Kabanata 2

2731 Words
Tao lang ako. Nakasulat na ang buhay ko at ang mga trahedya nito bago pa man ako nabuhay sa mundo. Pero kung alam ko lang, kung may pagkakataon lang para ibalik ang nakaraan, nagmahal sana ako nang mas malalim at mas totoo. Nagbigay sana ako nang mas higit pa sa kaya ko. Nagbago sana ako at inayos ang buhay ko. Nagsimula ang lahat ilang taon na ang nakalipas. Nangyari iyon noong una ko siyang nakilala. “And where are you going, young lady?” Kusang tumigil ang mga paa ko sa paglalakad. Kitang-kita ko na ang daan palabas ng bahay namin pero bigla namang lumabas si Mama galing sa kusina. Awtomatikong naglaho ang malaki kong ngisi. “Rana, I’m talking to you,” aniya. “Saan ka pupunta? Bakit ganiyan ang suot mo?” Talk about timing nga naman… Mula sa simangot ay hinarap ko si Mama na baon ang isang mala-anghel na ngiti. One that I knew worked like a charm on my father but I guessed not on my mother. “Mama, pupunta lang ako sa mall with my friends. Weekend naman po ngayon atsaka bored na rin kasi ako e,” marahan kong sabi. “Bored? Hindi ba ay kagagaling mo lang kagabi sa birthday party? Bored ka na kaagad?” Humalukipkip si Mama sabay hagod ng tingin sa suot ko. “At sigurado ka ba talagang sa mall ka pupunta?” “Yes po!” Tumango-tango ako. “I look beautiful, don’t I? Like you, Mama.” Nang makitang tumaas ang kaniyang kilay ay hindi ko na napigilan ang pagngisi. Ginaya ko rin ang ginawa niya sa akin na pangmamata sa suot ko. At midday, my mother wore a baby blue Carolina Herrera midi dress with nude low heels. Lalo pa itong naging eleganteng tingnan dahil sa mga puting perlas na nakaikot sa kaniyang leeg. Wala sa itsura niyang may limang anak at mukha pang isang gobernadora. Samantalang ako… Well, I wore a white tank top and a mini skirt partnered with my favorite high strappy heels. “Mama, Hilda and Catalina are already waiting for me,” sabi ko. “I swear, mabilis lang po ako. Hindi mo mamamalayan ay nakauwi na pala ako.” “Ganiyan din ang sinabi mo sa akin kagabi, Rana,” buntong-hininga ni Mama sabay iling. “Fine, you can go. Basta sa mall lang ha?” Lalong lumaki ang mga ngisi ko. Tumango ako at lumapit para makipagbeso. “Alam mo, Mama, you should stop worrying for me. Malaki na kaya ako.” I smirked. “You’re only fifteen, hija, fifteen…” marahang sabi ni Mama sabay hawi sa bangs ko. “Gusto sana kitang pigilan dahil ang bilis mong mag-mature. Hamak na mas nauuna ka sa mga ka-age mo. But… I guess this is who you are. Ang bilin ko lang naman, Rana, matutunan mo sanang limitahan ang sarili mo.” Napanguso ako. Ganoon naman lagi ang sinasabi niya pero ang hirap talagang alalahanin e. Mas mahirap pa nga yata sa mga reviewer ko sa school. Sa huli ay inihatid naman ako nito sa SUV kung saan naghihintay si Manong Obet. “Bye! I’ll be back before you know it!” kaway ko sa nakababang bintana. “Remember, Rana. No monkey business.” Tumaas ang kilay ni Mama. Ngumisi lamang ako at nag-flying kiss. Hindi ako kailanman nagsinungaling sa tanan ng buhay ko. Ang ginawa ko lamang ay ang hindi pagsabi ng totoo na dalawang magkaibang bagay. Pero para sa araw na iyon, totoong sa mall ang punta ko. Doon muna ako dumiretso sa kampo kung saan alam kong laging kinikita ni Papa si Ninong Herbert. “Si Miss Delgado pala! Good morning po!” anang officer sa gate nang babaan ko ng bintana. “Si Don Apollo ba ang bibisitahin mo?” “Opo pero hindi naman ako magtatagal.” Ngumiti ako. “Sige, Miss Delgado. Pasok kayo!” anito sabay utos sa mga kasamahan na buksan ang malaking gate. Iyong isa ay pasulyap-sulyap pa sa akin. Kung hindi pa siya binatukan noong isang officer din ay hindi pa gagalaw. Eventually, our SUV went inside the military camp. Simula pa noong bata ako ay madalas nang bumisita si Papa rito. Tandang-tanda ko pa na major pa lang ang pinsan niyang si Ninong Herbert noon ay dikit na talaga sila. Naging consultant din si Papa ng iba’t ibang mga kalapit na bayan kaya madalas na sila ang tandem. Nadestino man sa iba si Ninong Herbert, eventually ay tumaas din ang ranggo kaya napirmis sa kampong ito. “Iyan ang bunsong anak ni Don Apollo. Nag-iisang babae pa kamo…” Narinig ko ang bulungan ng mga officer. “Madalas ang tatay niyan dito kaya madalas din bumisita. Parang iyong misis na nagdadala lagi ng pagkain. Ang sarap nga magluto!” “At ang ganda pa! Kamukhang-kamukha ni Miss Delgado kapag nakita mo… Swerte talaga iyan si Don Apollo. Ubod ng yaman na, inaalagaan pa ng pamilya.” “Ninong ng batang iyan si General Ardiente kaya pwedeng-pwedeng pumasok dito.” Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maninita. Mga bagong destino siguro dito sa kampo kaya bago rin ang mga mukha. Ngumisi na lang ako at itinaas ang bintana. Nang makababa ay mas marami pa akong nakitang mga bago. Iyong mga kakilala at mga kabiruan ko noon kapag dumadalaw rito ay hindi ko masyadong napansin. Hindi ko alam kung anong tawag doon pero parang nagpalit-palit yata sila ng mga distrito. Medyo nalungkot tuloy ako dahil hindi man lang ako nakapagbigay ng farewell gifts sa mga kakilala kong officer. Katulad kanina ay pinagtinginan na naman ako. May ilang mga bumati at humabol ng tingin. Understandable naman dahil lahat sila ay naka-uniporme, ako lang ang civilian. “Oh, Miss Delgado! Napadalaw ka!” Nilapitan ako ni Sergeant Dorado, isa sa mga kakilala ko. Sa kaliwang dibdib ng kaniyang uniporme ay nakasulat ang ‘nurse corps’. “Ang ganda-ganda mo talaga, Miss Delgado! Ang laki-laki mo na!” “Thanks, sarge!” Ngumiti ako. “Dadalawin ko lang si Papa. Sabi ng secretary niya ay may meeting daw sila ni Ninong Herbert.” “Oo, nasa loob sila ngayon. Halika, samahan na kita…” Kabisado ko naman na ang opisina ng kampo nila. Si Manong Obet nga ay hindi ko na rin pinasama pero dahil bago ang mga naka-duty ay medyo na-conscious ako. Ayos lang naman sa aking humarap sa maraming tao pero nasanay talaga akong maraming kabiruan kapag dumadalaw rito. Ngayon, si Sergeant Dorado na lang ang kasama ko na hindi ko naman masyadong close. “Thanks! And sorry for the trouble!” sabi ko nang maihatid ako sa harapan ng opisina ni Ninong Herbert. Ngumiti ang babaeng officer at nagpaalam na. Out of fascination, sinilip ko ang matikas nitong paglalakad. Lahat kasi talaga sila ay ang titigas kung lumakad. Nakatutuwa ngang tingnan. Bago pumasok sa office ay inayos ko muna ang aking hanggang baywang na buhok. Si Hilda, nagpa-short hair dahil daw uso pero hindi ako gumaya. I liked my long, shiny hair so much at hindi ko bina-brush iyon ng isang daang beses gabi-gabi para lang ipaputol. Pagkatapos sa buhok ay idiniretso ko ang aking skirt na medyo nalukot sa byahe. When I was finally ready to open the door, an officer stepped in the way. Halos magkabanggaan tuloy kami! “Ouch! Aray ko!” daing ko kahit hindi naman tinamaan. Out of instinct lang. Medyo napatingin tuloy sa amin ang ibang mga officer. Sinamaan ko kaagad ng tingin iyong humarang sa akin. “May I… please go inside?” Nagkiskisan ang mga ngipin ko. Ngayon, gusto ko na talagang manita. Sa lahat ng mga pagkakataong bumisita ako ay hindi pa ako hinarang sa labas ng opisina ni Ninong Herbert. Lahat sila ay friendly at kung bawal talaga ay dinadala ako sa kumportableng paghihintayan. The only reason I chose to be polite was because I didn’t receive any bad treatment before. Until now. “Pasensiya ka na, Miss Delgado. Pero mahigpit na ipinagbibilin ng heneral na wala munang papasok sa loob,” anang humarang sa akin. Bahagyang kumunot ang noo ko. Did he just address me? Mukhang kilala niya ako… pero hindi ko naman siya kilala. Kaagad kong tiningala ang officer. Bigla ay nawala ang kung ano mang sasabihin ko at napakurap na lamang ng dalawang beses. Dahan-dahang umunat ang salubong kong mga kilay. Although he’s not one of the officers I had known before… Medyo may itsura ang bagong saltang ito. Napanguso ako. As usual ay clean-cut ang buhok kaya preskong tingnan. His eyebrows were thick, and his nose was matangos. Hula ko ay natural siyang moreno, hindi iyong ibang medyo umitim lang dahil laging nasa field. He had such cute lips though. Fifteen pa lang ako pero sigurado akong kapag seventeen or eighteen na ay malalaman ko rin ang mas bagay na adjective doon. Hindi lang… cute. “Is that so?” marahan kong sabi, ang mga mata ay lumalandas pababa. Kung may ipagpapasalamat man ako sa mga patakaran dito, iyon ay ang pagkakasulat ng kanilang mga last name sa kaliwang bahagi ng dibdib. This soldier was… Sumingkit ang aking mga mata. Alicante. Bakante ang espasyo para sa simbolo ng kaniyang ranggo kaya hula ako ay sarhento rin katulad ni Sergeant Dorado. So… Sergeant Alicante, huh? Si Sergeant Alicante na matangkad, matipuno, may matangos na ilong at matindig na tayo. Sundalong-sundalo. Hindi ako alam na nakangiti na pala ako nang muling inakyat ang tingin sa kaniyang mukha. Kaya nga lang, naabutan ko ang nakataas niyang kaniyang kilay. Man, I tried so hard to look serious… like his face! “Okay… Hindi na ako mangungulit. Hmm, saan ako pwedeng maghintay?” I asked instead. Like I said, alam ko na ang pasikot-sikot dito sa kampo. Sa hardin sa labas ako hinahatid kapag busy ang opisina. Pero… ewan. Nakalimutan ko na yata ang daan e. “Pwede roon sa garden. Ihahatid kita, Miss Delgado.” Tumango si Sergeant Alicante at lumakad palayo. Hinayaan kong mauna siya dahil tuwang-tuwa talaga ako kapag nakikita ang kanilang istilo ng paglalakad. Pero sa pagkakataong iyon, para akong natulala. Gosh, why did he have to be so handsome and so manly? And gentleman… And so, so effortlessly dashing? Especially when he’s strutting like that. Napanguso ako dahil napapangiti na naman. “Miss Delgado?” Lumingon si Sergeant Alicante at nahuli ulit akong nakangiti. Hindi na tumaas ang kilay niya dahil kumunot na ang noo. Iritang-irita ah! Hindi ko na talaga napigilan ang pagngiti. And it wasn’t the evil kind nor the one I used whenever I was plotting something. Napapangiti lang ako kasi ganoon ako kapag natutuwa sa isang tao. Kasi… ganoong-ganoon din ako kapag may bago akong crush sa school. Kapag may transferee akong nagustuhan or kapag may mga basketball player na dumalaw para sa playoffs. Alam na alam ko kaagad kapag may natitipuhan ako. I was a mischievous kid, but I never ever lied. Never. Kaya siguro ganoon din ang mga facial expression ko. Kaya… ito, napapangiti na lang kay Sergeant Alicante na… medyo suplado! “Miss Delgado,” mas matigas niyang pag-uulit. “Ito na nga e. Susunod na…” marahan kong sabi sabay lakad pasulong. He was so tall talaga. Kahit nakasuot ako ng high heels ay hindi ko pa naabot ang mga balikat niya. Hindi bale, sabi sa mga nababasa ko ay tatangkad pa ako. At kapag nangyari iyon, magsusuot na lang ako ng high heels kapag gusto ko at hindi ganitong requirement ko para sa sarili. “Let’s go?” Ngumiti ako kay Sergeant Alicante. His frowns deepened, but he nodded and started walking once more. Sabay kaming naglakad patungo sa garden na hitik na hitik sa mga Calachuchi at Achuete. Nang marating ang benches doon ay nagningning ang mga mata ko. Ang sakit na rin kasi ng mga paa ko kalalakad kanina pa. Uupo na sana ako kaya nga lang ay nalaglagan naman ng mga dahon ang upuan. “Uhh…” Sinilip ko si Sergeant Alicante. Kunot-noo niyang sinipat ang dinuro kong bench. “Puro dahon e,” mapakla kong ngisi. “May basahan ba kayong pwedeng hiramin? Ako na lang ang magpupunas–” Napatigil ako nang biglang nagiba ang kaniyang matikas na pagtayo. Bahagya siyang yumuko tapos ay hinipan paalis ang mga dahon. Nang makabalik sa dating ayos ay tinaasan niya ako ng kilay. Sungit talaga! Kahit alam ko ang ibig sabihin ng mga tingin niyang iyon ay gumanti na lang ako ng ngiti. Sungit nga pero gentleman naman. Once again, I was about to sit down pero nakita kong may mga alikabok pa ring naiwan. “Ang dumi pa rin e. Baka marumihan ang skirt ko…” Napangisi ako kay Sergeant Alicante. “Hiramin ko na lang ang basahin ninyo. Nasaan ba?” Hindi siya sumagot at seryoso lamang akong tiningnan. Napanguso ako. Baka isipin niyang ang arte-arte ko pero kahit sino naman siguro ay ayaw umupo sa maruming upuan. Atsaka pupunta pa ako sa mall mamaya. Ayaw ko namang magpalakad-lakad na marumi ang pwet. “Uy!” tawag ko. With a slight roll of his eyes, he pulled out a white handkerchief from the pockets of his camouflage trousers. Inunat niya iyon sa ere na dahan-dahang lumapag sa maalikabok na upuan. “Upo ka, Miss Delgado,” aniya. Umawang ang aking bibig. Sinipat ko si Sergeant Alicante na diretso na ngayon ang tingin sa kawalan. So… that’s what a soldier does, huh? Ang unahin ang kapwa kaysa ang sarili. Hindi ko alam na gagampanan pala nila iyon kahit sa mga simpleng bagay lang. Umusbong na naman tuloy ang mga ngiti ko na ang hirap-hirap pigilan kapag siya na ang kaharap. Hindi na ako nag-atubiling umupo. Napabuntong-hininga ako at kaagad na inabot ang mga paa. “Salamat at nakaupo rin! Sakit na ng paa ko. Sakit magsuot ng heels…” daing ko. Gusto ko nga sanang tanggalin muna pero baka lumabas na si Papa. Atsaka nakakahiya naman kung bigla kong hubarin dito. Habang kinakapa ang mga paa ay sinipat ko si Sergeant Alicante mukhang kanina pa tahimik. The sky seemed to have done something to irritate him dahil salubong na naman ang kaniyang mga kilay. Ang tapang ng mukha. Ang bigat tingnan… pero ayos lang. Dahil habang pinagdidiskitahan niya ang langit, siya naman ang dinidiskartehan ko. Nasabi ko na ba? Na ang ganda-ganda ng mga mata ng sundalong ito? Like his lips, I didn’t know what’s the right adjective for it. Ang masasabi ko lang… medyo mapungay pero medyo suplado rin. Iyon ang mga matang gustong-gusto kong tinitingnan dahil hindi nakakasawa. Ganoong-ganoon din ang sa mga ex-crush ko kaya lang ay mas mature ang kaniya. With that thought, ilang taon na kaya siya? And why did he choose to be in the military? “Babalik na ako sa loob, Miss Delgado. Tatawagin na lang kita kapag tapos na si General Ardiente,” biglaan niyang saad. Hindi ako sumagot. At hindi talaga ako sasagot. E kasi nakatingin siya sa langit. Wala naman ako roon dahil nandito lang naman ako sa harapan niya. Like he was reading my mind, Sergeant Alicante looked down at me with one swift movement of his eyes. Sakto kaagad sa akin kaya napakurap ako. “Maiwan na muna kita,” aniya. “Okay...” Marahan akong ngumiti. “Sorry kanina ha. I’m Rana Delgado, by the way. Pero… alam mo na yata iyon e.” Tumango si Sergeant Alicante. “Alright. Bye…” Tumango rin ako kaya nagsimula na siyang maglakad palayo. Ngising-ngisi ako sa matipuno niyang likuran, sa uniporme niyang pang military na bagay na bagay sa kaniya. Kaya lang ay may naalala ako. “Sergeant Alicante!” sigaw ko. Kasabay ng paghuni ng mga ibon ay ang kaniyang bahagyang paglingon sa akin. His matangos na ilong and square jaw were all highlighted when he did that. Sa background naman ay ang maaliwalas na garden. “Tango Mike, sir,” marahan kong sabi. Tumaas agad ang kaniyang kilay. Napangiti ako. “Roger that, miss…” Smirking, he finally walked away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD