“Ito ang mainit na tubig. Kukuha ako ng bayabas at lalanggasin ulit ang sugat mo…” I watched Auntie Lovely maneuver the basin. Pinuwesto niya iyon ibaba ng kama kung saan nakahiga si Mickey. “Rana, ikaw muna ang bahala rito. Alam mo naman na ang gagawin, hindi ba?” Tumango ako kahit na halos nalimutan na ang ginawa ni Auntie Pita kanina. Siya kasi iyong naunang naglinis ng sugat ni Mickey. Though I forgot the healing process, the cleaning of the bloody mess was still embedded in my brain. “O siya… Maiwan ko na kayo. Babalik din ako kaagad…” Nang makaalis si Auntie Lovely ay saka ko binalingan si Mickey. Hindi katulad kanina na pawis na pawis at hinihingal, ngayon ay bahagya na lamang. His eyes were closed while lying still on the bed, but I knew he heard and knew every single thing t

