Chapter 18

1295 Words
*Sam's POV I was on my way to the parking lot when I remembered I forgot something. Dali-dali akong bumalik sa locker area para kunin ang isang novel. Meron kasi kaming bookreport sa literature kaya kailangan ko ng umpisahan ang pagbabasa para hindi ako mag-rush. Besides, mukhang matatapos ko rin naman ito agad dahil isa ito sa mga novel ng paborito kong author, it's Paulo Coelho. I've read almost all of his works; The Pilgrimage, The Fifth Mountain, Eleven Minutes, The Zahir, Veronika Decides to Die, and The Alchemist. I'm just about to give a try reading Aleph and The Valkyries. Nang maiayos ko na sa bag ang mga gamit ko ay naglakad na rin ako papunta sa parking lot. Nabigla pa ako nang makita ko kung gaano kalakas ang ulan. Mabuti nalang at may dala akong payong, si Sean kaya? Nakatawid na ako sa kabilang kalsada nang marinig kong may tumatawag sa akin mula sa kabila.I saw Sean but I can barely hear him dahil masyadong malakas ang ulan. Nakatayo siya doon sa may waiting shed habang nasa bungad naman ako ng parking lot. May maliit kasing kalsada sa pagitan nito at iyon ang nagsisilbing daanan ng mga sasakyang papasok at palabas ng parking. Akmang tatawid na ako para puntahan siya nang huminto ang isang itim na van sa harapan ko. Akala ko ay dadaan ito kaya tumabi ako habang pilit na sinisilip si Sean. Pero laking gulat ko nalang nang may mga nakaitim na lalaki ang bumaba mula sa van. Lumapit sila sa akin at sapilitan akong isinakay. I was yelling his name pero alam kong hindi niya ako naririnig. Nang maisakay nila ako ay natanaw ko sa bintana ang mabilis na pagtawid ni Sean palapit sa van pero pinaharurot na ito agad paalis ng driver. Hinabol kami ni Sean kahit na basang-basa na siya. "Sino kayo?! Anong gagawin niyo sakin?!" Walang nagsalita sa mga ito. "Sino sabi kayo?! Pakawalan niyo ako!" Nagsimula akong maglikot pero natahimik ako nang mula sa frontseat ay lingunin ako ni Neo at tutukan ng baril. "N-neo?" Nag-igting ang panga nito. Doon ko napansin ang pamamaga ng mukha nito, may blackeye ito sa kaliwang mata at putok ang labi nito. Bukod doon ay marami din itong pasa. W-what happened? "Nakita mo ba? Nakita mo ba ang ginawa ng hayop na iyon sakin?!" Napasandal ako sa upuan ko dahil gigil na gigil ito at gusto na akong abutin mula sa kinauupuan ko. Napatingin ako sa mga lalaking katabi ko at doon ko lang din napansing may mga pasa rin sila. S-si Sean ba ang may gawa nito? Kaya ba siya umalis kahapon? Bakit ang sabi niya ay may meeting lang sila? "Hinayaan pa kitang mabuhay noon Samantha, but I swear to kill you right after we get there, papatayin na kita at gagawin ko iyon sa harap ni Sean!" * The car stopped infront of a huge building. At hindi ko alam kung saan ito, I was trying to look where we're going but I can't focus because I'm trembling. Isang malakas na puwersa ang humila sa akin palabas ng sasakyan kaya naman halos magkanda-subsob ako. Kinaladkad niya ako papasok sa isang lumang building at halos panawan ako ng ulirat nang marealize kong halos hawig ito ng mga lugar kung saan pinapatay ang mga hostage sa TV. Nang makarating kami sa loob ay itinulak ako nito kaya tuluyan na akong napaupo. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas tumayo dahil sa pinaghalong takot at kaba. "Be careful Neo, she's a girl." Nag-angat ako ng tingin at bumungad sa akin ang isang matangkad na lalaki na mukhang halos ka-edad ko lang. Napatitig ako rito nang lumuhod ito sa harapan ko. "It's nice to finally see the famous Samantha." He smirked and it brought shivers all over my spine. Nakakatakot ang mga mata nito at mas natatakot ako dahil sa peklat nito sa mukha. Hindi iyon naging dahilan para pumangit ang itsura niya but I think it's more likely to become an asset. But for me, it makes him look more dangerous and scary. "Neo told me about what he did to you and I want to apologize for that. We don't rape, we are not like that type of gangsters." Tinapunan nito ng isang masamang tingin si Neo. Nanindig ang balahibo ko sa narinig ko. "Y-you are what?" He smiled. "We are gangsters. Hindi ba nasabi yun ni Sean sayo?" He smirked. "We are both gangsters under Cyclone. And we're enemies." "H-hindi ko maintindihan.." Napailing ako. Gangsters? They are gangsters? Sean is a gangster? "I'm sorry pero hindi ako ang dapat na nagpapaliwanag sayo." Itinayo ako nito at iginiya patungo sa isang upuan. He made me sit just by looking at me. "A-anong kailangan niyo sa akin?" "Don't worry, wala akong gagawin sayo, I just need to get to Sean." "Ano bang kasalanan ni Sean sa inyo?" Natakot ako sa biglang pagbabago ng ekspresyon nito. May ginawa bang mali si Sean sa kanila kaya ganito katindi ang galit nila sa kaniya? "He did something unforgivable." Tiim ang bagang nitong sagot atsaka nag-iwas ng tingin sa akin. Pinagmamasdan ko lamang siya nang bigla namang magsalita si Neo na ikinabigla ko. "And they attacked us last night," Puno ng panggigigil ang boses nito. "T-they didn't.." Bigla kong nasabi. Nangako siya sa akin na wala siyang gagawing masama kahapon, ang sabi niya ay may meeting lang sila. Neo laughed sarcastically. "That son of a b***h almost killed me. Dahil ba sa ginawa ko sayo?" He smirked pero biglang nagdilim ang paningin nito dahil bigla niya nalang akong sinugod. He snaked his fingers on my neck and started to choke me pero pinigilan siya ng lalaki. "Stop that Neo." Hinila nito palayo sa akin si Neo. "I'm going to kill you Samantha!" Ayaw pa rin nitong paawat kaya hinawakan na ito ng dalawa nilang kasama. Nauubo naman akong napaupo ulit. "Shut up Neo," He threw him a deadly glare. "I told you before that I don't want anyone hurting a girl infront of me," Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya pero nabawi din iyon nang marinig ko ulit itong magsalita. "You can kill her behind me." "N-no please..you can't do that to me." Nararamdaman ko na ang mainit na likido sa gilid ng mga mata ko. "I'm sorry but it's not my problem to deal with." Muli itong nag-iwas ng tingin. "Si Sean ang kailangan ko at hindi ikaw. But because of the attack he did last night, I think Neo will really kill you and I won't stop him." "No please.." Desperado akong humawak sa braso nito na ikinagulat niya. Sa biglaang kilos ko ay sampung baril ang naramdaman kong itinutok sa akin ng mga kasama nito. Hindi ko iyon pinansin at patuloy kong inilapit ang sarili ko sa kaniya. "No please..don't let him kill me. Nagawa lang ni Sean iyon dahil pinagtangkaan niya akong gahasain. Please..itigil niyo na'to, pakiusap.." I felt my tears flooding. I felt his body tensed with my touch. Tinitigan ko ito sa mga mata and I thought I saw a ghost of concern and withdrawal of pain. At that moment ay naramdaman kong hindi siya katulad ni Neo. Nararamdaman kong naiiba siya sa mga lalaking nakapaligid sa amin ngayon. Iginagalang niya ako at nirerespeto kaya alam kong maaawa siya sa akin. Sigurado akong may dahilan sa likod ng galit niya kay Sean and I want to heal that wound he has inside his heart, kung anuman iyon ay gusto ko siyang tulungan. Bigla itong nag-iwas ng tingi, binawi ang braso niya at walang sabi-sabi kaming tinalikuran. Pumasok ito sa isang pintuan at kasabay noon ang pagbagsak ng mga luha ko. I looked at Neo and he's just glaring at me. Oh God, what should I do? **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD