Kabanata 3

3048 Words
Labinlimang minuto pa ay natapos din ang meeting nina Papa at Ninong Herbert. As promised, si Sergeant Alicante ang naghatid sa akin papunta sa opisina. Mas naging seryoso pa nga siya habang kaharap ang heneral. Natulala na naman tuloy ako lalo na noong nag-salute siya pagkatapos ay umalis din. “Ang laki na pala nitong si Rana! Dalagang-dalaga na ang bunso mo, Apollo! Parang si Donna lang noong kabataan,” ani Ninong Herbert nang magmano ako. “Thanks, Ninong! I get that a lot.” Ngumiti ako. “Naku, hija, kung ako sa’yo ay hindi muna ako magbo-boyfriend. Apat ang mga kuya mo tapos itong si Apollo ay medyo old-fashioned pa . Baka gulpihin ‘yung magiging manliligaw mo!” I smirked. Marami na akong naging manliligaw at mayroon pa rin namang mga nanliligaw… pero wala pa yata akong ipinakilala kay Papa at sa mga kapatid ko. Sure, word got around na may pumoporma sa akin pero alam ng pamilya ko na tsismis lamang ang mga iyon. At kung totoo man na may ine-entertain nga ako, alam din nilang sa katapusan ng buwan ay bibitawan ko rin. Nangyari iyon last year when I was fourteen. Si Mama ang galit na galit samantalang si Papa ang reasonable. Para bang alam na niya kaagad na hindi naman ako seryoso at curious lang talaga. That I was just a little girl who wanted to play with boys. Tandang-tanda ko pa na ang tagapagmana ng mga Tuazon na si Hero ang unang sumubok na manligaw sa akin. Naging usap-usapan iyon sa buong school pero after that incident, naging apat ang chaperone ko. Isang driver, isang yaya at dalawang bodyguard. By Mama’s orders, of course. Eventually, my suitors kept on coming na parang napagod na lang din ang aking ina. Mayroong ibang pumupunta sa bahay at mayroon ding palihim lang sa school. Hindi ako nagsisinungaling kapag tinatanong ako tungkol sa bagay na iyon pero isa lang ang sigurado ko. I was entertaining them without the intention of falling in love. At hindi naman iyon sikreto sa boys – na nambabasted talaga ako. And yet… wala pa ring mga kadala-dala. “My Rana can handle herself. Old-fashioned lang ako sa pagpapatakbo ng negosyo but my sons and I are not cavemen, Herbert. Ang Mama lang naman nila ang may pagka-Amazona,” halakhak ni Papa. “Tama ba ang naririnig ko, Apollo? Hinahayaan mo lang ang dalagita mo?” Tumagilid ang ulo ni Ninong Herbert. “Hindi ba’t dapat nga ay mas mahigpit ka pa kay Rana dahil bunso na ay babae pa?” “Relax, kumpare. Baka nakakalimutan mo, my daughter is a Delgado. Hahabulin talaga iyan ng mga kung sino-sinong Poncio Pilato at wala na akong magagawa pa roon. Ang alam ko lang, all my children have their own persona because I let them be whoever they want to be.” “Bakit ba nakakalimutan ko na ang pinakamatalik kong pinsan nga pala ay si Apollo Delgado? A tough leader but a damn good father.” Napailing si Ninong Herbert. I smirked and looked at my Papa. Tinapik nito ang aking ulo at ngumisi rin sa heneral. Dahil break ng meeting ay nasolo ko rin ang aking ama. Nagpahatid ako sa labas kung saan naghihintay na ang SUV namin pero habang naglalakad ay iginiit ko na ang ipinunta ko roon. “Cash? Para mag-shopping?” Tumaas ang kilay ni Papa. “Rana, kailan ka pa natutong magdala ng malaking pera? Nasaan ang extension cards mo?” “Papa, you froze it last week, remember? Noong nagpunta kami ng friends ko sa La Union?” paliwanag ko. “Ah… Noong tumakas ka na naman dahil hindi ka pinayagan ng Mama mo.” “Hmm… Y-Yeah! That one!” Bahagyang lumaki ang mga mata ko dahil naalala niya pa pala iyon! My father was a busy man kaya laging wala sa bahay pero lahat nga pala ng reports ni Mama ay saulado niya. Bumagal ito sa paglalakad kaya hinanda ko na ang mala-anghel kong ngiti. Napasulyap tuloy sa amin ang mga bagong personnel. Well, okay lang naman sa akin na panoorin nila kung paano kami rumampa mag-ama. I actually liked it kapag nakikita ako ng tao na kasama si Papa. “Alam ba ng Mama mo na nanghihingi ka na naman sa akin ng pera ngayon?” tanong niya bigla. “Hmm… No? Does she have to?” I fluttered my long falsies at him like a butterfly’s wings. Napabuntong-hininga si Papa kaya hindi ko napigilan ang pagngisi. Basang-basa na niya ang nasa isip ko pero katulad ng laging nangyayari, isang pa-cute ko lang ay sumenyas na siya sa nakasunod na sekretarya. “Ang Mama mo ang nag-utos na kanselahin ang cards mo pero hingi ka naman nang hingi ng pera…” iling ni Papa habang pumipirma sa cheque. I looked around and saw everybody watching us. “Ako ang naiipit sa inyong dalawa dahil kahit sino sa inyo ay hindi ko naman pwedeng suwayin. Ewan ko ba, Rana.” Nang marinig ang pagkakapunit ng papel ay para bang iyon ang tunog ng mga trumpeta sa langit. I received his signature that came with a staggering twenty-five thousand pesos. Malaking-malaki tuloy ang ngisi ko nang magpaalam. “Oh? Ganoon-ganoon na lang iyon?” tawag ni Papa kaya napatigil ako sa pagtakbo. “Walang hug? Walang kiss?” I pouted and ran back towards him with a huge smile on my face. Napahalakhak si Papa nang yumakap ako at humalik sa kaniyang pisngi. Habang nasa bisig ng ama ay nakita ko naman si Sergeant Alicante na nasa hallway lang, mukhang may importanteng kausap. Hindi ako nagdalawang-isip na kumaway at ngumiti sa kaniya. Tingin ko ay nakita niya naman ako dahil malapit lang kami sa exit. Kaya nga lang, isang tango lang ang ibinigay niya sa akin tapos ay ibinalik ulit ang tingin sa kausap. Sungit! Konti na lang e Sergeant Sungit na talaga ang itatawag ko sa kaniya. Pero… pwede rin sigurong Sergeant Pogi, Sergeant Gentleman… atsaka Sergeant Beautiful Eyes. Ang ganda kasi ng mga mata e. Parang… parang nanlalandi agad! That was the highlight of my week na siyang ikinuwento ko kina Hilda at Catalina pagdating sa mall. Wala lang sa kanila iyon dahil sa dami ba naman ng mga naging crush ko ay wala rin nagtatagal. Though they were more concerned about Lawrence, my current suitor of the month, na pinaaasa ko lang daw. I almost forgot about him dahil noong sumunod na linggong pagpunta ko sa kampo, nakita ko na naman si Sergeant Alicante! “Good morning, Miss Delgado! Ang ganda-ganda mo talaga!” bati noong isang baguhan na officer. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa mga nasa checkpoint kanina. “Good morning din po…” Ngumiti ako, pasulyap-sulyap kay Sergeant Alicante na nasa tapat lang ng photocopier. “Pasensiya ka na, Miss Delgado, dahil hindi ka pa namin kilala noong isang linggo ha. Nahiya nga kaming lahat noong nakaalis ka na. Dapat ay nagbigay man lang kami ng juice. Hindi ka naman kasi nagsasabing ikaw pala ang anak ni Don Apollo! At inaanak ka rin ni General Ardiente!” anang officer. Tumango-tango ako pero kusang lumilipad pabalik ang mga mata ko kay Sergeant Alicante. Mukhang isang malaking kasalanan kung hindi niya magagawa nang maayos ang trabaho niya. Seryosong-seryoso e. At ako lang ba o parang nagsusungit na naman ang mga mata niya? Hinanda ko na ang aking ngiti para sa officer na kausap. Nakakahiya namang hindi mamansin pero bago ko pa man magawa iyon ay lumingon na sa amin si Sergeant Alicante. Bahagyang lumaki ang mga mata ko! “H-Hi! Good morning!” My hand automatically shot up, my smile slowly forming. “Ikaw pala iyan, Sergeant! Hindi kita napansin…” Hindi ako nagsisinungaling. Hindi ko naman talaga siya napansin dahil… pansin na pansin ko siya. Siya kaya ang unang nakita ko pagpasok ko pa lang sa building! With that thought, nagbadya na ang ngiti sa aking mga labi. “Magandang umaga rin, Miss Delgado,” tango niya sabay sipat sa kausap kong officer. Bago pa man ako nakapagsalita ay ibinalik na niya ulit ang tingin sa ginagawa. Napanguso na lang ako. Napaka talaga ng isang ito. Napakasungit. Napaka-snob. Napaka… I looked at his clean-cut and sharp jawline. Ngumiti ako. Napaka-crushable. “Hindi ninyo po ako kailangang pagsilbihan dahil sapat na ang ginagawa ninyo para sa bayan.” Sa wakas ay hinarap ko rin ang officer. “Madalas po talaga ako rito dahil lagi kong dinadalaw ang Papa ko. Kapag may salu-salo, sumabay po kayo ha?” “T-Talaga? Naku, nakakahiya naman!” Napakamot ito sa ulo. “Pero sige, i-try ko…” Sinarado ko ang usapan namin pagkatapos noon. Totoo naman ang lahat ng sinabi kong mga papuri at paanyaya pero medyo bumilis lang dahil may isa pa akong balak kausapin. Nang umalis ang officer, hindi na ako nag-atubiling pumunta sa photocopier kung saan napansin kong nagliligpit na si Sergeant Alicante. “Hello!” kaway ko paglapit sa kaniya. “Dumalaw ulit ako ngayon dahil yayayain ko mag-lunch si Papa. Ilang araw na kasi siyang busy e. I missed him.” Isang tipid lang na tango ang kaniyang ibinigay, ang mga kamay ay nagliligpit pa rin. “Thank you nga pala ulit sa pag-aasikaso mo sa akin noong nakaraan ha. Ikaw lang ang gumawa noon sa akin e.” Marahan akong ngumiti. Still, he didn’t budge. Nagsimula naman siya ngayong maglagay ng kung anong label sa mga papel. Sa halip na mainis ay lalo lang akong napangiti. “Bawal ka bang magsalita? May ginawa ka sigurong mali kaya ka may sanction, ano?” Again, no reaction. Napaka… paking! “Bakit ganiyan ang ginagawa mo? Ayaw mo sa field?” Bumagsak ang tingin ko sa mga file na hawak niya. Dinuro ko pa ang bintana kung saan natatanaw ang mga squad na nag-eehersisyo. Sinundan niya lang ng tingin ang labas tapos ay bumalik ulit sa pagsusulat. I swear to God, the air was so awkward between us. Hindi rin nakatulong iyong mga officer na pasulyap-sulyap. Napanguso ako. Sungit talaga. Sergeant Sungit! Pero hindi pa rin ako umalis sa kaniyang tabi. Wala rin naman akong pupuntahan e. Nasa meeting pa si Papa at ayoko namang tumambay sa garden. Marumi roon… Atsaka nakatunog na rin akong hindi ako sasamahan ni Sergeant Alicante hindi katulad noong nakaraan dahil nga… ang sungit-sungit niya. Para kasing kulang lagi sa lambing. “Umaga at gabi lang ang jogging ng batalyon namin,” biglaan niyang saad. Bahagyang lumaki ang mga mata ko. “Mas maaga kami gumigising kaysa sa mga iyan. Baguhan pa lang sila kaya nasa field madalas. Mas marami ang trabaho namin kumpara sa kanila,” dagdag pa niya. Dahan-dahang akong napangiti. Magsasalita rin pala e! Bumubuwelo lang. “Ganoon ba? E bakit office work ka lagi? Hindi ka ba humahawak ng armas?” tanong ko. I heard a sigh from him. Hindi niya ako sinagot at inipon ang mga papel kaya akala ko ay magpapaka-snob na naman. But then he looked at me before he started walking away. I took that as a cue to follow! “Hindi laging militar ang solusyon sa mga problema. Hindi dahil may hawak kang baril ay gulo na lagi ang hahanapin mo,” aniya. Tumango-tango ako. Isang ngisi ang umukit sa aking mga labi nang naalala ang ginawa niyang pagsusungit sa akin. “E bakit ayaw mo akong kausapin kanina? Suplado ka pala e…” Binulong ko ang panghuling pangungusap. Nang tumingala ako ay nakita ko ang kaniyang pag-irap. I almost choked on my own saliva! Hindi naman niya ako siguro narinig, ano? “May ginagawa ako kanina,” aniya at huminto sa tapat ng isang pinto. He then looked down at me. “At may gagawin na rin ako ngayon… Miss Delgado.” Napanguso ako. Why didn’t I like the tone of his voice? “Sige na nga. Paalam na. Magtrabaho ka na at baka tapos na rin ang meeting nila Papa.” Nevertheless, tumango ako at ngumiti. Isang tingin ang iginawad sa akin ni Sergeant Alicante bago tuluyang pumasok sa loob ng kanilang departamento. Sumilip nga ako dahil may mga babaeng officer akong nakita roon. Sa huli, umalis na lang ako dahil saktong tapos na raw ang meeting. Ganoon ang naging siste sa sumunod pang dalawang linggo. Minsan ay nakakasalubong ko si Sergeant Alicante tapos minsan naman ay hindi. Minsan nga ay naabutan ko rin itong nasa field, nakabilad at kasama mag-jogging ang kaniyang squad. He wore not the camouflage uniform but a white fitted V-neck shirt instead. Babad sa sikat ng araw, pinapawis at may kung anong sinisigaw. And I might have taken a picture or two kasi… sayang naman ang opportunity! Gusto ko na ngang burahin dahil bukod sa bawal yata ay iyon na lang ang lagi kong tinititigan. Hindi ko naman kasi alam ang f*******: or i********: niya. Feeling ko nga ay wala rin e. Pero ang importante sa lahat, hindi ko rin alam ang first name niya. We’re not on that basis yet. Isang araw sa school, breaktime pero nakatulala na naman ako sa aking iPad. Iyon na talaga ang dinadala ko dahil hindi ako nasisiyahan sa maliit na screen ng aking cellphone. That way, mas enhanced at mas malaki ang picture ng supladong si Sergeant Alicante. “Who’s that guy, Rana? Bodyguard na ipinadala ng Mama mo?” Nakisilip si Hilda habang ngumangata ng fries. “Wala…” Kukurap-kurap ako sa picture. Sa larawan, ang background ay mga platoon ay nakakalat sa malawak na field ng kampo. Si Sergeant Alicante naman ay nasa ilalim ng puno at nakaupo sa isang malaking ugat doon. He was holding his bottled water while his bloodshot eyes were squinted. Simple lang pero malakas ang dating. “Anong wala? Let me see!” Bigla ay hinablot ni Hilda ang iPad ko! Nataranta man ay hindi ko iyon pinahintulutan. Bago pa man niya makita ang mukha ng sundalo ay pinatay ko na. Sinamaan niya ako kaagad ng tingin na siyang nginisihan ko lang. “Sino ba iyon at lagi mong tinitingnan?” asik ni Hilda. “I told you about him for like a hundred times na kaya,” sagot ko. “Iyong sergeant na naglagay ng panyo sa seat ko, remember?” “What? A sergeant? At kailan ka pa nahilig sa men in uniform?” Napairap ako. “E ikaw naman pala itong hindi nakikinig. Ilang beses ko na ngang nakwento iyon sa inyo pero mukhang nagsayang lang pala ako ng laway.” “I remember him…” saad ni Catalina na nakatulala sa kawalan. “What? Who?” “Si Sergeant Alicante,” ani Cat sabay lingon sa akin. Mabuti pa ang isang ito, kahit likas na tahimik ay talagang marunong makinig at mag-obserba. Sa grupo namin, si Catalina ang pinakamatalino pero siyang pinakatahimik naman. “Rana has his picture and stares at it all day. Nakita ko rin ang likod ng notebook niya. Naroon ang pangalan ng sundalo,” dagdag niya. I smirked. Hindi ko iyon itinanggi dahil kapag bored ako sa discussion ay iyon ang pinagkakaabalahan ko. Ang sarap isulat ng pangalan e, kahit dugtong or printed. Ang ganda ring ipa-lettering. Alicante. Delgado-Alicante. It’s so bagay kaya. “My gosh, Rana…” Sinapo ni Hilda ang noo, palinga-linga sa kabuuan ng canteen. “My gosh. My. Gosh. You obviously like him!” “I’m not sure yet… And so, what?” Tumaas ang aking kilay. “Rana! May nanliligaw na sa iyo! Si Lawrence Santillan!” Nang marinig ang pangalang iyon ay umirap ako. Para akong na-drain kaagad sa isang bigkas pa lang. Kaya siguro nababaling ang atensyon ko sa picture ni Sergeant Alicante ay iyon ang pinagkukuhanan ko ng lakas ng loob… na hinihigop ng manliligaw kong si Lawrence. He started courting me last month. Recently lang pero sumasakit na kaagad ang ulo ko dahil sa kaniyang mga kung ano-anong pakulo. Noong isang linggo ay hinarana ako sa classroom at kinasabwatan pa ang mga senior high. Nitong week naman ay nagpamigay ng frappe sa aking mga close friend. I get it that everybody knew I was hard to get. Siguro nga ay reputasyon ko na sa aming school na ni minsan ay wala pang nakapagpasagot sa akin. The way I saw it, isang challenge iyon para kay Lawrence kaya masyado siya kung pumorma. Masyadong nagpapa-impress. Him courting me was all about himself and his ability to win me like I was some trophy or something. Nakakasuka. Yet… hindi ko pa siya binabasted dahil gusto ko, kapag pumalpak siya, lahat ay makakaalala. Gusto ko, hanggang sa panaginip niya ay maaalala niya ang kaniyang sariling kapalpakan. “Relax, Hilda. Parang hindi mo naman ako kilala…” Nginisihan ko ang aking kaibigan. After a few days, dumalaw ulit ako sa kampo sa kadahilanang kailangan ko ng military escort para sa amin ng aking mga kaibigan. May bagong bukas na branch ang isang makeup brand na gustong-gusto namin. Ilang beses na rin naman akong nagpa-escort pero kapag may charity event lang. Nito kasi ay nataong dala ni Papa at ng mga kapatid ko ang lahat ng bodyguards namin. “Medyo malayo-layo nga ang mall na iyon. Kailangan ninyo ng kasama…” Tumango-tango si Ninong Herbert na nasa likuran ng kaniyang desk. “Ilan ba kayo ng mga kaibigan mo, hija? Para alam ko kung ilang escort ang sasama sa inyo.” “Just one, Ninong,” iling ko sabay ngisi. “Kami lang nina Hilda at boyfriend niya ang pupunta. Ayaw ni Catalina dahil alam mo naman ang anak mo, Ninong. Allergic yata sa kahit ano klaseng kolorete.” Natatawang napailing si Ninong Herbert. Strikto kasi kaya lumaking ganoon si Catalina. “Sige, Rana. Magpapadala ako ng isa. Baka si Sergeant Dorado o si Imperial–” “Oh, I already have one in mind,” mabilis kong putol. Tumaas ang kilay ni Ninong Herbert. Lalo lang lumaki ang aking mga ngisi. “I want Sergeant Alicante… to be my escort for today,” utos ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD