Chapter 15

1792 Words
*Sam's POV "Akala ko ba matapang ka? Bakit magagalit ba si Sean kapag tinikman kita? Mukhang wala naman siyang pakialam sa'yo ngayon kasi magkasama pa rin sila ng girlfriend niya." "Does it hurt? Masakit hindi ba? Now, let him feel the same way Samantha. Gumanti ka, give yourself to me at hayaan mong pagsisihan niyang pinabayaan ka niya." "I'll make you forget about him tonight Samantha, I can make you forget. Be mine tonight and I'll help you get back." "N-no..please, just let me go." "You feel betrayed right? Pinili niya si Nicaseane, he chose her over you." "Neo please..maawa ka.." "No.. please paalisin mo nalang ako. Please.." "No! No please!" "Sam! Sam wake up!" Naramdaman ko ang pagyugyog sa akin. Napamulat ako ng mata at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Sean. "Baby, binabangungot ka.." Umupo ito sa gilid ng kama ko atsaka pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. I cried while sleeping.. Hindi ako nagsalita. Tinignan ko lang siya, and as I look at his face, I remember everything that Neo told me. He was with Nicaseane when I need him, hindi niya ako iniligtas sa masamang taong iyon.. "Nagugutom ka ba? Nagluto ako, nakialam na ako sa kusina niyo since wala naman sila tita." Umiling lang ako at nahiga ulit. Umikot ako at humarap sa kabilang side. I heard him sigh as I turn my back at him. "Samantha, we need to talk." "Okay." Pero hindi ko pa rin ito hinarap, we can talk like this. "You have to tell me who did that to you para alam ko ang gagawin." "Bakit, ano bang gagawin mo?" "Igaganti kita." I laughed sarcastically. "Kahit patayin mo pa siya, hindi mo na maibabalik ang oras." "Samantha.." "Binaboy niya 'ko, sinira yung damit ko at pwersahan akong hinubaran. He kissed me everywhere he liked.." I felt a tear escaped from my eye. "Paano mo ako maigaganti Sean? Maibabalik mo ba yung oras na yun na sana hindi nalang nangyari? Matatanggal mo ba yung pandidiring nararamdaman ko hanggang ngayon? Matatanggal ba ng pagganti mo yung takot na naramdaman ko?" "Samantha.." "You keep on getting even, you keep on wanting for revenge. May gagawin ka, gaganti siya. May gagawin siya, gaganti ka. It's unending cycle. Kailan kayo matatapos? Kapag ba napatay na nila ako?" I heard him gasped behind me. Niyakap ko ng mahigpit ang unan na nasa tabi ko. "Samantha..sabihin mo sa akin kung sino ang gumawa nito sa'yo." I heard his dangerous voice again. Tama nga ako, sarado na pareho ang mga isip nila para idaan nalang sa pag-uusap ang lahat. Magpapatayan talaga sila at sigurado akong maraming madadamay. Humarap ako sa kaniya. "I heard you yesterday, kausap mo si Nica. Iniwan mo ako para puntahan siya Sean, ibinilin mo ako sa kasama mo." "Samantha--" "Ang sama ng loob ko sayo, galit ako sayo kasi ang sabi mo, wala na kayo but all the while, you're rushing to her side at ipinagkatiwala mo lang ako sa kaibigan mo." I saw guilt in his eyes. Alam kong gusto niyang magsalita pero alam kong alam din niyang sasabihin ko ang lahat ng gusto kong sabihin. "Hindi na ako sumama pabalik kahit na pinilit ako ni Dice. Para ano? Para hintayin kang bumalik galing sa ibang babae? Napatunayan kong magkasama kayo nang may magpadala ng picture ninyong dalawa, it broke my heart evenmore seeing how you cradle her and how fear invade her eyes. Sa aming dalawa, she looks more likely to be your girl." I laughed sarcastically. "And then someone called me, telling me he tried to scare Nica at nagmamadali ka namang pumunta sa kaniya. He offered me help, nakikipagkita siya, ang sabi niya sasagutin niya lahat ng katanungan ko in exchange of something. Alam mo ba, sinabi ko sa kaniya na may tiwala ako sayo at hihintayin kong ikaw ang magpaliwanag ng lahat sa akin--" "Samantha listen to me--" "No, you listen to me, Sean." I cut him off. "Pero unti-unti akong kinakain ng curiosity ko, unti-unti akong nilamon ng galit ko sayo dahil dumating ang gabi at hindi mo ako pinuntahan. I went outside to eat, wala akong planong makipagkita sa nakausap ko sa cellphone pero nang makita ko yung meeting place, naisip kong walang mawawala sa akin kung pupunta ako." Para akong baliw na natatawa habang umiiyak. "Pumunta ako sa Fiasco, dinala ako sa VIP room and then.." I trailed off. "--and then he did that to me. Nagmamakaawa ako but he just won't let me go. Gusto kong manlaban pero nawalan ako ng lakas nung sabihin niyang magkasama pa rin kayo ni Nica nung mga oras na 'yon. He kissed me..pinned me down..undress me and all I did was to cry and beg." "Samantha, stop this." "I feel so weak while he was slowly eating me alive. I feel so scared kasi alam ko walang darating para iligtas ako kasi mas pinili niya--" "Stop it," "Mas pinili niya si Nica kaysa sakin. Sinabi pa niyang pagod na siya, pagod na siyang iligtas ako, pagod na siguro siya sa lahat ng nangyayari. Siguro napapagod na siya sa akin--" "I said stop it!" Hinila niya ako at niyakap. Pinipilit ko namang kumawala sa kaniya, I was giving him small punches on his chest pero sinasalo niya lang ang mga ito habang mahigpit akong niyayakap. "I hate you, dahil sa'yo kaya nangyayari sakin ang lahat ng 'to. Ang kapal ng mukha mong sabihin na pagod kana! Bakit Sean, akala mo ba ikaw lang ang napapagod?! Mas napapagod na ako, ako ang sumasalo ng lahat ng galit nila sayo! Why does it have to be me?! Bakit kasi ako pa, bakit ako pa!" "I'm sorry, I'm sorry baby.. I'm really sorry." "Sorry? Ganiyan ka naman hindi ba? You'll say sorry and I'll forgive you. Tapos mauulit nanaman, paulit-ulit at napapagod na ako!" He suddenly pulled me out of his embrace. He cupped my face and stared at my eyes. Sandali akong natigilan nang makita ko ang luha sa mga mata niya. "Listen baby..baby ko.." He closed his eyes and I watch his tears stream down his face. Pinagdikit nito ang aming mga noo. "I-I'm sorry, I'm sorry if I did this to you, I'm sorry. Patawarin mo ako kung paulit-ulit, paulit-ulit kang nasasaktan, paulit-ulit kang nadadamay, I'm sorry Samantha. Pero please, listen to me, magtiwala ka naman sakin, maniwala ka sa akin..ikaw lang, ikaw lang ang mahal ko, ikaw lang ang nag-iisang babaeng gusto ko. I'm sorry if I had to rush to Nica, akala ko may nangyari, ayoko nang may madamay pang iba. I'm trying to make things right pero sa tuwing nadadamay ka, nasasaktan ka, para akong nawawala sa sarili. Pagbalik ko sa katinuan, I was back to zero. Hindi ko maayos kasi damay ka, maniwala ka Samantha, ginagawa ko ang lahat. And I'm sorry if Isaid I'm tired, I'm sorry. But please? Kahit ngayon nalang, magtiwala ka sakin, maniwala ka sakin, Sam? I need you to trust me so that I can end all this shits. I promise you, pagkatapos nito, wala na, wala ng mananakit sayo, wala na baby ko. Please.." Hindi ako sumagot, sa halip ay umiyak lang ako ng umiyak. Sean didn't let me go, niyakap lang ako nito at tahimik na hinintay ang pagtahan ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog sa mga bisig niya. * Nagising ako dahil sa mainit na hanging humahaplos sa leeg ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang natutulog na si Sean sa tabi ko. His arms were around my waist, wrapping me protectively. Humarap ako sa kaniya at gumanti ng yakap. "You told me to trust you.." I studied his face, his peaceful face. I started tracing his brows down to his eyelids, his eyes, the bridge of his nose, down to his lips. I sighed. "I'm sorry, alam kong nahihirapan ka rin. You're risking your life for me too, at alam ko 'yon. I'm sorry if I always make you worry, if I always make you mad. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko, kapag nakikita kong may kasama kang iba, nasasaktan ako ng sobra. Mahal kasi kita, siguro nga matagal na itong nararamdaman ko sayo." I smiled. "I trust you, kung hindi mo man maipaliwanag sa akin ang mga nangyayari, I'll still continue to trust you. Sana..sana matapos na ito lahat para maayos na rin natin ang relasyon natin. I badly want everyone to know you're mine, mine alone. I love you baby, I love you.." I leaned to his face and gently kiss him on his lips. I was surprised when I felt him responding. "S-sean.." Akmang lalayo ako ng kabigin ako nito. He kissed me full on the lips, deep and passionate. I closed my eyes and savoured the moment. Kusa itong huminto. "I love you too, Samantha. I loved you eversince we were young." He smiled at me and caressed my cheeks. "Natatandaan mo ba nung grade six tayo? Hindi ba binugbog ko yung unang lalaking nagtangkang manligaw sayo?" He chuckled kaya naman natawa na rin ako. "Mula bata hanggang magkaisip tayo Sam, wala akong ibang nagustuhang babae maliban sayo." He gently kissed my forehead. "You're my everything baby, you're my world and my everything.." "I love you.." He smiled. "I love you too." He pulled me back to his arms and cuddled me. "Baby, tell me who took you last night." "He didn't took me, ako ang pumunta sa kaniya Sean.." Isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya. "Who is he?" I sighed. "S-si Neo.." I felt him trembled. Naramdaman ko ang pag-igting ng panga nito. Humarap ako sa kaniya at hinawakan ang mukha niya. "Kasalanan ko.." I looked into his eyes. "Kasalanan ko Sean." "Wag kang umiyak, tama na Sam. I don't want to see you cry again," "Itigil niyo na'to Sean, tama na.." Umiling ito. "He has to pay baby." "Hindi kayo matatapos kung patuloy niyong gagantihan ang isa't-isa." "You want me to let him go? To let him pass? I can't just do that Samantha, you don't know how much control I did last night para hindi siya sugurin doon at barilin sa ulo. Handa akong kalimutan ang kasalanan nila sa grupo ko pero ang ginawa niya sayo? It's a whole different thing baby. Kaya magtiwala ka lang sa akin, I need you to trust me." I sighed. "H-hindi na ba kita mapipigilan? Sean ayokong makapatay ka, I told you, okay na ako.." He kissed my forehead. "Sinabi ko na sayo hindi ba? I can be a killer if they touch you." Alanganin akong tumango. "Then it's up to you now, ikaw nang bahala. Just remember this, I trust you..I trust you baby." He smiled and claimed my lips. "I love you." **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD