Chapter 17

1475 Words
*Sam's POV "Good morning," Malawak ang ngiti nito nang sumakay ako sa kotse niya pero hindi ko siya pinansin. Inilagay ko ang seatbelt ko atsaka ko kinalikot ang phone ko. Hindi ko sinubukang lingunin siya kahit ramdam ko ang pagtitig niya. Makalipas ang ilang minutong katahimikan ay saka lang umandar ang sasakyan. We were both quiet on the way to school at mukhang nakakahalata na rin siyang wala akong balak kausapin siya. Nang makapag-park kami ay mabilis akong nagtanggal ng seatbelt. Akmang bubuksan ko na ang pinto sa tabi ko nang hawakan niya ang braso ko para pigilan ako. "Hey, what's the matter?" He looked worried. "Wala, bitiwan mo na nga ako, baka ma-late ako." Hinila ko ang braso ko pero nang subukan ko ng buksan ang pintuan ay naka-lock na pala ito. Naiinis akong humalukipkip at sumandal sa upuan. "Samantha, tell me what's wrong." Hindi ako kumibo. "Fine, kung hindi ka magsasalita, walang lalabas sa kotseng ito maghapon." I glared at him and he just shrugged. Sumandal rin ito sa upuan at pumikit. "Open the door Sean," Hindi ito kumibo. Naiinis na tinitigan ko ito pero hindi man lang ito natinag. Gusto kong makipagmatigasan sa kaniya but now is not the time. May dalawa akong quiz sa mga major ko at hindi ako pwedeng mag-absent lalo na't malapit na ang finals. Samantalang siya ay mukhang cool na cool pa at mukhang wala problema sa pagliban sa klase. Porke matalino siya at may itsura? Tss. I admit hindi ako matalino pero tama lang naman para maka-graduate. Masipag naman akong mag-aral lalo na kapag may test. Ilang minuto na ang lumipas at mukhang wala talaga itong balak paalisin ako. Naiinis na hinampas ko ng pagkalakas-lakas ang braso niya, dahilan para mapapitlag ito. "What was that for?!" Naiinis nitong hinimas ang brasong nasaktan. I just rolled my eyes. "Wag nga tayong maglokohan ngayon, pwede ba? Palabasin mo na ako dahil kailangan ko pang magreview!" "Eh ano ba kasing problema mo? Nagsusungit ka nanaman? Meron ka ba? Kahapon lang okay pa tayo, we made love-- aw! Samantha--ano ba, masakit! Aray!" Pinaghahampas ko ito sa braso at sa dibdib dahil sa inis. Anong 'we made love'?! "Hey--hey, awat na, Samantha! Isa!" Hinuli nito ang dalawang kamay ko para pigilan ako. I glared at him. "Ano nga kasi? Bakit galit ka nanaman?" Nag-iwas ako ng tingin pero pinilit nitong hulihin ang mga mata ko. "Come on baby, tell me what's wrong. Diba sinabi ko na sayo? Let's be open to each other. Sige na, sabihin mo na.." Unti-unting humupa ang inis ko dahil sa tono nito. "I-ikaw kasi eh.." "Ako? Bakit nanaman? Anong ginawa ko?" I sighed. "Bakit mo ba kasi ako nilagyan ng hickey?! Tignan mo, I have to wear sweater to cover my skin! Nakakainis ka!" It's true, kaninang umaga ko lang napansin na ang dami ko palang hickey! Dalawa sa magkabilang side ng leeg ko at meron pa sa bandang collarbone and even on my shoulders! Saglit itong natulala sa mukha ko bago ito humagalpak ng tawa. "What the hell is funny?!" Hindi ito agad nakasagot dahil tawa pa rin ito ng tawa at dahil nainis na ako ay tinalikuran ko nalang siya. I crossed my arms above my chest and faced the window. "Hey.." Hinila ulit ako nito paharap. "Ano?! Natatawa ka? Sige tumawa ka lang!" Inirapan ko ito pero sa halip na tumawa ulit ay binuhat ako nito at kinandong. Bumalik sa akin ang mga pinaggagawa niya kahapon kaya naman sinubukan kong umalis pero niyakap niya na ako. "Sorry na.." He chuckled. "Akala ko kasi, seryosong problema nanaman. Akala ko mag-aaway nanaman tayo eh." "Seryoso naman 'to ah! Palagay mo nagloloko lang ako?! Edi tignan mo para malaman mo!" Tinanggal ko ang suot kong sweater at hinayaan niya naman ako. Isang black fitted sando nalang ngayon ang suot ko. "Oo na..naniniwala naman ako, bakit hindi eh ako ang naglagay niyan, alam ko kung ilan yan. I mean, akala ko kasi kung ano nanamang nangyari sayo." "Nakakainis ka kasi eh!" "Sorry na nga..wag ka ng sumigaw, masakit sa tenga baby ko." Niyakap niya ako ulit at marahang hinalikan sa pisngi. "Sorry about what happened yesterday, in this car..nawala talaga ako sa sarili. You are such a temptress Samantha. And sorry about the lovebites, don't call them hickey, that's lovebite baby.." I rolled my eyes. "Whatever." "Ang sungit mo, meron ka ba?" Namula naman ako at napaisip. Malapit na nga akong datnan, at madalas talaga ay nauuna ang mood swings ko, yun palang kasi ang sign na magkakaroon ako. "Siguro malapit na.." I murmured. Isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya. s**t, ang bango niya. For the past few years ganito talaga ang palagi kong naaamoy sa kaniya, it comes out naturally, walang pabango. My goodness. "Sabi ko na eh," Hinalikan nito ang noo ko. "May dala ka?" Kumunot ang noo ko. "Na ano?" "Napkin," Tumango ako. "Don't worry, hindi naman kita uutusang ibili ako ng tampon kung nasa school tayo. Baka masira pa ang pagiging royal mo." I scoffed. Madalas ko kasi siyang utusan na ibili ako ng napkin pero hindi ko naman yun ginagawa sa school. Ayaw ko namang mapahiya siya. Ganito kami ka-open sa isa't isa, that even personal things are so easy for us to deal with. "Hindi ako natatakot na masira ang popularity ko Samantha, mas natatakot akong mawala ka sakin. Kaya ayos lang utusan mo akong ibili ka ng napkin sa harap ng mga estudyante." Namula ako sa sinabi nito. Akmang itatago ko ang mukha ko pero pinigilan niya ako. "Ang hilig mong itago yang pamumula mo baby..come on, it's natural." He smiled at me. "May dala ka bang concealer?" "H-ha? Para saan?" "Let's hide your lovebites. Kahit gusto kong malaman nila na ako lang ang pwedeng maglagay niyan sayo, I still don't want you to get negative feedbacks. Come on, give me your concealer." Kinuha ko sa bag ang concealer na dala ko pero hindi ko iyon ibinigay sa kaniya. "Ako na, kaya ko naman." "Ako na, mas maayos kung ako ang maglalagay." Inagaw nito ang concealer sa kamay ko at nagsimula nang i-apply iyon sa mga lovebites na gawa niya. Nakabukas ang aircon sa sasakyan pero pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako. Hindi kasi ako sanay na ganito ka-intimate ang posisyon namin. We never did this before. Akmang isusuot ko na ulit ang sweater ko nang pigilan niya ako. "Wait baby, may isa pa.." Kumunot ang noo ko. Isa pa? Pero nalagyan na naman niya lahat ah? Nagulat ako nang biglang ibaba nito ng bahagya ang damit ko hanggang sa lumitaw ang cleavage ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong meron pa ngang isa banda roon. It's not exactly on my cleavage but almost near it. I felt my cheeks flush crimson. "I told you, alam ko kung nasaan silang lahat." Ibinalik nito sa ayos ang damit ko pero tinanggal niya ang jacket ko. "I'll get you something to wear." Nangalkal ito sa mga t-shirt niya na nakakalat sa backseat ng kotse. Nakahanap naman siya ng isang itim niyang t-shirt na may konting print at mukha namang hindi gaanong malaki. "Are you sure I can wear that?" Pinitik naman nito ang noo ko. "It's not like this is your first time to wear my shirts, kinuha mo na halos ang t-shirts ko diba?" "Oo pero sa bahay ko lang naman sinusuot o kaya kapag lumalabas tayo pero I never tried wearing one here in school." "Just don't mind those people. T-shirt ko lang 'to, okay lang yan, iyong-iyo din naman ako eh." He gave me a peck on my lips. "Smack nalang ha baby? Delikado talaga kapag ganitong tayong dalawa lang, baka matuloy--" Tinakpan ko ang bibig nito. "Manahimik ka na nga! Sean kasi! Wag mo ng ipaalala, nakaka-awkward na!" "Oo na, sige na. Lift up your hands so I can dress you." "Ako na, kaya ko naman eh." Lumabi ako pero ninakawan naman ako nito ng halik. "Stop pouting, wag mo nga akong i-tempt." "What? What is so tempting with pouting my lips?" Naguguluhang tanong ko. Ang daming sinasabi ng lalaki 'to eh male-late na nga kami. "Just quit it," Isinuot nito sa ulo ko ang t-shirt. Itinaas ko naman ang dalawang kamay ko para maisuot niya sakin iyon ng maayos. Itinupi niya ang magkabilang manggas nito para hindi magmukhang malaki. "Now you're good to go." He smiled. Napailing nalang ako. "Ginagawa mo akong bata." "No, I'm just taking care of my baby." He kissed me once more bago nito binuksan ang pinto. Pinauna niya akong bumaba dahil kinuha niya pa ang bag ko. Sabay kaming naglakad sa hallway at hindi nanaman nawala ang pagtitig ng mga estudyante sa amin. Hinatid ako ni Sean hanggang sa room ko. He kissed my forehead before leaving. Napangiti nalang ako. I am so damn lucky to have him. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD