Chapter 13- It's fine weather

1639 Words
KEN Aga aga ang ingay ng tilaok ng manok ang nag pagising sa'king diwa. Bumangon na ako at nag inat inat ng katawan sabay labas na rin. Magandang umaga po lola, bati ko rito. "Magandang umaga rin naman sayo apo halina't kumain na tayo habang mainit pa ang sinangag." ganting bati ni lola, sabay ng pag-aya nito sa'kin para kumain. Masaya naman kaming kumain ng mag-kasama. Hanggang sa pinaligo na ako nito dahil nga pupunta kami ng bayan at bibili ng bagong cellphone. Mabilis naman akong naligo at nagbihis, ready na po ako lola sabi ko. "Sige apo, ako naman ang maliligo." sambit nito. Sabay dire diretso sa banyo. Maya-maya pa lumabas na ito na bihis na. Kinuha nito ang suklay at sinuklay ang kaniyang buhok. "Tara na apo, baka abutin tayo ng tanghali, masyado ng mainit sa bayan mamaya." wika ni lola. Opo, lola at inalalayan ko na siya palabas ng bahay. Isinarado ko ang pintuan ng aming muntinh bahay. Nag lakad kami at nag abang ng sikad sikad. Agad naman kaming pinaraha ni Mang Tolits. Isa sa aming ka nayon. Inalalayan ko naman si lola sa pagsakay at sumunod na rin ako. Habang nasa byahe kami, hindi na ako mapalagay, dahil isang araw kong 'di nakausap si Yen at aminado akong namimiss ko na rin siya. Mga tatlong oras nag tinagal ng byahe namin hanggang makarating kaming bayan. Sakto 10:00 a.m na, nag abot ng bayad si lola at nauna naman akong bumaba at muli kong inaalalayan si lola, dahil medyo mahina na ang tuhod nito. Nag lakad lakad kami at pumasok sa mga cellular shop. Namangha naman ako sa mga nakita ko, ang dami kasing magagandandang model ng cellphone. Nilapitan naman kami ng isang staff at nag tanong kong anong gusto naming bilihin. "Ano, ang latest phone niyo rito." tanong ni lola. "Here po maam." sabay pakita nito saamin. "Gusto mo ba yan apo?" tanong ni lola sa'kin at nagbibilang ng pera nito. Opo, lola pero ang mahal naman nito. "Okay lang apo basta para sayo." wika ni lola sabay tapik sa balikat ko. Inabot naman sa'kin ng staff ang latest model ng napili ni lola. Excited akong tingnan ang mga specs nito. Nag text agad ako kay Yen, buti na lang memoryado ko ang cellphone number nito. Wala naman akong nareceived na reply mula dito, kaya itinago ko na lang muna ang cellphone ko. Niyaya na ako ni lola na kumain sa fastfood muna. Medyo late na rin kasi kong sa bahay pa kami kakain ng pananghalian. Inabutan ako ni lola ng pera at nag order na ako ng two meal. Binigyan lang ako ng number ng cashier at bumalik na ako kong saan nakaupo si lola. Nag check ako ng phone kong may reply si Yen ngunit ni isa wala, kay itinago ko na lamang ulit ito sa loob ng bulsa ng bagpack ko. Samantalang nabasa naman ni Yen, ang messages nito pero ayaw niyang mag reply dahil nagtatampo pa rin siya rito. Sunday ngayon at mag-sisimba pala kami nila mommy at daddy. Kinuha ko ang yellow sunflower dress ko at pinatungan ko rin ito ng blazer. Kasalukuyang katatapos ko lang maligo at nagbo blower ng buhok ko. Nag apply ako ng light make-up at bumaba na rin ako ng hagdan. Naabutan ko naman ang magulang ko na nakaupo sa soffa at tila ako na lang ang inaantay. "Ganda naman talaga ng dalaga namin." sambit ni daddy. "E si daddy naman." wika ko na natatawa. "Bakit anak, talaga namang maganda ka at nag mana ka sa mommy mo. "Sige na nga lang po daddy." wika ko, knowing him talagang siya nagpapa boost ng confidence ko. Masasabi ko sa sarili ko maganda talaga ako in and outside. Nagkatawana pa lalo ng sabihin ni mommy. "Let's go nagbubulahan pa kayong mag-ama." wika nito. Sabay sabay na kaming lumabas ng bahay at isa isang sumakay ng kotse. This time si daddy ang nagda drive. Medyo malayo layo rin ang church na pagsisimbahan namin. Dito napili ng parents ko dahil miraculous nga raw ito. Lalo na miracle baby nila ako. Nag tingin tingin ako sa mga lugar na nadadaanan namin, napaka kay gandang pag masdan nito. Nasa tabi ko si mommy at tinapik ako. "Po, mommy?" sambit ko. "Hindi ba kayo nag-uusap ni Ken?" tanong nito. "Hindi po mommy, bakit po?" tanong mo rin dito. "Kasi nag messages siya sa'kin." "Anong sabi po?" tanong ko ulit. "Wala naman nangamusta lang sayo." tipid na sagot ni mommy. "Ayon lang po ba mommy?" wika ko at binaling ang tingin muli sa daan. "At bakit, ano pa bang dapat sabihin niya sa'kin?" tanong ni mommy, habang sinusuklay ang mahaba kong buhok. Napatingin naman ako sakanya sabay sabing, "wala po 'yon mommy." para 'di na rin siya mag usisa pa. Mga ilang oras lang tanaw ko na ang Sta. Fe Parish Church. Nag hanap lang nama papa parkingan si daddy at bumaba na rin kami kaagad pagkatapos. Masaya kaming pumasok sa tahanan nito. Naghanap kami ng mauupuan, naka kita ako sa may dulo ng bahaging 'yon, agad ko namang tinawag sila mommy at daddy. Napakaganda ng homily ni father ngayon. Love is sacrifice. Katulad nang lubos na pagmamahal ng panginoon satin kaya inalay niya ang kaniyang buhay para matubos tayo mga kasalanang ating nagawa. Ilang saglit lang 'diko namamalayan na tapos na pala ang misa. Nagpaalam ako kanila mom at dad na mag pupunta sa labas. Sumagap ako ng sariwang hangin at naka ilang buntong hininga ako bago ko kuhain ang cellphone ko sa loob ng shoulder bag ko. Sinimulang kong basahin ang messages ni Ken. My dearest bebe gil, patawad kong ngayong lang ako nakapag messages. Kong alam mo lang kong gano kita na miss. Nasira kasi ang cellphone, kaya kabibili lang namin nito ni lola. Kamusta ka na? Laman ng messages nito. Nakaramdam naman ako ng guilty, 'di naman pala niya sadya na huwag akong imessages ng ilang araw. Agad naman akong nag reply. "Ayos lang, sabay sent nito. Nasa fastfood kami ng biglang nag vibrate ang phone ko. Mabilis ko naman itong kinuha at excited na tingnan kong si Yen ba ang nag messages sa'kin. Halos napangiti ako ng makita kong siya nga. Ang tipid naman ng reply nito, 'di man lang ako na miss reply ko rito. "Namiss naman bakit?" Okay, nga pla free ka ba next weekend Yen? "I'll check my scheduled. Why?" Wala naman aayain lang sana kitang mag friendly date. E', ganon ba. Paalam ako kanila mommy at daddy. Ok lang ba? Oo, naman pwede rin namang kasama sila, dahil alam klng 'di ka rin naman nila papayagan. "Thank you Ken, for understanding me." No, problem basta't ikaw. Kinikilig pa. Tawa lang ang nireply nito. Nag antay ako ng ilang minuto kong may kasunod na ang reply nito pero wala na. Tinapos ko na ang pagkain ko, dahil kanina pa pala tapos ang lola at mukhang naiinip na rin ito. "Apo, mukhang 'di na biyernes santo 'yang mukha mo." natatawang sambit nito. Ha! eh, hindi naman po lola, pag tatangi ko. Tapos na po ako lola, tara na po. Niyaya ko na siya at baka saan na naman kasi mapunta ang usapan namin. Lumabas na kami ng fastfood na may ngiti ako sa mga labi... Samantalang pabalik na ako sa loob ng simbahan at nakita kong kausap nila mom at dad si mother superior. I know her, kasi siya ang principal namin sa Mary Andeline Elementary School exclusive for girls only. Mga madre ang namamahala roon. Lumapit naman kaagad ako rito at nag bless. "Ito na pala si Yen, napaka gandang bata." wika nito. "Salamat po sister." sambit ko rito at napangiti. "Salamat sa time sister, mauuna na ho kami at medyo malayo pa ang byahe namin." pagpapaalam ni mom rito. Pag sipat ko ng pambisig na orasan ko, pasado alas dose na pala ng tanghali. Niyaya ko muna sila mommy na kumain kami sa isang restaurant na malapit lang rin dito. Sumakay na kami ng kotse at si mommy naman ang nagda drive, medyo masakit na raw kasi ang tuhod ni daddy at nangangalay sa layo ba ng byahe namin. Nakarating kami ng seafood restaurant, pawang ang lalaki ng mga aquarium rito at nag gagalawan ang mga buhay ng lobster, shrimp at kong ano-ano pang lamang dagat. Lumapit naman saamin ang staff at ginaya kami sa mauupuan namin. "This way, maam." turo nito saamin. Naupo na kami, habang si daddy ay nakikipag usap sa chef. Nawili naman ako sa ganda ng mga dekorasyon at mga mwebles rito. Mga ilang sandali lang dumating na ang aming pananghalian, ang laki laki ng alimango at lobster. Ang bango ng amoy, nag dasal lang kami tapos sinumulan na naming kumain. Hini himayan ako ni dad dahil wala akong tiyaga sa mga gantong pagkain. Naaalala ko na naman ang ginawa ni Ken noong picnic namin. Impit na kinikilig ako, kapag naiisip ko 'yon. "Thank you po dad." wika ko. Busy naman kaka kain si mommy ng pagkain pati kasi siya pinag himayan ni daddy, nagmana siguro talaga ako rito. Pareho kasi kaming walang tiyaga sa pag himay nito. Pasalamat na nandyan si daddy at kong wala malamang gutom na kami ni mommy. Nakabalik na kami ng bahay ni lola. Agad naman akong nag selfie kasama ang alaga kong pusa na si Misha. Pagkatapos kong kumuha ng maraming picture, isinend ko ito kay Yen. Pinagha heart naman niya ang mga ito sabay comment ng ang cuteeee. Biniro ko naman siya na si Misha lang ba ang cute? Nag comment ulit ito na oo, sabay laughing emoji. Alam ko namang nagbibiro lamang siya. Tinago ko na muna ang cellphone ko at bumalik sa kusina, nang maalala kong madami pa pala akong hugasin. Nag simula na akong mag hugas at mag linis ng bahay, dahil ito lang naman ang daily routine ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD