bc

UNDER HIS WINGS (TAGALOG)

book_age18+
8.5K
FOLLOW
73.6K
READ
dark
love-triangle
possessive
dare to love and hate
bxg
female lead
male lead
realistic earth
abuse
like
intro-logo
Blurb

R18+ • COMPLETED • MATURE CONTENT

How to tame your devil boss?

Iyon ang mga tanong na araw-araw umuukit sa isipan ng dalagang si Dani magmula ng magtrabaho siya sa pamilya Mondragon. Isa siyang caregiver na nag-aalaga ng bed-ridden na ina ni Kade Mondragon, isang lalaking ipinaglihi sa sama ng loob. Sa loob ng ilang buwan niyang pananatili roon ay naranasan niya ang kalupitan nito sa kanya. Dangan nga lamang ay wala siyang karapatang mag resign dahil malaki rin ang pangangailangan niya para sa pamilya. Everything in the island wasn’t a bed of roses for Dani, until Kade had a sudden change of heart. He become more gentle, understanding and affectionate. Little did she know, she is now falling for him despite of having her own boyfriend. And on the other hand, Kade is also committed to a lady named Alice.

Her forbidden love for Kade grows stronger until she found herself giving in with his carnal cravings. They both had a mutual understanding under the sheets. Everything in her life is full of happy hues until Alice and Ken comes in between--making both of their lives--trampling in a pit of fire.

chap-preview
Free preview
ISLA MONDRAGON
"Oh yeah, bad boy! F*uck me! s**t, harder!" hingal na sigaw ni Alice mula sa kwarto ni Kade. Malakas ang bawat ungol at halinghing nito na pumupuno maging sa hallway ng mansion. "Oooh... Yes! Yes! Yes! Give me more! Damn it, you rascal!" muling halinghing nito.  Napapailing na lang si Dani sa mga naririnig. Sa isang buwan niyang pananatili sa Isla Mondragon ay sanay na siyang marinig ang maingay na bibig ni Alice sa tuwing nakikipagniig ito kay Kade. Akala mo mga walang mga kasama sa bahay at kung makaungol wagas. Wala man lang respeto sa gaya niyang wala pang karanasan sa pakikipagtalik at tanging sa mga porn videos lang nakakakita ng mga nagtatalik. "Spank me, Kade!" muling utos ni Alice sa nobyo nito at hindi na nagulat si Dani nang makarinig ng ilang malalakas na lagapak mula sa loob. Lalo yatang nanggigil si Alice dahil narinig niya ang ilang malalakas na kalabog na akala mo kabayo ang bumabayo rito. "Psst! Dani, ano bang ginagawa mo riyan? Halika nga rito!" tawag sa kanya ni Lucinda, ang mayordoma ng mansion. Kaagad naman siyang sumunod sa matanda. "Huwag mo nang pinagpapansin yan si Sir Kade at Ma'am Alice, mamaya niyan mahuli ka pang nakikinig sa ginagawa nila makatikim ka na naman ng katakot-takot na sermon." anito. "May itatanong sana ako eh, ngayon kasi ang check-up ni Ma'am Devorah hindi ba? Kailangan na naming umalis in thirty minutes para hindi siya ma-late sa appointment niya. Sinabi ko na sa kanya kagabi na kailangan nasa ospital na kami before ten in the morning, anong oras na." "Bayaan mo at ako na ang magsasabi, sa ngayon ay dalhin mo muna si Ma'am Devorah sa hardin para makapagpa-araw," utos nito. "Opo, Manang Lucinda," magalang niyang sagot. Bumaba siya mula sa ika-tatlong palapag patungo sa ground floor kung saan naroon ang alaga niyang si Devorah Mondragon, ang ina ni Kade na isa ng bedridden. Siya ang caregiver nito at dalawang buwan pa lamang siya sa mansion na iyon. "Hello po, Ma'am Devorah, magandang umaga po ulit, tara po sa garden. Masarap pong magpa-araw ngayon, lalo na at nasa isla tayo at masarap ang simoy ng hanging dagat," aniya. Itinulak niya ang wheelchair nito at dinala sa garden at kagaya ng plano ay doon muna sila magbabad hanggang sa makaalis sila. Malakas siyang humugot ng buntong-hininga habang nakatingin sa malawak na karagatan na nasa harapan niya.  Nasa Isla Mondragon sila, isang private island na pag-aari ng mga magulang ni Kade na tiyak niyang mamanahin rin nito pagdating ng araw. Napakaganda ng islang iyon, parang paraiso lalo na siguro kung mabait ang mga nakatira, ngunit kabaliktaran dahil parang dragon palagi si Kade na akala mo masusunog kapag hindi ito nakabuga ng apoy. Ang masaklap pa siya pa ang madalas nitong pag-initan. Kung hindi lang niya kailangan ng sinasahod niya doon na sengkwenta mil kada buwan, nunca siyang magti-tiyaga sa lugar na iyon. Kaso hindi naman siya pwedeng magresign dahil kailangan niya ng pera para sa pagda-dialysis ng inang si Leleng na may sakit na stage five chronic kidney cancer. Dahil sa sakit nito ay dalawang beses ang dialysis nito sa loob ng isang linggo. Bukod pa roon, siya rin ang nagpapaaral sa bunso niyang kapatid na si Larissa dahil hindi na rin makapagtrabaho ang amang si Mang Niko dahil ito ang nagbabantay sa asawa. Siya lang talaga ang inaasahan ng buong pamilya kaya wala siyang choice kung hindi tiisin ang kalupitan ni Kade. Napapitlag siya nang marinig ang pagtunog ng kanyang old model samsung phone, napangiti siya nang makitang si Ken ang caller kaya kaagad niya itong sinagot. "Hello, mahal! Magandang umaga, napatawag ka?" bati niya. "Mahal, susunduin ko na si Nana Leleng. Ngayon ang dialysis niya, napaaga ang schedule niya ngayon imbes na sa hapon," anito. "Ganoon ba? Mag-iingat kayo ha! Saka salamat nga pala sa pagtulong sa mga magulang ko riyan habang wala ako." "Wala iyon, kapag kinasal naman tayo ay tiyak rin naman akong ako pa rin ang gagawa nito. Nagpa-praktis na ako ngayon," biro nito. "Maraming salamat pa rin, ang laking tulong ng ginagawa mo. Nakakahiya man pero ikaw lang talaga ang maaasahan ko sa ngayon lalo na at bata pa rin si Larissa para makatulong talaga." "Ano ka ba, huwag mo nang isipin 'yon. Ang mahalaga ay nakakasurvive naman tayong lahat," sagot nito. "Siyanga pala mahal, makakapagpadala ka ba ngayon?" tanong nito. "Bakit mahal? Kakapadala ko pa lang noong isang linggo hindi ba?" takang tanong niya. "Pasensiya na mahal, maghuhulog rin kasi ako ng motor natin ngayon, malapit na ang due-date nito. Ayaw ko namang mahatak na lang basta, sayang naman 'yung mga nauna kong nahulog. Isa pa ito na rin ang service namin nila Mang Niko papunta sa ospital." "Ay, oo nga pala! Sorry mahal, nakalimutan ko. Sige, magpapadala ako mamayang tanghali, ayos lang ba?" aniya. Nakalimutan niyang siya pala ang naghuhulog ng motor na kinuha ni Ken sa bayan. Hulugan iyon kada buwan at madalas siyang nagbibigay ng apat na libo rito kada manghihingi ang nobyo. Kasalukuyan rin kasing wala itong trabaho dahil hindi ito nakatagal sa pamamasukan bilang boy sa isang bakery sa kanilang bayan dahil nakaalitan nito ang hornero ng nasabing bakeshop. "Sige, mahal. Ayos lang! Basta huwag mong kakalimutan mamaya ha?" anito. "Sige." "Miss Soler! Hindi ba't matagal ko nang sinabi na bawal ang paggamit ng telepono sa oras ng trabaho?!" dumadagundong na wika ng isang tinig mula sa hindi kalayuan. "Patay!" bulalas ng dalaga. "Sige na mahal, mamaya na lang tayo mag-usap, bye!" aniya. Dali-dali niyang pinatay ang tawag at nagmamadaling ibinulsa ang cellphone. Nanginginig ang kalamnan niya sa takot at inihanda ang sarili sa makalaglag pusong sermon ng binatang amo. "S-sorry po S-sir K-kade!" kandautal niyang sagot. "Sorry?! Is that all you can say?! Sorry?! Hindi kita binabayaran ng malaking halaga para magtelebabad!" bulyaw nito. "Hindi naman po ako nagtelebabad Si-" "Shut up! Huwag ka nang mangatwiran, putragis!" namumula sa galit na sigaw nito. Namataan niya rin sa 'di kalayuan si Alice na nakatingin sa kanya na tila nangungutya. Lumapit ito sa binata at nilingkis na naman nito na parang sawa ang bisig ng binata. "Babe, calm down, okay? It's too early para mabanas ka sa katulong mo. Instead of reminding them every day not to use phone during work, bakit hindi mo na lang kumpiskahin ang mga cellphone nila at ibalik mo na lang kapag rest time na? That works perfectly for everyone, I think!" suhestiyon nito. Biglang kinabahan ang dalaga, hindi siya pwedeng mawalan ng cellphone sa bulsa niya dahil paano na lang kung may emergency?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook