Chapter 17- Mis-understanding

2688 Words
Naririnig kong pinapayuhan ni mommy si Ken. Natigil naman ang kanilang madamdaming pag-uusap ng mapansin ni mommy na pababa ako ng hagdan. "Yong bilin ko Ken, pagkatandaan mo sana." wika ni mommy. Nagtataka man ako kong ano ang kanilang naging usapan, ngunit hindi ko na lang ito ipinahalata muna. "Makakaasa po kayo tita, maraming salamat po." wika ni Ken. Sabay tingin naman sa'kin. "Tara na, baka gabihin na tayo sa byahe. " pag aaya ni mommy, sabay lakad palabas kasabay si daddy at kami namang dalawa ay sumunod na rin. Sa buong byahe ay 'di ko na naman maiwasang malungkot. Napansin yata nito ang maka ilang ulit kong buntong hininga. "Ayos ka lang ba Yen?" tanong nito sa'kin. Oo, naman ayos lang ako. May mga ilang bagay lamang ang gumugulo ng isipan ko. Huwag muna akong intindihin maayos lang talaga ako, sabay lingon ko sa labas ng bintana. "Sige." wika nito, sabay hawi ng buhok ko na nagulo dahil sa bukas na bintana ng kotse, ramdam ko ang init at lamig ng hangin ng araw na 'yon. Kasabay nang kalungkutang nadarama ko. Pasado alas onse na kaya naisipan muna nila mommy na mag stop over kami. Kumain kami sa isang fast food, masarap naman ang naka hain ngunit 'di ko maintindihan ang sarili ko kong bakit wala akong gana. Sinalat ko naman ang aking noo, katamtaman lamang naman ang temperatura nito. Buti pa sila maganang kumain, napansin naman ni dad na parang 'di nababawasan ang pagkain ko. "Ok ka lang ba anak? 'di mo ba nagustuhan ang pagkain?" tanong ni dad. Gusto ko po dad, wika ko sabay ngiti rito. Mga ilang saglit lang ng kuhain ni Ken ang kutsara at lagyan ng pagkain ito. Alam ko na ang gusto nitong mang-yari, susubuan niya ako. Kitang kita ko naman ang pag laki ng eyeball ni mom. Hindi ko tuloy alam kong bubuksan ko ba ang bibig ko o hindi. Napagawi ako ng tingin sa ibang direksyon at sa huli naibuka ko ang bibig ko kayo nasubuan ako nito. Naka ilang subo pa ito, nang awatin ko na dahil feeling ko bloated na ako. "Busog ka na ba? tanong nito, na hawak pa rin ang kutsara ko na may laman na namang pagkain. Oo, naman busog na ako. Salamat Ken. "Sobrang busog yan, subuan mo ba naman." pang-aasar ni mommy. Mommy, ayan na lang ang nasambit ko, ayoko na mag salita pa, baka maasar pa ito lalo. Balik na kami sa kotse at binaybay na ang kahabaan ng highway, mga dalawang oras lang nakarating na kami ng terminal. Naunang lumabas sa'kin si Ken, para kunin ang gamit nito sa likod ng compartment ay sumunod na rin ako dahil inayos ko pa ang nagusto kong dress. "Paalam Yen," sambit ni Ken sabay yakap sa'kin ng mahigpit at bumulong ng mahina na, i love you Yen. 'Di na ako sumagot at baka marinig pa kami ni mommy. Ang masasabi ko lang na kahit wala pang label saamin ay meron kaming pagkakaintindihang dalawa na tanging kami lang ang nakakaalam nito. Kumalas na ng yakap sa'kin ito at nag lakad at muling humarap sa direksyon ko at nag wave bago pumasok ng bus. Out of nowhere bigla na lamang pumatak ang luha ko, at mabilis ko rin itong pinunasan baka makita pa nila mom at dad. Sa byahe tahimik lamang ako at nagsasalita. Nang mag usisa si mommy. "Yen, magsabi na nga ng totoo. Kayo na ba ni Ken? sinuway mo ba ang bilin namin." sunod sunod na tanong ni mommy. At napapalunok na lang ako ng laway sa kaba. Ahmmm! 'di po mommy, magkaibigan la rin kami. Don't worry po alam ko naman po ang limitasyon ko mom. "Mabuti ng maliwanag anak, hindi naman kami magbabawal ng dad mo, ang amin lang mag tapos ka muna ng pag-aaral mo/nyo kung sakaling kayo nga sa huli atlis mapapanatag akong maayos ang buhay nyo."anya. Isang ngiti na lamang ang tinugon ko sa mga sinabi nito, dahil totoo naman talaga ang mga bilin ni mommy. Nang makarating kaming bahay agad akong pumanhik at nagpahinga. Kinagabihan sobrang sakit ng ulo ko na parang binibiyak. Napapa iyak na lang ako sa tindi ng sakit na nararamdaman ko. Kinapa ko ang drawer na malapit sa higaan ko at naka kita ako ng gamot rito. Mga ilang saglit lamang ng mainom ko ito bigla na lang gumaan ang aking pakiradam. Hinila na ako ng antok at nakatulog ng mahimbing. Kinagabihan nakarinig ako ng ringtone na nagmumula sa cellphone ko. Ken is calling. Sinagot ko naman ito at bumungad sa'kin ang mukha nitong nakangiti. "Hi Yen, gandang gabi nagising ko ba ang bebe girl ko?" tanong nito.. Ahmmm! 'di naman, napatawag ka yata. May kailangan ka ba? tanong ko rito. "Wala naman, na miss lang kita masama ba?" anya.. Eeeeh! impit na kilig ang aking nadarama ng sandaling 'yon. 'Di naman, late na kasi huwag mo sabihing wala ka na namang pasok. "Meron naman, tumawag lang ako para mangamusta at mag good night sa'yo." wika nito sabay off na ng tawag. Napahawak na lang ako sa dibdib ko na ang lakas ng kabog. Bumaba ako para kumain, wala pa sila mom at dad, baka nasa office pa. Pag sipat ko ng orasan sa wall clock alas- syete na ng gabi. Kumuha lang ako nv food sa ref at ininit ito, dinala ko ang pagkain sa sala at doon ko naisipang kumain kasabay nang panunuod ko ng movie. Maya-maya lang naririnig ko na ang busina ng sasakyan nila mommy, kaya't nagmamadali akong lumabas para pag buksan sila ng gate. Bumalik na ako sa loob at nanuod muli, at ipinagpatuloy ang pagkain ng baked mac. "Yen, tawag nila mom at dad sa'kin. Po mom at dad. Napabalikwas naman ako ng tayo at lumapit sakanila. Kinuha ko kay dad ang dala dala niyang documents at ipinatong sa ibabaw ng drawer. Mom at dad, kumain na po ba kayo ng dinner? tanong ko. Ngumiti naman ito sa'kin at nagpaalam na aakyat na. Napagod siguro sila sa work, ipinagpatuloy ko muli ang aking pinapanuod na kong saan ay nakakarelate ako ng sobra. Nang matapos ko itong panuodin, napabuntong hininga ako at napa isip kung aabot ba kami sa ganong stage ni Ken. Pag sipat ko sa wall clock pasado alas- otso na pala, kaya in-off ko na ang t.v at pumanhik na ako sa itaas. Kinabukasan nakarinig ako ng ingay na nagmumula sa labas fiesta nga pala sa'amin ngayon. Magkakaroon ng Reyna Elena para sa darating na Sabado. Bagamat madalas akong kinukuha ng aming distrito, nalulungkot ako kong hindi si Ken ang magiging eskorte ko. Sayang lamang umuwe na si ken, usal ko. Lingid sa kaalaman ni Yen na may surpresang nag-aantay sakanya sa Sabado. Kumain na ako ng breakfast, kasabay sila mom at dad, binilisan ko lang ang pagkain at naligo na rin ako kaagad. Ilang minuto lang paalis na kami ni dad. Bye, mom sabay kiss ko rito.. "Mag-iingat ka anak." bilin ni mommy. Yes my, I will sabay wave ko dito at pumasok na rin ako sa loob ng kotse. Mga dalawang oras ang byahe papuntang school ko, kay para 'di aki mabugnot kinuha ko ang cellphone ko at nag chat kay Joylyn. Sakto naman dumaan sa'kin ang myday nito. Akalain mo nga naman, sila na pala ni Mark. Sabagay pareho naman nilang gusto ang isa't-isa, bakit pa ba nila pahihirapan ang mga sarili nila. Nakarating kami ng school ng matiwasay, mabilis akong bumaba ng kotse at nagpaalam kay dad. Kitang kita ko naman si Joylyn at ang abot langit na ngiti nito, kulang na lang lumabas na at mapunit. Ikaw ha, hila ko sa buhok nito, kasunod na sabi ang haba ng hair mo, anong shampoo mo. "Aray ha! 'di naman sakto lang, wala pa nga akong ligo." pagpapatawa nito. Kahit kailan talaga may pagka loka loka 'to. Tara na nga puro ka naman biro, bilisan natin baka magalit na si Ma'am Carolina, ang english subject teacher nila. Lakad at takbo ang ginawa ng magkaibigan para lang makaabot sila, pasalamat na lang sila na hindi pa ito nag -a- attendance at lumabas daw saglit sabi ng kamag-aral nilang si Mico. Salamat Mico, sabay upo ko sa chair ko. Tamang tama lang na nakaupo na kami nang biglang pasok ni Ma'am Carolina. . "Good morning class." bati nito saamin. "Good morning ma'am." sabay sabay naming bati. "Have a seat. Andrade, tawag nito sa surname ko. Present po ma'am, wika ko. Nang matapos itong mag roll call. Nag simula na itong mag discuss, pero wala dito ang atensyon ko. Lumilipad ang isip ko, kaya nag excuse ako para pumunta ng comfort room. Nag wash ako ng face at naka ilang buntong hininga ang nagawa ko para ma relax ako. Bumalik na ako sa classroom. Bigla naman akong siniko ni Joylyn, tinatanong nito kong saan ba ako pumunta. Napaka maritess talaga.. On the other hand pinatawag naman si Ken sa principal office, gawa ng na trouble siya sa schoolmate nila. Pinipilit ng lalaki na nag tatagpo pa din sila ng girlfriend nito, kaya nakipag- break ito dito. Nasa loob sila ng principal office at kasalukuyang kinakausap ni Dr. Ara Minarez ang principal ng school nila. "Ano ba talagang nangyari at sino ang nauna." wika nito. "Siya sabay turo nila sa isa't-isa." "Sandali, naguguluhan ako sainyo. Mauna ka nang magpaliwanag Kennedy Madrid, you are running to be a class Valedictorian then your making up a trouble." anya. "Ganito po kasi 'yon Dr. naglalakad po ako sa hallway ng bigla niya akong suntukin po." wika nito. "Sinungaling ka, alam mong ginawa ko 'yon, dahil inaahas mo ang girlfriend ko." sambit nito. "Is that true Kennedy?" tanong nito, hindi po Dr. ex-girlfriend ko na po 'yon, at bakit ko pa babalikan. At may iba na po akong nagugustuhan, dagdag pa nito.. "Buweno, ipapatawag ko ang babaeng pinag simulan nitong gulo." anya. Sabay pasok ni Mika at upo sa tabi ni Mc Blaze. "Mika, maupo ka ano bang totoo. Magpaliwanag ka." anya. "Dr, totoo po na wala na kami ni Kennedy, talagang seloso lang 'tong boyfriend ko pasensya na po." wika nito at hingi ng pasensya sa gulong nangyari. "Salamat, Mika at ikaw Mc Blaze ipapatawag ko ang magulang mo. Kennedy maari ka ng bumalik sa room mo." anya.. "Salamat po Dr. Mauuna na po ako." wika nito na naka ngiti. Paglabas ni Ken kinuha niya ang cellphone nito sa bulsa at sibukang ipa- ring ang cellphone ni Yen. Ngunit hindi ito sumasagot kaya itinago niya na lang muli ito. Bumalik na siya sa room at nakinig ng leksyon. Mabilis na natapos ang oras malapit na mag uwian ng mag ring ang cellphone nito. Yen's calling agad namaa niya itong sinagot.. "Napatawag ka bebe girl, na miss mo ba ako?" tanong nito.. 'Eeee, medyo sabay tawa. "Kamusta naman ang araw mo?" wika nito. "Ayos naman, ikaw ba?" balik na tanong nito. "Ako, ayon katatapos lang ng class ko ilang subjects na lang naabutan ko." anya. "At bakit, nag cutting class ka hmmm.. "Hindi no, nasa principal office ako. Kinausap kami ni Dr. pero ayos naman na." "Hmmm bakit ka napatawag nag cutting class ka talaga Kennedy Madrid?" sambit nito at rinig sa boses na inis, dahil full name na ang nabanggit. "Mrs. Madrid, ay este bebe girl hindi nga ako nag cutting class. Napa trouble ako--- hindi ko na natapos ang sasabihin ko biglang nag end ang call. Pinatay niya yata ako.. Samantalang inis na inis si Yen dahil biglang naloabat ang cellphone niya kaya naitago na lang niya ito sa bag niya at lumabas na ng room dahil nandyan na ang mommy niya. Ito ang sumundo sa kanya ngayon dahil nasa site ang daddy niya, architect kasi ito at madami dami na ring na iguhit ang kanyang ama in and outside the country. Kilala ito sa isa sa pinamahusay na architecture. "Hi mom, bati nito sabay kiss. "Mabuti naman anak, tara na at bala gabihin pa tayo.. Pumason na nga ako sa loob ng kotse at nag simula ng mag drive si mommy. Mag da-drive thru pala kami dahil mahigit two hours ang layo ng bahay ko sa school namin. 'Di naman ako mareklamo dahil dito gusto nilang mag-aral ako, dahil dito rin nag tapos ang mga magulang niya. At medyo pressure ng kaunti dahil may karangalan ang mga ito at kilala ng mga teacher. Dis-advantage rin kasi akala ng iba porke't ganun na kilala ang magulang niya kaya nasasabihan siyang teachers pet. Mabait na bata lang talaga si Yen at pinalaki ng magulang ng punong puno ng pangaral at pagmamahal. "Wait lang anak, mag-order lang ako ano bang gusto mong kainin?" tanong nito sabay bukas ng bintana ng kotse. Kahit ano po my, kayo na pong bahala. Sabay suot ko ng headset at nakinig ng music sa ipad ko. Maya-maya lang inabot na sa'kin ni mommy may fries at burger kasama na ang ice tea. Salamat po mom at sinimulan ko ng kumain habang patuloy na nakikinig ng music. Samantalang hanggang bahay ay napapaisip si Ken kong nagalit nga ba si Yen sakanya, kanina pa siya natawag pero operator ang nasagot. Lumabas muna siya ang nagpahangin nakita naman siya ni Aling Loida at nag tanong. "Kennedy, tawag nito. Sabay lapit naman ito sakanya. Bakit po?" tanong nito. "Wala lang bali-balita dito nag asawa ka na daw." wika ng maritess na si Aling Loida. "Ho? saan nyo po nalaman yan? hindi po, nagkikita lang kami ng kaibigan ko sa karatig bayan." anya. Ganoon ba, sabi sabi kasi dito, oh! siya maiwan na kita mag sasaing pa ako ng aming hapunan. Sige po, tipid niyang reply. Talaga namang mga tsimosang tunay ang mga kapit-bahay niya. Bumalik na siya sa may beranda ng kanilang bahay, naupo siya at nilalanghap ang sariwang hangin. Hanggang sa nakita niyang humahangos ng takbo papalit sakanya ang kagawad nila. "Kennedy, tawag nito sa pangalan niya. "Po? Kagawad Katarina? ano ho ang mapag lilingkod ko sainyo?" wika nito. "Ang lola mo, nahimatay.. "Ho, gulat na gulat ng marinig ang balita. Nasaan po ang lola ko," dagdag na tanong nito. "Nasa clinic siya at nagpapahinga." anya. "Tara na po, pag yaya niya dito. Sabay na silang naglakad at sumakay sa mobile patrol. Mabilis namang pinaandar ito ni kagawad at nakarating sila sa Sta. Catalina Clinic. Agad naman niyakap ni Ken ang nahihimbing na natutulog na lola. "Lola, naririto na po ako." usal niya.. Mag damag na binantayan ni Ken ang pi nakamamahal niyang lola. Sa bahay naman ng mga Andrade tamang tama lang na kararating lamang nila Yen at ang mommy niya. Naka ilang ulit siyang tingin sa cellphone niya kong nag messages ba si Ken sakanya, ngunit kahit isa ay wala. Nalulungkot man pumanhik na siya sa itaas para mag palit ng uniporme. Alas- nuebe na nang hating gabi ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Yen. Kaya nakinig muna siya ng music hanggang sa dalawin rin siya ng antok at nakatulog. Kinabukasan naalimpungatan si Ken sa haplos ng kanyang lola. Napabalikwas siya ng bangon at pa pungas pungas pa. "Lola," maluha luhang wika nito. "Ayos na ako apo, napagod lang siguro ako kahapon." anya. "Huwag ka po muna pumuntang farm lola, hindi na lamang muna ako papasok. Mag papaalam ako sa teacher ko." wika nito na nag-aalala. "Hindi na apo, kaya ko naman. Pumasok ka na, mamaya naman uuwe na rin ako, kasama ko naman si kagawad. Huwag ka na mag-alala apo. Sige na baka mahuli ka pa." dagdag pang sabi nito.. "Pero lola, ayoko pong iwan ka dito." wika nito na nag mamatigas. "Apo, huwag ng matigas ang ulo. Sige na anong oras na mahuhuli ka pa sa klase mo." anya. Wala namang nagawa si Ken kaya sumunod na lamang sa bilin ng kaniyang lola. Ayaw naman niyang magalit ito lalo kailangan nitong magpahinga ng sapat. Umalis si Ken at bumalik ng bahay. Pag check niya ng cellphone wala ni isang messages na galing kay Yen. Galing ito sa ina niya na ngangamusta sa kanyang lola. Nireplyan niya lamang ito ng maayos na ang lola at huwag ng mag-alala. May tampo pa rin kasi siya dito dahil hindi ito nakauwe ng pasko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD