. Inaabot naman nito ang kanyang kamay at dinala siya nito sa dance floor. Magkasayaw ang dalawa sa romantikong musika. Gusto kitang isayaw nang mabagal, mula sa magaling na mang-aawit. Naka ilang music pa bago nila naisipang bumalik ng upuan.
"Yen, masaya ka ba?" tanong nito. Ngiti lamang nag naisagot ni Yen sa tanong nito.
Lumalalim na ang gabi at marami na ring nagsi uwian. Sila ay nanatiling magkasama. Tahimik ang paligid ng biglang nagsalita si Ken..
"Yen, may pag-asa ba?" wika nito.
Ha? pag-asa na ano? patay malisyang wika nito..
"Ahhm! wala, kalimutan muna ang sinabi ko.." anya..
Ok..
"Tara na Yen, kailangan na kitang ihatid sainyo, masyado ng gabi baka magpalit ka na ng anyo." pabirong sabi nito..
Anoo? anong tingin mo sa'kin aswang? nag-iiba ng anyo pag sapit ng gabi. Sabay hampas nito kay Ken.. Natawa na lamang si Ken sa ginawa nito..
"Hindi kasi ga'non. Ang ibig kong sabihin katulad ni Cinderella, diba pag sapit ng alas-dose bumalik sa dati ang lahat." mahabang lintanya nito..
Ay! ewan ko sayo Ken, puro ka naman biro. Tara na, baka lumabas ang tigre kapag 'di mo pa ako mahatid ng bahay.
Nagkatawanang sabay ang dalawa.. "Oo nga pala, magagalit si Tita." nag-aalalang wika nito.
Oo, kong ayaw mong lumabas ang alter nong tigre, pananakot ni Yen.
"Halaa! 'di nga, nagiging tigre si tita kapag sapit ng gabi." wika nito na mukhang naniniwala.
Sira! hindi ah! binibiro lang kita. I mean nagagalit 'yon na parang tigre, sabay tawa nito.
"Ah! ganon ba bilisan na nga natin ang lakad." wika nito sabay hila sa'kin.
Ayyy! sandali lang Ken, nakakaloka ka alam mong naka heels ay gown ako kong makahila ka naman.
"Hala, sorry nawala sa isip ko." anya..
Dahan dahan silang naglalakad habang magkahawak ang mga kamay sa ilalim ng buwan.
Napatigil sila at napatingala sa kalangitan. Ang ganda ng langit ano, Ken. Ang daming stars. "Oo nga, ilan kaya yan, mabibilang kaya natin." sang ayon na wika nito.
Ano ka ba ! ang dami niyan paano natin yan mabibilang, tawang tawang sabi ni Yen..
"Sige tawa pa, halikan kita diyan." sambit nito..
Napatigil naman sa pag tawa si Yen, sa takot na totohanin nito ang sinabi.
"Biro lang, pagalitan ako ni tita. Saka na yan, pag legal age na tayo. Pero ito pwede." wika nito sabay halik sa noo nito..
Natigil naman si Yen sa ginawa nito. Parang may libo-libong boltaheng kuryente ang naramdaman niya. This is the second time na hinalikan siya sa noo ni Ken.
"Bakit? galit ka ba?" tanong nito ng mapansin na natahimik bigla ang kasama.
Ha? wala naman. Nagulat lang ako. Bilisan na nga natin at nang makauwe na tayo.