bc

Majesty

book_age18+
391
FOLLOW
1.5K
READ
murder
FBI
badgirl
drama
tragedy
bxg
campus
city
first love
crime
like
intro-logo
Blurb

What Rana Delgado wants is what Rana Delgado gets. Boys, fortune, fame. She got the looks and the attitude, she got it all. She was the naughty princess of her insanely rich father who gave her the whole world and everything in it. Including her long-time crush, the cold but principled Second Lieutenant Mikhail Alicante.

Nang mamatay ang ama ni Rana, doon na nagsimulang magbago ang kaniyang mundo. Ang dating marangyang buhay ay naging madilim, malupit at masalimuot. No more friends, family, and protector. Rana had no one else to turn to, and it was up to her to save her own ass.

Her father always said that she’s a princess. It’s time to take off her crown and melt it into her very own sword because the battlefield of love, betrayal, and revenge awaits.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
“We will not be taking any questions,” deklara ni Mama sa podium. Kasunod nito ay ang sunod-sunod na mga flash ng camera. It was a good thing that I wore my black Gucci sunglasses that morning. Para sa sikat ng araw, para sa paparazzi at para sa aking namumugtong mga mata. “My husband, Apollo Delgado, just died recently…” ani Mama. Nang marinig iyon ay nanginig ang mga tuhod ko. Niyukom ko ang aking mga kamao at pinagdikit ang aking mga labi. Hindi ako katulad ng aking ina na kayang maging matatag sa harapan ng maraming tao. Kahit nasasaktan na, kahit durog na durog na. But the last thing we wanted was for her to face the world alone. Kaya habang ibinibigay niya ang opisyal na statement ng aming pamilya ay nasa tabi niya ako at ang aking pamangkin na wala pang kamalay-malay sa mga nangyayari. My mother continued her monotone speech for about five minutes. There was no sugarcoating to it. Kamamatay lang ng aking ama wala pang isang linggo ang nakalilipas. Nagluluksa ang pamilya ko at nanghihingi ng panahon. “Apollo was a visionary. His brilliant ideas in changing the world will always be his legacy. That is why our company, the Delgado Holdings, will be appointing a temporary CEO by the Boards…” “Lolo Apollo? Where’s Lolo?” Hinila ni Allistaire ang kamay ko. Bilang sagot ay tinapik ko lamang ang kaniyang balikat. Hindi naman na ito nangulit pa at pinaglaruan na lang ang suot na bow tie. Allistaire had been asking everyone about Papa nonstop. Alam kong kahit mura pa lamang ang kaniyang isip ay ramdam na niya ang nawawalang presensiya ng kaniyang Lolo Apollo. After all, we were his favorites. Ako na bunsong babae sa pamilya at si Allistaire naman bilang bunsong lalaki. Malaki ang agwat naming dalawa kaya hindi ko alam kung paanong ipaliliwanag sa kaniya na patay na ang kaniyang mahal na Lolo Apollo. Dahil… paano ko naman magagawa iyon kung sa sarili ko mismo ay hindi ko pa rin matanggap? My father, my confidante, my stronghold, and my protector… Gone. Just like that. Dinagsa kami ng mga reporter sa exit. Halos mabulag ako sa mga flash ng camera. Our security couldn’t contain them so we had to exit one by one. Pinauna ko sina Mama at Allistaire pero noong ako na ay atsaka naman lumutang ang mga katanungan. “Your father was suspected of money laundering and embezzlement. Are these allegations true?” “Senator Cervantes states that he has strong evidence against Don Apollo’s case. What do you say?” “Miss Delgado, is it murder or suicide?” Nanginig ang mga palad ko sa narinig. Parang dumilim bigla ang paningin ko. Sa lahat ng mga ibinato sa akin bilang anak ni Don Apollo Delgado ay iyon ang pinakatumatak. Murder. Or suicide. Kilala ko ang ama ko. He’s one of the most successful businessmen out there, he built an empire, he reigned for decades, he’s the richest and most powerful. Pero sa ibabaw ng lahat ng iyon, ang tunay niyang yaman ay kami, ang kaniyang pamilya. Hindi niya kailanman ipinaramdam sa amin na mas pabor para sa kaniya ang pera at kasikatan. Laging kami ni Mama at ng mga kapatid ko ang nauuna sa lahat. My father loved us and we loved him. I was sure of that. His life was meant to be lived long and prosperous. Hindi siya nagpakamatay dahil may pumatay sa kaniya. At ang pinakamasakit, kilala ko kung sino. Kilalang-kilala ko. Pinilit kong makapasok sa loob ng kotse habang sinasagupa ng mga reporter. Tulala ako sa byahe pero kalahating oras din ay tumigil ang aming convoy sa ospital. I just wanted that day to be over, but my brothers had other ideas. Naglalakad pa lamang kami sa hallway ay rinig na rinig na ang mga nakataas na boses. Inabutan naming halos magsuntukan na ang dalawa ko pang kapatid. “Aalis na kami ng pamilya ko! I cannot raise my children here! Pabayaan ninyo kaming mabuhay nang tahimik!” sigaw ni Kuya Rico. “Sige! Umalis ka! Iwan mo kaming lahat dito!” Dinuro ni Kuya Rickard ang exit. “Don’t try to sound like you don’t want this! Hindi ba’t matagal mo naman nang gusto ito?! Gustong-gusto mong umalis na ako at ang pamilya ko. Kasi inggit ka, Rick! Inggit na inggit ka sa akin!” “Oo, matagal na akong inggit sa’yo… pero mas masahol ka pa rin. You’re the eldest but look at you. The firstborn of the great Don Apollo can’t even wait until he’s buried six feet under the ground! Anak ka ba talaga? Ha?!” Kuya Rickard spat. “Hayop ka…” Bumaba ang boses ni Kuya Rico. “Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin iyan. Matagal na akong nagtitimpi sa’yo, Rick. Pero ngayon, sasabihin ko na sa’yong ikaw ang pinakawalang kwenta kong kapatid.” Pumikit akong mariin. Hindi ko alam kung sino ang una kong diringgin. Si Kuya Rickard ba na puputok na ang litid sa leeg o si Kuya Rico na sa tanan ng buhay ko ay noon ko lamang nakitang magalit. Out of the five Delgado siblings, he was known for his everlasting patience and gentle heart. But… we all had our breaking points and this was his. “At least I don’t stick around because of money and fame. I can make my own! Hindi ako katulad mong naghihintay lang ng mana!” dagdag pa niya. Nalaglag ang panga ni Kuya Rickard pero sumugod na naman! “Lumayas ka… Gusto mong umalis, ‘di ba? Layas! Hindi ka namin kailangan dito!” Bago pa man mag-abot ang dalawa ay pumagitna na si Mama. Ang iniingatan niyang composure kanina sa conference ay tuluyan nang naglaho. Her soft face was now red, and her cheeks were stained with tears. “Rico! Rickard! Ano ba?! Magpapatayan ba talaga kayo?!” sigaw niya sa aking mga kapatid. “I already lost your father! I don’t want to lose a son too! Parang awa ninyo na!” That made them both shut up. Nag-walk out kaagad si Kuya Rickard. Si Kuya Rico naman ay napasulyap sa akin. Awtomatikong namungay ang kaniyang mga mata. “Rana…” he whispered and tried to reach for my hands. Mabilis kong binawi iyon. “Aalis na kayo, Kuya? P-Paano kami? Iiwan mo na kami?” Muli niyang inabot ang aking mga kamay pero hindi ko ulit iyon pinahintulutan. Napatingin na lamang siya kay Mama na maluha-luha pa rin. Kalaunan ay nahimasmasan din ang aking kapatid at ipinasok kami sa kwarto ng kaniyang anak. Tatlo lang kami na nasa conference kanina dahil may sakit si Sol, ang kasisilang na kapatid ni Allistaire. Hanggang tanghalian lang kami roon. Kailangan na kasi naming mag-ayos ni Mama ng mga papeles. She had been answering calls left and right, and our family lawyers weren’t giving her a break. Kaya pati ako rin ay tumutulong at sumasagot sa mga ibang relative. Wala pang isang linggo nang mamatay si Papa pero parang guguho na ang mundong pinaghirapan niyang itinayo para sa amin. He was like the pillar holding the other end of the earth. So, when he died, our world tipped over and became a total mess. Si Kuya Rico, ang panganay namin, busy dahil inaasikaso ang mga anak at ang bagong panganak na asawa. Gusto na yatang umalis pero hindi ko pa nakakausap. Si Kuya Rickard naman, laging lasing at nakikipag-away. Ang sumunod ay si Kuya Archie. So far, he’s the best we got. He’s the one taking the heat back in Manila while trying to keep the company afloat. At si Kuya Charlie, iyong sinundan ko, hindi pa rin umuuwi. “Nakaabante na ang mga Montemayor at wala silang planong tumigil. Donna, tatapatin na kita. I’m sorry but the Delgado Holdings will fall without your husband.” Isang araw ay lumitaw ang family accountant namin sa Sorsogon kung saan kami naglalagi. “Nagluluksa pa kami. Hindi ba sila makapaghintay?” asik ni Mama. Mabilis kong hinawakan ang kaniyang kamay. “The Escobars along with the Limcangcos are backing their proposal. Everybody is siding with Alvar Montemayor this time. Kahit pa ang mga Sarmiento na matagal ninyo nang kaalyansa ay negatibo rin,” anang accountant sabay lapag ng mga dokumento. “Ang maipapayo ko ay mangibang-bansa muna kayong mag-iina. You have no more allies here, Donna. Think about your children and their safety.” Nagkatinginan kami ni Mama. Ang tanging nagawa ko lamang ay ang higpitan ang pagkakahawak sa kaniya. Bukod sa pag-aayos ng mga iniwan ni Papa ay umiiyak si Mama gabi-gabi. Tapos ay madalas pang mag-away ang mga kapatid ko, nagbobotohan kung dapat na nga ba talaga kaming umalis. With my father dead, our family was divided. We’re losing investors left and right, and the public was crucifying us. Lahat ng mayroon kami ay unti-unti nang binabawi. Sa mga panahong iyon, wala akong natakbuhan kahit isa. Iniwan na ako ng mga kaibigan ko at pakiramdam ko ay mag-isa na lang ako. Unti-unti nang binubura sa mundo ang mga Delgado. Isang araw ay hindi ko na nakayanan ang lahat. Sa halip na umuwi ng bahay galing sa eskuwela, dumiretso ako sa presinto kung saan pansamantalang detained ang suspect. Matagal ko na dapat ginawa iyon pero noon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Hindi pa ako handang harapin siya at mamamatay muna ako sa sakit pero kailangan ko nang marinig ang katotohanan. When the bars of the visiting room reopened, my heart felt like it was being ripped apart. He was delivered by two policemen, handcuffed with his head bowed down. Nanatiling diretso ang aking mga mata nang umupo siya sa tapat. Unang beses ko siyang nakaharap pagkatapos ng mga nangyari at pakiramdam ko… Pakiramdam ko ay iyon na rin ang magiging huli. “Rana…” marahan niyang tawag. It was funny because I heard him call my name for probably a thousand times already. Pero ang bersyon niyang iyon ay ibang-iba sa lahat. Hindi na puno ng pagmamahal at pagsusumamo. Hindi na masaya at nangangarap na lagi kong naririnig noon. “Rana,” muli niyang pagtawag, mas mariin at mas klaro. Nanatiling diretso ang aking tingin. Wala siyang nakuhang kahit anong reaksyon mula sa akin. Dahil… sa paanong paraan ko ba siya titingnan ulit kung winasak na ng galit ang akala kong walang katapusang pagmamahal ko sa kaniya? Paano mo ba titingnan ang isang taong sumira ng buhay mo? “Why did you do it?” Sa wakas ay nakuha kong magsalita, pabulong ngunit malinaw na malinaw. “Sabihin mo sa akin ngayon din kung bakit mo ginawa iyon.” Kaagad siyang umiling. “Rana… Rana, makinig kang mabuti sa akin. Mali ang mga inaakusa nila–” Nang marinig iyon ay nagbitak ang aking matinding pagpipigil. “Goddammit, just tell me the truth!” sigaw ko at hingal na hingal siyang hinarap. “Bakit mo pinatay ang ama ko?!” Sa wakas ay nagtagpo rin ang aming mga mata. Sa wakas, nagkaroon na rin ako ng sapat ng lakas para matingnan siyang muli. Pero bakit ganoon? Bakit lalo lang nadurog ang puso ko? Bakit pakiramdam ko ay kasama siya sa mga bagay na nawala sa akin? “Hindi ko pinatay si Don Apollo,” mariin niyang sabi. “Hindi ko kakayaning saktan ang mga taong mahal mo dahil mahal na mahal kita, Rana!” “Sinungaling!” Bumuhos ang mga luha ko. “Napakasinungaling mo talaga! All you do is lie because that’s what you’re so good at! At ako naman itong si tanga na lagi na lang naniniwala sa’yo!” “Alam kong mahirap, Rana, pero kailangan mo akong paniwalaan–” “Paniwalaang ano?!” “Na hindi ako ang pumatay sa Papa mo. Hindi ko kailanman ginustong gumawa ng isang bagay na alam kong makakasama sa’yo at sa pamilya mo. Hinding-hindi ko magagawa iyon, Rana, dahil mahal na mahal kita–” Hindi ko na napigilan ang sarili. Napatayo ako at nasampal siya. Parang kinukuryente ang aking kanang palad na lumagapak sa kaniyang kaliwang pisngi. It only made me sob harder because… because maybe I knew just how much he meant it. After all, he loved me even if I didn’t know how. He showed me that I was good, that I could be more. To him, I was worth crossing our two different worlds. But I couldn’t accept his love now, could I? Because if I do, who would be responsible for this grief and pain that I was carrying? “Mamamatay-tao. Hinding-hindi kita mapapatawad kahit kailan,” malamig kong bulong. Hindi siya nakasagot doon. Kinuha ko na ang aking bag ngunit bago tuluyang nakaalis ay lumingon ako sa aking balikat. “My love for you died when you killed my father,” mariin kong sabi. “Pinagsisisihan kong minahal pa kita. Pagsisihan mo na ring minahal mo ako… dahil sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook