Chapter 12- The Love is powerful

1091 Words
YEN Ngayon ang araw na uuwe na si Ken at magkakalayo na naman kami. Kanina napaluha ako dahil alam ko naman sa sarili ko na mamimiss ko siya. Pero wala naman akong magagawa kundi mag-antay kong kailan ulit siya makakabalik rito. Nasa byahe kami pero wala kaming imikan. Parang nag aantayan lang na may mag-salita saaming dalawa. Hanggang sa napansin ni mommy na tahimik kami. "Ang tahimik, may dumaang anghel." biro nito. Minsan talaga si mommy nahahawa na rin sa pagiging joker ni daddy. "Wala po tita." wika ni Ken. Ken, tawag ko sakanya tingnan mo 'to, turo ko sa isang amusement park na nadaanan namin sa byahe. "Gusto mo bang pumunta dyan?" tanong ni Ken. Sumagot naman ako ng oo at sinabi niyang pupunta daw kami roon next week. Bigla akong napangiti ng narinig ko 'yon. Madaming kwento si Ken kaya nalibang ako at hindi namin namalayan nasa terminal na kami. Nagulat ako ng kinuha ni Ken ang kanang kamay ko at may sinuot siyang bracelet na may pendant na letter K at may dekorasyon na mga puso. Bumulong ako ng salamat sakanya. Ngumiti lamang ito at bumaba na ng kotse. Hindi na ito lumingon pa at nag dire-diretso lamang ito. Nang masiguro ni mommy na nakasakay na siya ng bus, pinaandar na rin nito ang sasakyan. Sa sobrang layo ng byahe nakatulog na ako. Pasado ala syete na ng gabi kami nakabalik ng bahay. Dahil sa sobrang pagod napasalampak ako sa kama. Maya-maya pa nag vibrate ang cellphone ko galing kay Ken ang messages. (Baby girl, nakauwe na ako. Good night.) Laman ng messages ni Ken. Hanggang sa hinila na rin ako ng antok. Kinabukasan medyo masama ang pakiramdam ko kaya hindi muna ako pumasok. Siguro dala ng pagod sa mga nakaraang araw. Maya-maya lang biglang nag ring ang cellphone ko. "Hello, Yen saan ka ba?" tanong ng classmate ko na kaibigan ko na rin. At home, walang gana kong sambit rito. "Hindi ka ba papasok?" muling tanong nito. Oo, medyo masama ang pakiramdam ko, dala siguro ng pagod. "Ay! sige, maiba tayo kamusta kayo ni Ken? kayo na ba? sinagot mo na ba siya?" sunod sunod na tanong nito. Hala! hindi no. Saan mo ba napulot yan. Magkaibigan lang kami. Ano ka ba, balitaan muna lang ako mamaya. Thank you. "Sige." sagot nito at inoff ko na ang cellphone pagkatapos nilapag ko na ito sa ibabaw ng table. Sinumulan ko nv ipikit ang aking mga mata. Nagising ako alas dos ng hapon. Nag check ako ng socila media ko kong may messages si Ken, ngunit nalungkot ako dahil ni isa wala man lang to na send. Inoff ko na lang ulit ang cellphone ko. Nakakatampo hindi man lang ako namiss. Samantalang kanina pa inis na inis si Ken dahil hindi niya mapaandar ang cellphone niya dahil nahulog lang naman ito sa may balde na punong puno ng tubig. "Bakit pa kasi naisipan kong mag soundtrip habang naliligo, haixt paano pa kaya ako makakatawg kay Yen. Malamang nag aalala na 'yon. Kainis talaga." Pumunta ako kay aling Loida, isa sa maritess kong kapit bahay. Naki hiram muna ako ng cellphone. Buti na lang memoryado ko ang number ni Yen. Naka ilang dial ako ngunit walang nasagot. Nalulungkot man ibinalik ko na rito ang cellphone. Naglakad ako papauntang farm susunduin ko na lang ang lola para sabay na kaming maghapunan. "Lola, tawag ko rito para makuha ko ang atensyon niya. Agad naman itong tumingin saakin at ngumiti." Kinuha ko ang mga dalahin niya at inalalayan ko siya sa paglalakad pabalik saaming munting tahanan. Habang masayang naghahapunan ang maglola. Napansin nito na parang balisa ang kaniyang apo. "Ken, iho may problema ka ba apo?" nag aalalang tanong nito. Ahmmm! wala naman po lola, nasira po kasi ang cellphone ko. "Ganon ba bili na lang tayo ng bago bukas, samahan mo kong lumuwas ng bayan." wika ng lola nito na nagpa sigla kay Ken. "Sige po lola, salamat po.' sambit nito sabay yakap ng mahigpit rito. Masayang masaya naman tinapos ni Ken ang pagkain at siya na ang nag abalang mag ligpit nito. Maya- maya pa pumasok na siya ng kwarto at umupo sa katre at nagdasal. Hindi siya madasaling tao pero dala siguro ni Yen naging madasalin na rin siya. Nang matapos siyang magdasal pinikit niya na ang kaniyang mga mata. Samantalang 'di naman mapakali si Yen, dahil nga kanina pa hindi nagpaparamdam si Ken, kinakabahan man iwinaksi niya na lamang ang iniisip o agam-agam. Lumabas muna siya sa terrace dahil 'di pa rin siya makatulog. Nakita naman siya ng kanyang mommy at lumapit rito. "Yen, nak may problema ba?" tanong nito. Ahmm mommy paano mo nasabing si dad na? sambit ko. "Kami ng dad mo ay arranged marriage lang ang lahat, aminin ko noong una 'di ko siya mahal. Dahil may boyfriend talaga ako noon." wika nito. Nagulat naman ako sa rebelasyon ni mommy. "Since arranged marriage nga kami, nahirapan akong paki samahan siya noong una. May mga times na nagagalit ako rito pero ni minsan 'di niya ako pinag buhatan ng kamay. At naramdaman ko na lang isang araw sa paglipas ng panahon ay unti -unti ko na rin pala itong natutuhang mahalin." dagdag na wika nito. Ahmm! ano pong nagyari sa ex mo mommy? curious kong tanong rito. "We decided to separate ways, even though it's to painful to each other, because he is my first boyfriend. But we need to do that. Ang totoong nagmamahal ay marunong magpalaya." madamdaming wika ni mommy. Ang sakit naman nyon mommy. Bakit kaya nangyayari 'yong mga ganong bagay po, tanong ko. "I must say that, it's all about life changing. And ikaw ang naging daan para mas mahalin ko pa ang daddy mo. He never left me when I carried you inside my belly. Kahit lagi ko siyang pinapahirapan sa pag-akyat ng puno, dahil ang pinaglilihian ko noon ay fresh buko juice." mahabang lintanya nito. Grabe mag mahal si daddy mommy. Sana nga magkaroon rin ako ng ganyan. "Ano? ang bata bata mo pa anak." nakakunot na wika nito. I know po mommy, not now but in a future rather. "Oh! siya mauna na ako sayo nak, baka magising ang daddy mo at hanapin pa ako." hinalikan lang ako sa noo ni mommy at bumaba na rin ito. Naiwan naman akong mag-isa na nag iisip. Kaya rin kayang gawin sa'kin ni Ken ang mga ganong bagay? usal na tanong ko saaking sarili, hanggang sa dinalaw na rin ako ng antok at bumalik na ako sa room ko para makapag pahinga na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD