Medyo kumalma naman na ako habang bumabyahe kami. I had a fleeting time of weakness, which by no means meant that I was completely a weak person. I was shocked, that's all. Kaya naman nang makabawi ay nagsimula na akong dumaldal. "Maybe I am just a burden to them. Sakit lang ng ulo. That's why they exiled me out here!" Hindi matigil-tigil ang pagra-rant ko. Kung kaninang umaga ay si Gretchen at ang mga minion niya ang pinagbubuntunan ko ng galit, ang sarili ko nang pamilya ngayon. Lalong-lalo na si Mama. I couldn't believe that very reason why she cast me out was she couldn't handle me anymore. She had lots of things to do, yes, but to her, I was considered a handful. Inaamin ko naman e. Hindi ko na itatanggi ang mga kalokohan ko pero sana binigyan niya pa ako ng one last chance. Ngayo

